Papa Francisco at Roma
Mga shortcut: Pagkakaiba, Pagkakatulad, Jaccard Magkatulad koepisyent, Mga sanggunian.
Pagkakaiba sa pagitan ng Papa Francisco at Roma
Papa Francisco vs. Roma
Si Papa Francisco (Franciscus, Francesco; Francisco) ipinanganak; Jorge Mario Bergoglio noong 17 Disyembre 1936) ay ang ika-266 at kasalukuyang Papa ng Simbahang Katolika. Taál ng Buenos Aires, Arhentina, itinalaga siya bilang paring Katoliko noong 1969. Noong 1998 siya ay iniluklok bilang Arsobispo ng Buenos Aires, at noong 2001 siya ay ginawáng kardinal ni Papa Juan Pablo II. Nahalál siya bilang Papa noong 13 Marso 2013, matapos na magbitíw si Papa Benedicto XVI noong 28 Pebrero. Pinili ni Bergoglio ang ngalang pampapang Francisco, ang kauna-unahang papang gumamit ng naturang pangalan, bilang pagpupugay kay San Francisco ng Asisi. Siya ang kauna-unahang Papa mula sa labas ng Europa simula noong ika-8 na dantaon, unang nagmula sa kontinente ng Timog Amerika (at mangyaring sa Katimugang Hemispero), at unang papa na hindi taga-Europa matapos ang panahon ni Papa Gregorio III noong taong 741. Siya rin ang unang naluklok na Heswita bilang Pontifex Maximus. Sa kabuuan ng kanyang buhay, bilang isang indibidwal at isang pinunong relihiyoso, nakilala ng publiko si Papa Francisco sa kanyang kababaang-loob, sa kanyang pagmamalasakit sa mga mahihirap, at sa kanyang pagnanais na bumuo ng mga pag-uusap bilang paraan upang makaugnay ang lahat ng tao mula sa iba't-ibang lahi, paniniwala, at pananampalataya. Nakilala rin siya sa pagiging payak at di-gaanong pormal na pamamahala bilang Santo Papa, lalo na noong pinili niyang manirahan sa bahay-pampanauhin (guesthouse) ng Domus Sanctae Marthae kaysa sa apartamento ng Apostolikong Palasyo na siyang ginamit ng mga naunang Papa. Dagdag dito, dahil sa pagiging Heswita at tagasunod ni San Ignacio ng Loyola, kilala rin siya sa pagiging payak sa pananamit, gaya ng pagtanggi niyang magsuot ng tradisyunal na kapa ng Papa na mozzetta noong siya ay maluklok, pagpili niya ng pilak sa halip na ginto para sa kanyang singsing, at paggamit niya ng kanyang krus na ginagamit na niya mula pa noong siya'y kardinal pa lamang. Nanatili ang posisyon ng Papa sa doktrinang Katoliko hinggil sa aborsiyon, artipisyal na kontrasepsiyon, at homoseksuwalidad. Bagama't nananatili ang posisyon ng katuruan ng Simbahan hinggil sa mga gawaing homoseksuwal, sinabi niyang hindi dapat maliitin ang mga bading o bakla. Bilang kardinal, tinutulan niya ang pag-iisang-dibdib ng magkatulad na kasarian (same-sex marriage) sa Arhentina. Dagdag dito, pinananatili niya na siya'y "anak ng Simbahan" hinggil sa pagiging tapat sa mga doktrina ng Simbahan, tinukoy ang aborsiyon bilang "kasuklam-suklam," at iminungkahing ang mga babae ay pinahahalagahan sa halip na inoordinahan. Kung ibubuod, binigyang-diin ni Papa Francisco na "Kabalintunaang sabihing sinusunod mo si Hesukristo subalit tinatanggihan mo ang Simbahan." Kaya naman, hinimok niya si Obispo Charles J. Scicluna ng Malta na magsalita laban sa pag-ampon ng mga nagsasamang magkatulad ang kasarian (same-sex couples), pinanatiling ang mga Katolikong galing sa diborsiyo at muling nagpakasal ay maaaring hindi tumanggap ng Eukaristiya, at nagtiwalag (excommunicate) ng isang dating paring Katoliko dahil sa mga pananaw nitong lumalapastangan sa Simbahan. Binigyang-diin niyang ang tungkulin ng mga Kristiyano na tulungan ang mga mahihirap at mga nangangailangan, at itinataguyod niya ang mapayapang usapin at mga usapang kabilang ang mga nasa iba't-ibang pananampalataya o interfaith dialogue. Ipinahayag din niyang walang puwang sa Simbahan ang pagpapahintulot sa pang-aabusong seksuwal (''sex abuse'') sa Simbahan, na nagsabing ang pang-aabusong seksuwal ay "kasingsamá ng pagsasagawa ng Itim na Misa (satanic mass).". Ang Roma ay ang punong-lungsod ng bansang Italya at isang espesyal na komuna ng bansa (pinangalanang Comune di Roma Capitale, "Ang Komuna ng Punong Lungsod ng Roma").
Pagkakatulad sa pagitan Papa Francisco at Roma
Papa Francisco at Roma ay may 10 mga bagay sa karaniwan (sa Unyonpedia): Banal na Luklukan, Europa, Italya, Kapisanan ni Hesus, Lungsod ng Vaticano, Palasyong Apostoliko, Papa, Pontifex Maximus, Simbahang Katolikong Romano, Tala ng mga papa ng Simbahang Katoliko Romano.
Ang Banal na Luklúkan o Santa Sede (Sancta Sedes, Holy See) ay ang eklesyastikal na nasasakupan ng Simbahang Katolika sa Roma.
Banal na Luklukan at Papa Francisco · Banal na Luklukan at Roma · Tumingin ng iba pang »
Ang Europa ay isa sa pitong kontinente ng daigdig.
Europa at Papa Francisco · Europa at Roma · Tumingin ng iba pang »
Ang Italya (Italia), opisyal na Republikang Italyano, ay bansang matatagpuan sa Timog-Kanlurang Europa.
Italya at Papa Francisco · Italya at Roma · Tumingin ng iba pang »
Ang Kapisanan ni Hesus (Ingles:Society of Jesus; Latin: Societas Iesu), mas kilala sa tawag na "Heswita" (Jesuit), ay isang relihiyosong orden ng Romano Katoliko.
Kapisanan ni Hesus at Papa Francisco · Kapisanan ni Hesus at Roma · Tumingin ng iba pang »
Ang Lungsod ng Vaticano (Latin: Civitas Vaticana; Italyano: Città del Vaticano), opisyal na Estado ng Lungsod ng Vaticano (Latin: Status Civitatis Vaticanae; Italyano: Stato della Città del Vaticano), o kilala sa simpleng tawag na Vaticano (Latin: Vaticanus), ay isang enklabe at lungsod-estadong may kasarinlan na napapaligiran ng Roma, ang kabisera ng Italya.
Lungsod ng Vaticano at Papa Francisco · Lungsod ng Vaticano at Roma · Tumingin ng iba pang »
Ang Palasyong Apostoliko ay ang tirahang opisyal ng papa, ang pinuno ng Simbahang Katolika, na matatagpuan sa Lungsod ng Vaticano.
Palasyong Apostoliko at Papa Francisco · Palasyong Apostoliko at Roma · Tumingin ng iba pang »
Ang Papa o Pontipise ay ang Obispong Katoliko at patriyarka (lalaking pinuno) ng Roma, at ang namamahala ng Simbahang Katolika.
Papa at Papa Francisco · Papa at Roma · Tumingin ng iba pang »
Si Augustus bilang Pontifex Maximus''(Via Labicana Augustus)'' Ang Pontifex Maximus (Latin, literal na "pinakadalikang pontipise") ang Dakilang Saserdote o Dakilang Pari ng Kolehiyo ng mga Pontipise (Collegium Pontificum) sa Sinaunang Roma.
Papa Francisco at Pontifex Maximus · Pontifex Maximus at Roma · Tumingin ng iba pang »
Ang Simbahang Katoliko Romano, na kilala rin bilang Iglesya Katolika Apostolika Romana, Simbahang Romano Katoliko ay ang pinakamalaking Kristiyanong simbahan na pinamumunuan ng Obispo ng Roma Ang pamamahala nito ay naka-sentro sa Lungsod ng Vaticano.
Papa Francisco at Simbahang Katolikong Romano · Roma at Simbahang Katolikong Romano · Tumingin ng iba pang »
Ito ang isang kronolohikong tala ng mga papa ng Simbahang Katoliko: Kategorya:Talaan ng mga patriarka, primado at papa *.
Papa Francisco at Tala ng mga papa ng Simbahang Katoliko Romano · Roma at Tala ng mga papa ng Simbahang Katoliko Romano · Tumingin ng iba pang »
ang listahan sa itaas sasagutin ng sumusunod na mga tanong
- Ano Papa Francisco at Roma magkaroon sa mga karaniwang
- Ano ang mga pagkakatulad sa pagitan ng Papa Francisco at Roma
Paghahambing sa pagitan ng Papa Francisco at Roma
Papa Francisco ay 31 na relasyon, habang Roma ay may 519. Bilang mayroon sila sa karaniwan 10, ang Jaccard index ay 1.82% = 10 / (31 + 519).
Mga sanggunian
Ang artikulong ito ay nagpapakita ng mga relasyon sa pagitan ng Papa Francisco at Roma. Upang ma-access ang bawat artikulo mula sa kung saan ang impormasyon ay nahango, mangyaring bisitahin ang: