Nagtatrabaho kami upang maibalik ang application ng Unionpedia sa Google Play Store
OutgoingPapasok
🌟Pinadali namin ang aming disenyo para sa mas mahusay na nabigasyon!
Instagram Facebook X LinkedIn

Mongolya

Index Mongolya

Ang Mongolia /mong·gol·ya/ (Mongolian: Монгол Улс) ay isang bansa sa Silangan at Gitnang Asya na lubos na napapalibutan ng kalupaan.

Talaan ng Nilalaman

  1. 29 relasyon: Bangkong Pandaigdig, Budismong Tibetano, Bundok, Dinastiyang Qing, Dinastiyang Yuan, Disyerto ng Gobi, Ekonomiyang pampamilihan, Estadong unitaryo, Genghis Khan, Gitnang Asya, Imperyong Monggol, Karaniwang Panahon (kalendaryong Gregoryano), Kasakistan, Kasarinlan, Mongol ulsyn töriin duulal, Pandaigdigang Organisasyon ng Pangangalakal, Parang, Parlamento, Republika, Rusya, Silangang Asya, Silangang Europa, Sistemang semi-presidensyal, Taiwan, Tala ng mga Internet top-level domain, Tsina, Ulan Bator, Unyong Sobyetiko, Wikang Mongol.

Bangkong Pandaigdig

Ang logo ng World Bank Ang World Bank ("Bangkong Pandaigdigan"), ay isang sabansaang bangko na nagbibigay ng tulong pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran (tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, atbp.) na may layunin ng pagbababa ng kahirapan.

Tingnan Mongolya at Bangkong Pandaigdig

Budismong Tibetano

Ang Budismong Tibetano o Lamaismo ay isang anyo ng Budhismo sa Tibet, na nagtatag ng pamagat o titulong Dalai Lama, isang pangalang bigay sa dating pinuno at punong monghe ng Tibet, noong 1640.

Tingnan Mongolya at Budismong Tibetano

Bundok

Bundok Damavand, Iran Bundok Banahaw, Pilipinas Ang bundok (Kastila: montaña, Ingles: mountain, mont, at mount The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, dahon 492-499, 606 at 612) ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak.

Tingnan Mongolya at Bundok

Dinastiyang Qing

Ang Dinastiyang Qing (kilala din bilang Dinastiyang Manchu ay ang huling dinastiya na naghari sa Tsina mula 1644 hanggang 1912 (na may maikling, pagbabalik noong 1917). Tinawag din itong Imperyo ng Dakilang Qing (also anachronistically). Si Aisin Gioro (Nurhachi), na isang taga-Manchu ang nagtatag ng dinastiya.

Tingnan Mongolya at Dinastiyang Qing

Dinastiyang Yuan

Ang Dinastiyang Yuan (Tsino: 元朝; pinyin: Yuán Cháo), opisyal na Dakilang Yuan (Tsino: 大元; pinyin: Dà Yuán; Monggol: Yehe Yuan Ulus), ay ang imperyo o namamahalang dinastya sa Tsina na itinatag ni Kublai Khan, pinuno ng Monggol na angkan ng Borjigin.

Tingnan Mongolya at Dinastiyang Yuan

Disyerto ng Gobi

Ang Disyerto ng Gobi (Говь) ay isang malaki at malamig na disyerto at damuhan sa hilagang Tsina at katimugang Mongolia at ito ang ikaanim na pinakamalaking disyerto sa mundo.

Tingnan Mongolya at Disyerto ng Gobi

Ekonomiyang pampamilihan

Ang pampamilihang ekonomiya ay isang ekonomiya na kung saan ang mga pasya ukol sa pamumuhunan, produksyon, at distribusyon ay batay sa panustos at kailangan (supply and demand), at ang presyo ng mga produkto at serbisyo ay nalalaman sa malayang sistema ng halaga.

Tingnan Mongolya at Ekonomiyang pampamilihan

Estadong unitaryo

Ang unitaryong estado ay isang estado na pinamamahalaan bilang isang entidad kung saan ang pamahalaang sentral ang pinakamataas.

Tingnan Mongolya at Estadong unitaryo

Genghis Khan

right Si Genghis Khan (mga 1162–Agosto 18, 1227) (Siriliko: Чингэс хаан, Чингис Хаан, Чингис хан, Intsik: 成吉思汗), (binabaybay din bilang Chengez Khan sa Turko,Chinggis Khan, Jenghis Khan, Chinggis Qan, atbp.), ay ang nagtatag ng Imperyong Mongol (ИхМонгол Улс), (1206–1368), ang pinakamalaking kumpol na imperyo sa kasaysayan ng daigdig.

Tingnan Mongolya at Genghis Khan

Gitnang Asya

Gitnang Asya ang rehiyon ng Asya mula sa silangang baybayin ng Dagat Kaspiyo hanggang sa kanlurang bahagi ng Tsina at Mongolia, at mula sa katimugang bahagi ng Rusya hanggang Iran at Apganistan sa timog.

Tingnan Mongolya at Gitnang Asya

Imperyong Monggol

Ang Imperyong Monggol (Monggol: Mongolyn Ezent Güren; Sirilikong Monggol: Монголын эзэнт гүрэн) ay umiral noong ika-13 at ika-14 na siglo at ang pinakamalaking magkakaratig na lupang imperyo sa kasaysayan.

Tingnan Mongolya at Imperyong Monggol

Karaniwang Panahon (kalendaryong Gregoryano)

Ang Karaniwang Panahon (Ingles: Common Era o CE) ay isa sa mga notasyon ng taon na ginagamit para sa kalendaryong Gregoryano (at hinalinhan nito, ang kalendaryong Huliyano), ang pinakaginagamit na panahon sa kalendaryo sa buong mundo.

Tingnan Mongolya at Karaniwang Panahon (kalendaryong Gregoryano)

Kasakistan

Ang Kasakistan (Kasaho: Қазақстан, tr. Qazaqstan), opisyal na Republika ng Kasakistan, ay bansang transkontinental na pangunahing matatagpuan sa Gitnang Asya at bahagya sa Silangang Europa.

Tingnan Mongolya at Kasakistan

Kasarinlan

Mga balangkas-kalatas ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas, sulat ni Ambrosio Rianzares Bautista na ipinapahayag ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya, at opisyal na pinagtibay ni Heneral Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898. Ang kasarinlan ay isang katayuan o kalagayan ng isang tao, bansa, bayan, o estado kung saan ang mga naninirahan at mamamayan, o ilang bahagi nito, ay nagpapamalas ng pamamahala sa sarili, at kapangyarihan sa nasasakupang teritoryo nito.

Tingnan Mongolya at Kasarinlan

Mongol ulsyn töriin duulal

Ang Pambansang Awit ng Mongolia (Monggol: Монгол Улсын Төрийн Дуулал Latin: Mongol ulsyn töriin duulal) (Intsik: 蒙古國國歌 Literal na kahulugan: Awit ng Mongolya), ay ang pambasang awit na nilikha sa Kumposisyon nila Bilegiin Damdinsüren (1919 - 1991) at Luvsanjambyn Mördorj (1919 - 1996), ang liriko ay nilikha nu Tsendiin Damdinsüren (1908 - 1988).

Tingnan Mongolya at Mongol ulsyn töriin duulal

Pandaigdigang Organisasyon ng Pangangalakal

Ang World Trade Organization o WTO (sa Filipino: Organisasyon ng Pandaigdigang Kalakalan, Organisation mondiale du commerce o OMC, Organización Mundial del Comercio o OMC), ay isang organisasyong pansabansaan na nilikha upang mapamanihalaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal.

Tingnan Mongolya at Pandaigdigang Organisasyon ng Pangangalakal

Parang

Ang parang ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod.

Tingnan Mongolya at Parang

Parlamento

Ang parlamento o batasan ay isang uri ng lehislatura, taglay lalo na ng mga bansang may sistema ng pamahalaang hango sa sistemang Westminster ng United Kingdom.

Tingnan Mongolya at Parlamento

Republika

Sa malawak na kahulugan, ang isang republika (mula sa Lating rēspūblica, mula sa mas maagang rēs pūblica) ay isang bansa na nakabatay ang samahang pampolitika sa mga tuntunin na ang mga mamamayan o taga-halal ang bumubuo ng pinakamataas na ugat ng pagiging marapat at nagsasarili.

Tingnan Mongolya at Republika

Rusya

Ang Rusya (Россия, tr.), opisyal na Pederasyong Ruso, ay bansang transkontinental na umaabot mula Silangang Europa hanggang Hilagang Asya.

Tingnan Mongolya at Rusya

Silangang Asya

Ang Silangang Asya ay isa sa mga rehiyon ng Asya na maaaring tumukoy sa paraang heograpikal o kultural.

Tingnan Mongolya at Silangang Asya

Silangang Europa

Isang pag-render ng kompyuter ng Silangang Europa Ang Silangang Europa ay ang silangang bahagi ng kontinente ng Europa.

Tingnan Mongolya at Silangang Europa

Sistemang semi-presidensyal

Ang pamahalaang pamamaraang semi-presidensyal, pamamaraang kalahati-pampanguluhan o sistemang kalahi-pampanguluhan ay isang pamahalaan kung saan ang isang pangulo kasama umiiral ang punong ministro at gabinete na kung saan nananagot sa lehislatura ng isang estado.Naiiba ito sa republika pamamaraang parlamentaryo o parliamentary republic system kung saan ang pinuno ng estado ay higit pa sa talinghaga seremonyal, at naiiba rin sa pamamaraang pampanguluhan o sistemang presidensyal,na kung saan ang kasapi ng gabinete bagaman pinangalanan ng pangulo,ay nananagot sa lehislatura,kung saan mapilitan ang kasapi ng gabinete upang magbitiw sa mosyon ng kawalang tiwala.

Tingnan Mongolya at Sistemang semi-presidensyal

Taiwan

Ang Republika ng Tsina, kilala bilang Taywan (Ingles: Taiwan, bigkas: /tay·wán/, literal na kahulugan: "baybaying may pilapil") ay isang bansa sa Silangang Asya na binubuo ng isang kapuluan, at ang pinakamalaki at importanteng pulo ay mismong Taywan.

Tingnan Mongolya at Taiwan

Tala ng mga Internet top-level domain

Ito ang tala ng mga kasalukuyang mga Internet Top-level domain (TLD).

Tingnan Mongolya at Tala ng mga Internet top-level domain

Tsina

Ang Tsina, opisyal na Republikang Bayan ng Tsina, ay bansang matatagpuan sa Silangang Asya.

Tingnan Mongolya at Tsina

Ulan Bator

Ang Ulan Bator, o Ulaanbaatar (Улаанбаатар) sa Wikang Monggolyano, ay ang kabisera ng Mongolia.

Tingnan Mongolya at Ulan Bator

Unyong Sobyetiko

Ang Unyong Sobyetiko (Советский Союз, tr.), opisyal na Unyon ng mga Sobyetikong Sosyalistang Republika, at karaniwang dinadaglat na USSR, ay estadong komunista at bansang transkontinental na sumaklaw sa karamihan ng Eurasya sa panahon ng pag-iral nito mula 1922 hanggang 1991.

Tingnan Mongolya at Unyong Sobyetiko

Wikang Mongol

Ang wikang Monggol (in Mongolian script: Moŋɣol kele; in Mongolian Cyrillic: монгол хэл, mongol khel.) ay isang wikang sinasalita sa Mongolia.

Tingnan Mongolya at Wikang Mongol

Kilala bilang Battsengel, Bulgan Province, Dornod Province, Lalawigan ng Bulgan, Lalawigan ng Dornod, Lalawigan ng Orkhon, Lalawigan ng Uvs, Monggolia, Monggoliya, Monggolya, Monggulya, Mongolia, Mongulya, Munggolia, Munggoliya, Munggolya, Munggulya, Mungolia, Mungoliya, Mungolya, Mungulya, Orkhon Province, Probinsiya ng Bulgan, Taga-Mongolia, Uvs Province.