Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
Libre
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Arko ni Tito

Index Arko ni Tito

Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah. Ang Arko ni Tito (Arco di Tito; Arcus Titi) ay isang arko na nagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo sa Unang Digmaang Hudyo-Romano na humantong sa pagwasak ng Herusalem at Templo sa Herusalem (Ikalawang Templo sa Herusalem) o Templo ni Herodes noong 70 CE.

13 relasyon: Diaspora, Domiciano, Ikalawang Templo sa Herusalem, Israel, Italya, Menorah, Mga Hudyo, Roma, Sirko Maximo, Templo ni Solomon, Templo sa Herusalem, Tito (emperador), Unang Digmaang Hudyo-Romano.

Diaspora

Ang isang diaspora (mula sa Griyego διασπορά, "pagkalat, paghiwalay") ay isang nakakalat na populasyon na ang pinagmulan ay mula sa isang mas maliit na lokasyon sa heograpiya.

Bago!!: Arko ni Tito at Diaspora · Tumingin ng iba pang »

Domiciano

Si Tito Flavio Domiciano (Oktubre 24, 51 – Setyembre 18, 96), kilala rin bilang Domitian, ay ang emperador ng Imperyo Romano na namuno mula Oktubre 14, 81 hanggang sa kanyang kamatayan Setyembre 18, 96.

Bago!!: Arko ni Tito at Domiciano · Tumingin ng iba pang »

Ikalawang Templo sa Herusalem

Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem o Templo ni Herodes noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah. Ikalawang Templo sa Herusalem() na kalaunang tinawag na Templo ni Herodes ay isang Templo sa Herusalem na isang muling pagtatatyo ng templo sa lugar na dating kinatayuan ng Templo ni Solomon na umiral mula - 70 CE. Ang Ikalawang Templo ay winasak ng mga Romano noong 70 CE sa Unang Digmaang Hudyo-Romano. Pagkatapos wasakin ng Imperyong Neo-Babilonya ang Templo ni Solomon noong 587 BCE, ito ay muling itinayo sa utos ni Dakilang Ciro ng Imperyong Akemenida nang pinayagan ang mga Hudyong ipinatapon ni Nabucodonosor II na makabalik sa Herusalem. Ito ay ang simula ng panahong Ikalawang Templo sa kasaysayan ng Hudaismo. Ang Ikalawang Templo sa Herusalem at ang lungsod ng Herusalem ay winasak ng Imperyong Romano noong 70 CE na tinawag na Dakilang Babilonya sa Aklat ng Pahayag bilang ang bagong Imperyong Neo-Babilonya na wumasak sa Templo ni Solomon at Herusalem noong 587/586 BCE. Ayon sa Ebanghelyo ni Marcos 13, Ebanghelyo ni Mateo 24, at Ebanghelyo ni Lucas 21:20-36 na mga hulang inilagay sa bibig ni Hesus ng mga kalaunang may-akda ng mga ebanghelyo ito, ang dahilan ng pagkakawasak ay dahil sa pagtakwil ng mga Hudyo kay Hesus bilang isang mesiyas ng Hudaismo. Ang mga propesiyang ito ay isang vaticinium ex eventu upang pangatwiranan na ang pagkawsak nto ay isang kaparusahan sa pagtakwil ng mga Hudyo kay Hesus bilang mesiyas. Ang pagkawasak nito ay tanda ng pagbabalik ni Hesus at pagwawakas ng mundo noong unang siglo CE.

Bago!!: Arko ni Tito at Ikalawang Templo sa Herusalem · Tumingin ng iba pang »

Israel

Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל, Medīnat Yisrā'el; Arabiko: دَوْلَة إِسْرَائِيل, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan. Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga Israeli.

Bago!!: Arko ni Tito at Israel · Tumingin ng iba pang »

Italya

Ang Italya (Italia), opisyal na Republikang Italyano, ay bansang matatagpuan sa Timog-Kanlurang Europa.

Bago!!: Arko ni Tito at Italya · Tumingin ng iba pang »

Menorah

Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah. Ang Menorah (מְנוֹרָה) ay inalalarawang sa Bibliyang Hebreo o Tanakh bilang isang may pitong sangay na candelabrum na ginamit sa Tabernakulo sa Templo sa Herusalem (Templo ni Solomon at Templo ni Herodes).

Bago!!: Arko ni Tito at Menorah · Tumingin ng iba pang »

Mga Hudyo

Ang mga Hudyo (Ebreo: יהודי, yehudi) ay tumutukoy sa pangkat etno-relihiyosong nagmula sa mga sinaunang Israelita at sa mga taong naniniwala sa paniniwalang Hudaismo, sa loob ng iba’t ibang punto ng kasaysayan at panahon.

Bago!!: Arko ni Tito at Mga Hudyo · Tumingin ng iba pang »

Roma

Ang Roma ay ang punong-lungsod ng bansang Italya at isang espesyal na komuna ng bansa (pinangalanang Comune di Roma Capitale, "Ang Komuna ng Punong Lungsod ng Roma").

Bago!!: Arko ni Tito at Roma · Tumingin ng iba pang »

Sirko Maximo

Ang Sirko Maximo o Circus Maximus (Latin para sa pinakadakila o pinakamalaking sirko; Italyano: Circo Massimo) ay isang sinaunang Romanong estadyong pangkarera ng karo at malawakang pinagdadausan ng libangan sa Roma, Italya.

Bago!!: Arko ni Tito at Sirko Maximo · Tumingin ng iba pang »

Templo ni Solomon

Ang Templo ni Solomon o Unang Templo sa Herusalen(ayon sa Bibliya ay ang unang Templo sa Herusalem na itinayo ni Solomon sa Nagkakaisang Kaharaian ng Israel noong mga. Ito ay winasak ng Imperyong Neo-Babilonio noong 587 0 586 BCE ni Nabucodonosor II sa Pagkukubkob sa Herusalem noong 587 BCE at kalaunang humantong sa pagpapaton sa mga mamamayang taga-Judea sa Babilonia pagkatapos ng pagbagsak ng Kaharian ng Judah. Ayon sa Bibliya, ang pagkawasak ng templo at pagpapaton sa mga taga-Judea ay katuparan ng mga propesiya sa Bibliya na ito ay dahil sa pagsamba ng mga Sinaunang Israelita sa politeismo at ayon sa mga iskolar ay ang dahilan kung bakit nabuo ang paniniwalang monoteismo na si Yahweh lamang ang dapat sambahin ng mga Israelita. Isinalaysay sa Bibliya na ang ama na pinag-isa ng ama ni Solomon na si David ang labindalawang lipi ng Israel, sumakop sa Herusalem at dinala ang pangunahing artipako ng mga Israelita na Kaban ng Tipan sa lungsod. Kalaunan ay pinili ni David ang Bundok Moriah bilang lugar ng hinaharap na templo upang pagbahayan ng kaban ng tipan. Gayunpaman, ayon sa Bibliya, pinagbawal ng Diyos na itayo ito ni David dahul sa pagdanak niya ng maraming dugo. Ang templo ay itinayo ng kanyang anak na si Solomon at inalagay ang Kaban ng Tipan sa Banal ng mga Banal na lugar dapat lamang para sa mga Dakilang Saserdote ng Israel na pumapasok rito tuwing Yom Kippur kada taon na nagdadala ng dugo ng inihandog na batang tupa at nagsusunog ng insenso.. Ayon sa Bibliya, ang templo ay hindi lamang ang gusali ng pagsamba para sa mga Israelita kundi isang lugar rin ng pagtitipon. Ang mga Hudyong ipinatapon sa Babilonya ay pinayagang makabalik sa Herusalem ni Dakilang Ciro ng Imperyong Akemenida at pinayagan ang mga Hudyo na muling itayo ang nawasak ng templo ni Solomon. Ang bagong templo ay wala ng Kaban ng Tipan dahil ito ay naglaho. Ang Mga Aklat ng mga Hari sa Bibliya ay naglalarawan sa pinakadetalyadong paglalarawan sa pagtatayo ng templo ni Solomon. Mula 1980, ang karamihan ng mga iskolar ng Bibliya ay nagduda at nagsaad na walang templo sa Herusalem noong ika-10 siglo BCE. Ayon sa arkeologong Israeli na si Israel Finkelstein, walang ebidensiya na ang Templo ni Solomon ay umiral sa arkeolohiya. Sa karagdagan, Wala ring mga ebidensiya sa labas ng Bibliya o sa arkeolohiya ang sumusuporta sa isang makapangyarihang kapangyarihang Kaharian ng Judea na umiral noong panahon ni David o Solomon. Ayon rin sa arkeologong Israeli na si Israel Finkelstein, walang ebidensiya na ang Templo ni Solomon ay umiral.

Bago!!: Arko ni Tito at Templo ni Solomon · Tumingin ng iba pang »

Templo sa Herusalem

Ang Templo sa Herusalem o Banal na Templo (pangalang Hebreo: בית המקדש, Bet haMikdash, "Ang Banal na Bahay"), ay tumutukoy sa sunud-sunod o serye ng mga kayariang nasa ibabaw ng Bundok ng Templo (Har haBayit) sa loob ng Lumang Lungsod ng Herusalem.

Bago!!: Arko ni Tito at Templo sa Herusalem · Tumingin ng iba pang »

Tito (emperador)

Si Tito Flavio Vespasiano, na kilala rin bilang Tito o Titus sa Ingles (Disyembre 30, 39 – Setyembre 13, 81), ay ang emperador ng Imperyo Romano na naghari ng maikling panahon mula 79 hanggang sa kanyang kamatayan noong 81.

Bago!!: Arko ni Tito at Tito (emperador) · Tumingin ng iba pang »

Unang Digmaang Hudyo-Romano

Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah. Ang Unang Digmaang Hudyo-Romano (66–73 CE) na minsang tinatawag na Ang Dakilang Paghihimagsik (המרד הגדול, ha-Mered Ha-Gadol, Primum Iudæorum Romani Bellum.), ang una sa tatlong mga digmaang Hudyo-Romano ng mga Hudyo sa Probinsiyang Judea laban sa Imperyo Romano.

Bago!!: Arko ni Tito at Unang Digmaang Hudyo-Romano · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Arch of Titus.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »