Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
I-install
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Belshazzar

Index Belshazzar

Si Belshazzar o Belsasar (Kunepormeng Babilonio: Bēl-šar-uṣur, nangangahullugang "Si Bel, ang tapag-ingat ng hari"; Bēlšaʾṣṣar) ay anak ni Nabonidus (naghari noong 556–539 BCE na huling hari ng Imperyong Neo-Babilonya).

11 relasyon: Aklat ni Daniel, Babilonya, Dakilang Ciro, Imperyong Akemenida, Imperyong Neo-Babilonya, Labashi-Marduk, Nabonidus, Nabucodonosor II, Talaan ng mga lungsod at bayan sa Saudi Arabia, Tangway ng Arabia, Wikang Akkadiyo.

Aklat ni Daniel

Ang Aklat ni Daniel ay isa sa mga aklat sa Tanakh Hudyo at Bibliyang Kristiyano.

Bago!!: Belshazzar at Aklat ni Daniel · Tumingin ng iba pang »

Babilonya

Ang Babilonya (Ingles: Babylonia) (Bābili or Babilim; Arameo: בבל, Babel, בָּבֶל, Bavel, بابل, Bābil) ay isang makasaysayang estadong lungsod na naging imperyo sa Gitnang Silangan.

Bago!!: Belshazzar at Babilonya · Tumingin ng iba pang »

Dakilang Ciro

Si Dakilang Ciro o Cirong Dakila (Wikang Persiyano: کوروش بزرگ, Kurosh-e Bozorg) (c. 590 BCE o 576 — Agosto 529 BCE o 530 BCE), kilala din bilang Ciro II ng Persiya at Cirong Nakatatanda (Ingles: Cyrus the Elder), ay isang pinunong Persiya.

Bago!!: Belshazzar at Dakilang Ciro · Tumingin ng iba pang »

Imperyong Akemenida

Ang Imperyong Akemenida o Achaemenida Empire (mula sa Lumang Persiyano na Haxāmanišiya), tinatawag ding Ang Unang Imperyong Persiyano, ay isang imperyo sa Kanlurang Asya, na itinatag ni Cirong Dakila. Sa pinakadakilang lawak nito na ang lawak ay mula sa Balkan hanggang sa Lambak ng Indus, ay naging isa ito sa mga pinakamalalaking imperyo sa kasaysayan, na sumasaklaw sa 5.5 milyon na kilometrong parisukat, at noon ay naging mas malaki kaysa sa alin mang nakaraang imperyo sa kasaysayan. Bantog ito sa matagumpay na modelo ng isang sentralisadong, pangangasiwang burukratiko (sa pamamagitan ng mga satrapa sa ilalim ng Hari ng mga Hari), sa mga pagtayo ng imprastruktura tulad ng mga sistema ng kalsada at isang sistema ng koreo at sa paggamit ng isang opisyal na wika sa kabuuan ng mga teritoryo nito at sa isang malaking propesyonal na hukbo at sa mga serbisyong sibil, na nagpasigla sa mga katulad na sistema sa mga sumunod na imperyo.Schmitt Achaemenid dynasty (i. The clan and dynasty) Kilala ito sa Kanluraning kasaysayan bilang ang katunggali ng mga Griyegong lungsod-estado sa panahon ng mga Digmaang Griyego-Persiyano at sa pagpapalaya ng mga Hudyong tapon sa Babilonya. Ang Mausoleo sa Halicarnassus, na isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig, ay itinayo sa isang Helenistikong estilo sa imperyo. Nang ika-7 siglo BCE, ang mga Persiyano ay namuhay sa timog-kanluraning bahagi ng Iranyang Talampas sa rehiyon ng Persis, na naging kanilang sentro. Mula sa rehiyong ito, sumulong si Cirong Dakila upang talunin ang mga Medo, ang Lydia, at ang Imperyong Neo-Babilonyo, itinatatag ang Imperyong Akemenida. Ang delegasyon ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan ay inaakala na kalaunan ay nagpahina sa kapamahalaan ng hari, na nagsanhi sa paggasta sa mga pag-aaring yaman sa mga pagtatangka upang supilin ang mga lokal na paghihimagsik, at humantong sa kawalan ng pagkakaisa ng mga rehiyon sa panahon ng pagsalakay ni Dakilang Alejandro noong 334 BCE. Ang palagay na ito, gayun pa man, ay hinahamon ng ilang mga modernong iskolar na nakikipagtaltalan na ang Imperyong Akemenida ay hindi humarap sa anumang naturang krisis sa panahon ni Alejandro, na mga panloob na paghalili na pakikibaka sa loob ng pamilyang Akemenida lamang ang kailan man lumapit sa pagpapahina ng imperyo. Si Alejandro, na malaking tagahanga ni Cirong Dakila, ay kalaunang sumakop sa imperyo sa kabuuan nito noong 330 BCE. Sa kanyang kamatayan, ang karamihan sa dating teritoryo noong imperyo ay sumailalim sa pamamahala ng Kahariang Ptolemaiko at Imperyong Seleucid, bilang karagdagan sa iba pang mga menor na mga teritoryo na nakakamit ng pagsasarili sa panahong iyon. Kalaunan ay makakabawi ng kapangyarihan yaong Persiyanong populasyon sa gitnang talampas sa ikalawang siglo BCE sa ilalim ng Imperyong Parto. Ang makasaysayang tanda ng Imperyong Akemenida ay hindi lamang humangga sa teritoryal at militar na impluwensya nito kundi pati din sa impluwensyang kultura, panlipunan, teknolohikal at relihiyon. Maraming mga Ateniense ang tumaglay ng mga kaugaliang Akemenida sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa isang pagpapalitan ng impluwensiya ng kultura, na ang ilan ay inimpleyado ng, o nakaalyado sa mga hari ng Persiya.

