Si Captain Boom ay isang kathang-isip na karakater sa komiks na lumalaban sa krimen na nilikha ni Mars Ravelo at ginuhit ng kanyang anak na si Ric Ravelo. Unang lumabas si Captain Boom sa United Komiks ng PSG Publising House noong 1966. Nang naipakilala ang karakter sa telebisyon, pinalitan ang pangalan niya sa Kapitan Boom na tinagalog ang salitang Ingles na captain.