Nagtatrabaho kami upang maibalik ang application ng Unionpedia sa Google Play Store
OutgoingPapasok
🌟Pinadali namin ang aming disenyo para sa mas mahusay na nabigasyon!
Instagram Facebook X LinkedIn

Mga wikang Pilipino

Index Mga wikang Pilipino

Sa aghamwika o linggwistika, ang mga wikang Pilipino (Ingles: Philippine languages, Espanyol: Las lenguas filipinas) ay isang panukala ni Robert Blust noong 1991 na nagmumungkahi na ang lahat ng mga wika sa Pilipinas at hilagang Sulawesi, maliban sa Sama-Bajaw at ilang mga wika sa Palawan, ay bumubuo sa subpamilya ng mga wikang Austronesyo.

Talaan ng Nilalaman

  1. 31 relasyon: Mga Austronesyo, Mga wikang Austronesyo, Mga wikang Malayo-Polinesyo, Palawan, Pilipinas, Sabah, Schwa, Sulawesi, Taiwan, Wikang Aklanon, Wikang Asi, Wikang Gaddang, Wikang Gitnang Bikol, Wikang Gorontalo, Wikang Hiligaynon, Wikang Ibanag, Wikang Ibatan, Wikang Iloko, Wikang Ingles, Wikang Kapampangan, Wikang Kastila, Wikang Mëranaw, Wikang Onhan, Wikang Pangasinan, Wikang Proto-Pilipino, Wikang Romblomanon, Wikang Sebwano, Wikang Tao, Wikang Tausug, Wikang Tboli, Wikang Waray.

  2. Mga wika ng Indonesia
  3. Mga wika ng Malaysia
  4. Mga wika ng Pilipinas

Mga Austronesyo

Ang mga Awstronesyo ay isang pangkat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya, Oseaniya at Madagaskar, na nagsasalita o may mga ninunong nagsasalita ng isa sa mga wikang Awstronesyo.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Mga Austronesyo

Mga wikang Austronesyo

Ang mga wikang Austronesyo o Awstronesyo (Wikang Espanyol: len·guas aus·tro·ne·sias; Ingles: Austronesian languages) ay isang pamilyang wika na malayang nakakalat sa mga kapuluan ng Timog-Silangang Asya at ng Pasipiko, na may ibang kasapi ginagamit sa mismong kontinente ng Asya.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Mga wikang Austronesyo

Mga wikang Malayo-Polinesyo

Ang mga wikang Malayo-Polinesyo ay isang uri ng mga wikang Austronesyo, sa isang pag-uuri ng mga wikang pinaniniwalaang iisa ang pinagmulan.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Mga wikang Malayo-Polinesyo

Palawan

Ang Palawan ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa MIMAROPA.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Palawan

Pilipinas

Ang Pilipinas (The Philippines), opisyal na Republika ng Pilipinas, ay isang malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-Silangang Asya na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Pilipinas

Sabah

Ang Sabah (pagbigkas: sá•ba) na dating Hilagang Borneo, ay isa sa dalawang estado ng Malaysia sa pulo ng Borneo (ang Sarawak ang isa pa nitong estado).

Tingnan Mga wikang Pilipino at Sabah

Schwa

Sa palatuntunan, lalo na sa ponetika at ponolohiya, ang schwa (ibinabaybay rin na shwa) ay isang tunog na gitnang sentrong patinig ng tsart ng patinig (mid-central vowel) na may simbolong ə sa IPA.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Schwa

Sulawesi

Ipininta ng pula ang Sulawesi Ang Sulawesi (dating kilala bilang Celebes) ay isang isla ng bansang Indonesia.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Sulawesi

Taiwan

Ang Republika ng Tsina, kilala bilang Taywan (Ingles: Taiwan, bigkas: /tay·wán/, literal na kahulugan: "baybaying may pilapil") ay isang bansa sa Silangang Asya na binubuo ng isang kapuluan, at ang pinakamalaki at importanteng pulo ay mismong Taywan.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Taiwan

Wikang Aklanon

Ang wikang Aklanon, (ak-ea-non), ay wika ng mga katutubo ng Aklan, isang probinsiya sa Rehiyon VI.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Aklanon

Wikang Asi

Ang Wikang Asi ay isang rehiyonal na wikang Bisaya na sinasalita, kasama ang mga wikang Romblomanon at Onhan, sa lalawigan ng Romblon, Pilipinas.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Asi

Wikang Gaddang

Ang wikang Gaddang o Cagayan ay sinasalita ng mahigit tatlumpung libong tao ng mga Gaddang sa Pilipinas, partikular na lang sa Magat at sa itaas ng mga ilog ng Cagayan sa ikalawang rehiyon ng probinsya ng Nueva Viscaya at sa Isabela at sa mga dayuhang bansa sa Asya, Australia, Canada, Europa, sa Middle East, UK at sa Estados Unidos.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Gaddang

Wikang Gitnang Bikol

Ang Gitnang Bikol na karaniwang tinatawag ding Bikol Naga ay ang pinakasinasalitang wika sa Rehiyon ng Bikol sa timog ng Luzon.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Gitnang Bikol

Wikang Gorontalo

Ang wikang Gorontalo ay isang wikang Pilipino ng pamilyang wikang Austronesyo na sinasalita sa probinsya ng Gorontalo ng Sulawesi, Indonesia.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Gorontalo

Wikang Hiligaynon

Ang Wikang Hiligaynon ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Iloilo at Negros Occidental.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Hiligaynon

Wikang Ibanag

Ang wikang Ibanag (tinatawag din bilang Ybanag o Ibanak) ay isang wikang Austronesyo na sinasalita ng hanggang 500,000 tagapagsalita, pinakapartikular ang mga Ibanag, sa Pilipinas, sa hilagang silangang mga lalawigan ng Isabela at Cagayan, lalo na sa Tuguegarao, Solana, Abulug, Cabagan, at Ilagan at kasama ang mga mandarayuhan sa ibayong-dagat sa mga bansang matatagpuan sa Gitnang Silangan, Reyno Unido, at Estados Unidos.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Ibanag

Wikang Ibatan

Ang wikang Ivatan (Ibatan) na kilala rin bilang Chirin nu Ibatan ("Ang wika ng Mga Tao ng Ivatan"), isang wikang Austronesian na sinasalita sa mga isla ng Batanes.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Ibatan

Wikang Iloko

Ang Iloko (o Iluko, maaari ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Iloko

Wikang Ingles

Ang Ingles ay isang Kanlurang Hermanikong wika na unang sinasalita sa maagang edad medyang Inglatera at kalaunang naging pandaigdigang lingua franca.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Ingles

Wikang Kapampangan

Ang Kapampangan o Capampáñgan ay isa sa mga walong pangunahing wika ng Pilipinas.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Kapampangan

Wikang Kastila

Ang Kastila o Espanyol ay isang wikang Romanse na umunlad mula sa kolokyal na Latin na kasapi sa angkan ng mga wika na Indo-europeo.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Kastila

Wikang Mëranaw

Ang Wikang Mëranaw (ibinibigkas na: /ˈmәranaw/) ay isang wikang Awstronesyo na ginagamit ng mga Mëranaw sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur sa Pilipinas, at sa Sabah, Malaysia.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Mëranaw

Wikang Onhan

Ang wikang Onhan, kilala rin bilang Inonhan o Loocnon, ay isang wikang panrehiyon na wikang Kanluraning Bisaya na sinasalita, kasama ang mga wikang Romblomanon at Asi sa lalawigan ng Romblon, Pilipinas.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Onhan

Wikang Pangasinan

Ang Wikang Pangasinan (Pangasinan: Salitan Pangasinan) o Pangasinense ay nasasailalim sa sangay Malayo-Polynesian ng pamilya ng mga wikang Austronesian.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Pangasinan

Wikang Proto-Pilipino

Ang wikang Proto-Pilipino ay isang katawagan tungkol sa muling itinatag na proto-wika at sinasabing ninuno ng mga wika ng Pilipinas, at isa ring iminungkahing subgrupo ng mga wikang Austronesyo na kasama ang lahat ng mga wika sa loob ng Pilipinas (maliban sa mga wikang Sama – Bajaw) pati na rin sa mga nasa hilagang bahagi ng Sulawesi sa Indonesia.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Proto-Pilipino

Wikang Romblomanon

Ang Wikang Romblomanon ay isang Austronesyo na wikang panrehiyon na sinasalita, kasama ang mga wikang Asi at Onhan, sa lalawigan ng Romblon, Pilipinas.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Romblomanon

Wikang Sebwano

Ang Wikang Sebwano (Sebwano: Sinugboanon; Kastila: idioma cebuano) ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 21 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Sebwano

Wikang Tao

Ang wikang Tao, na kinikilala rin bilang wikang Yami ay isang wika na ginagamit ng pangkat etnikong Tao ng Taiwan na nakatira sa Pulo ng Orkidya.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Tao

Wikang Tausug

Ang Wikang Tausug (taʔu'sug; Bahasa Sūg; Bahasa Suluk; idioma joloano/suluano) ay isang wikang Bisaya na sinasalita sa lalawigan ng Sulu sa Pilipinas.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Tausug

Wikang Tboli

Ang wikang Tboli (magaspang sa), kilala rin bilang Tagabili o T'boli ay isang wikang Austronesyo na sinasalita sa timog ng isla ng Pilipinas ng Mindanao kabilang na lang sa probinsya ng Timog Cotobato ngunit meron din mananalita sa probinsya ng Sultan Kudarat at sa Sarangani.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Tboli

Wikang Waray

Ang Wináray, Win-áray, Waráy-Wáray o Waráy (karaniwang binabaybay bilang Waray; tinatawag ding L(in)eyte-Samarnon) ay ang pinakasinasalitang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas.

Tingnan Mga wikang Pilipino at Wikang Waray

Tingnan din

Mga wika ng Indonesia

Mga wika ng Malaysia

Mga wika ng Pilipinas

Kilala bilang Philippine languages.