Bago!!: Belshazzar at Imperyong Akemenida · Tumingin ng iba pang »

Imperyong Neo-Babilonya

Ang Imperyong Neo-Babilonya o Imperyong Kaldeo ay isang panahon sa kasaysayan ng Mesopotamia na nagsimula noong 626 BCE at nagwakas noong 539 BCE.

Bago!!: Belshazzar at Imperyong Neo-Babilonya · Tumingin ng iba pang »

Labashi-Marduk

Si Labashi-Marduk ang hari ng Babilonya noong 556 BK at anak ni Neriglissar.

Bago!!: Belshazzar at Labashi-Marduk · Tumingin ng iba pang »

Nabonidus

Si Nabonidus (Kunepormang Babilonyo: (na nangangahulugang Nabû-naʾid, "si Nabu ay pinuri") ang huling hari ng Imperyong Neo-Babilonya na naghari mula 556 BCE hanggang 539 BCE at tinalo ni Dakilang Ciro ng Imperyong Persiyano.Si Ciro ay pumasok sa Babilonya nang mapayapa at walang digmaang nangyari. Pagkatapos nito, ang Babilonya ay isinama sa Persiyanong Imperyong Akemenida bilang isang satrapiya. Ang mga pinagmulan ni Nabonidus ay hindi malinaw dahil wala siyang kaugnayan sa mga nakaraang hari ng Imperyong Neo-Babilonya. Ipinagpapalagay ng mga iskolar na siya ay nauugnay sa mga haring Babilonya sa pamamagitan ng pagpapakassal sa pamamagitan ng pagkakaraon ng anak na babae na ikinasal kay Nabucodonosor II (605–562 BCE). Ang ina ni Nabonidus na si Adad-guppi ay isang Asiryo o Arameo. Ang ama ni Nabonidus na si Nabu-balatsu-iqbi ay maaari ring isang Asiryo o Arameo. Ang ilang mga iskolar ay nagpalagay na ang ama at ina ni Nabonidus ay maaaring kasapi ng Dinastiyang Sarganod na mga pinuno ng Imperyong Neo-Asirya na bumagsak sa mga Babilonyo at Mga Medo noong 609 BCE. Si Nabonidus ay nahirang na hari pagkatapos mapatalsik at pinatay si Labashi-Marduk (naghari 556 BCE). Sa kanyang paghahari, pinalaki niya ang katayuan ng Diyos ng buwan na si Sin (diyos) at binawasan ang katayuan ng tradisyonal na pambansang Diyos ng Babilonya na si Marduk. Ang ilang iskolar na nagmungkahing ninais ni Nabonidus na buong palitan si Marduk ni Sin bilang Pinuno ng Panteon ng Relihiyong Mesopotamiano ngunit ito ay patuloy na pinagdedebatihan. Mula 552 BCE hanggang 543/542 BCE, si Nabonidus ay tumungo sa Tayma sa Arabia sa isang sariling pagpapatapons sa mga hindi alam na kadahilanan at sa panahong ito ang kanyang anak na si Belshazzar ang naging pinuno ng Babilonya bagaman si Nabonidus ang patuloy na kinikilang hari ng Babilonya. Kategorya:Mga hari ng Babilonya.

Bago!!: Belshazzar at Nabonidus · Tumingin ng iba pang »

Nabucodonosor II

Si Nabucodonosor II (Ingles: Nebuchadnezzar II; ܢܵܒܘܼ ܟܘܼܕܘܼܪܝܼ ܐܘܼܨܘܼܪ; נְבוּכַדְנֶצַּר; Ancient Greek: Ναβουχοδονόσωρ; Arabic: نِبُوخَذنِصَّر; c 642 BK – 562 BK) ang hari ng Imperyong Neo-Babilonyano na naghari noong c. 605 BK – 562 BK.

Bago!!: Belshazzar at Nabucodonosor II · Tumingin ng iba pang »

Talaan ng mga lungsod at bayan sa Saudi Arabia

Mapa ng Saudi Arabia Ito ay isang talaan ng mga lungsod at bayan sa Kaharian ng Saudi Arabia.

Bago!!: Belshazzar at Talaan ng mga lungsod at bayan sa Saudi Arabia · Tumingin ng iba pang »

Tangway ng Arabia

Ang Tangway ng Arabia. Ang Tangway ng Arabia (Arabe: شبه الجزيرة العربية šibh al-jazīra al-arabīya o جزيرة العرب jazīrat al-arab), Arabia, Arabistan, at ang kabahaging kontinento o subkontinenteng Arabo ay isang tangway o peninsula sa Timog-Kanlurang Asya na nasa hugpungan ng Aprika at Asya.

Bago!!: Belshazzar at Tangway ng Arabia · Tumingin ng iba pang »

Wikang Akkadiyo

Ang wikang Akkadiyo (lišānum akkadītum, 𒀝𒂵𒌈 ak.kADû) (Akkadian, Accadian, Assyro-Babylonian) ay isang ekstinkt na wikang Semitiko (bahagi ng pamilya ng wikang Aproasyatiko) na sinalita sa sinaunang Mesopotamia.

Bago!!: Belshazzar at Wikang Akkadiyo · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Belsasar, Belshazar, Belshazzhar.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »