Nagtatrabaho kami upang maibalik ang application ng Unionpedia sa Google Play Store
🌟Pinadali namin ang aming disenyo para sa mas mahusay na nabigasyon!
Instagram Facebook X LinkedIn

Papa Francisco at Papa Leo IX

Mga shortcut: Pagkakaiba, Pagkakatulad, Jaccard Magkatulad koepisyent, Mga sanggunian.

Pagkakaiba sa pagitan ng Papa Francisco at Papa Leo IX

Papa Francisco vs. Papa Leo IX

Si Papa Francisco (Franciscus, Francesco; Francisco) ipinanganak; Jorge Mario Bergoglio noong 17 Disyembre 1936) ay ang ika-266 at kasalukuyang Papa ng Simbahang Katolika. Taál ng Buenos Aires, Arhentina, itinalaga siya bilang paring Katoliko noong 1969. Noong 1998 siya ay iniluklok bilang Arsobispo ng Buenos Aires, at noong 2001 siya ay ginawáng kardinal ni Papa Juan Pablo II. Nahalál siya bilang Papa noong 13 Marso 2013, matapos na magbitíw si Papa Benedicto XVI noong 28 Pebrero. Pinili ni Bergoglio ang ngalang pampapang Francisco, ang kauna-unahang papang gumamit ng naturang pangalan, bilang pagpupugay kay San Francisco ng Asisi. Siya ang kauna-unahang Papa mula sa labas ng Europa simula noong ika-8 na dantaon, unang nagmula sa kontinente ng Timog Amerika (at mangyaring sa Katimugang Hemispero), at unang papa na hindi taga-Europa matapos ang panahon ni Papa Gregorio III noong taong 741. Siya rin ang unang naluklok na Heswita bilang Pontifex Maximus. Sa kabuuan ng kanyang buhay, bilang isang indibidwal at isang pinunong relihiyoso, nakilala ng publiko si Papa Francisco sa kanyang kababaang-loob, sa kanyang pagmamalasakit sa mga mahihirap, at sa kanyang pagnanais na bumuo ng mga pag-uusap bilang paraan upang makaugnay ang lahat ng tao mula sa iba't-ibang lahi, paniniwala, at pananampalataya. Nakilala rin siya sa pagiging payak at di-gaanong pormal na pamamahala bilang Santo Papa, lalo na noong pinili niyang manirahan sa bahay-pampanauhin (guesthouse) ng Domus Sanctae Marthae kaysa sa apartamento ng Apostolikong Palasyo na siyang ginamit ng mga naunang Papa. Dagdag dito, dahil sa pagiging Heswita at tagasunod ni San Ignacio ng Loyola, kilala rin siya sa pagiging payak sa pananamit, gaya ng pagtanggi niyang magsuot ng tradisyunal na kapa ng Papa na mozzetta noong siya ay maluklok, pagpili niya ng pilak sa halip na ginto para sa kanyang singsing, at paggamit niya ng kanyang krus na ginagamit na niya mula pa noong siya'y kardinal pa lamang. Nanatili ang posisyon ng Papa sa doktrinang Katoliko hinggil sa aborsiyon, artipisyal na kontrasepsiyon, at homoseksuwalidad. Bagama't nananatili ang posisyon ng katuruan ng Simbahan hinggil sa mga gawaing homoseksuwal, sinabi niyang hindi dapat maliitin ang mga bading o bakla. Bilang kardinal, tinutulan niya ang pag-iisang-dibdib ng magkatulad na kasarian (same-sex marriage) sa Arhentina. Dagdag dito, pinananatili niya na siya'y "anak ng Simbahan" hinggil sa pagiging tapat sa mga doktrina ng Simbahan, tinukoy ang aborsiyon bilang "kasuklam-suklam," at iminungkahing ang mga babae ay pinahahalagahan sa halip na inoordinahan. Kung ibubuod, binigyang-diin ni Papa Francisco na "Kabalintunaang sabihing sinusunod mo si Hesukristo subalit tinatanggihan mo ang Simbahan." Kaya naman, hinimok niya si Obispo Charles J. Scicluna ng Malta na magsalita laban sa pag-ampon ng mga nagsasamang magkatulad ang kasarian (same-sex couples), pinanatiling ang mga Katolikong galing sa diborsiyo at muling nagpakasal ay maaaring hindi tumanggap ng Eukaristiya, at nagtiwalag (excommunicate) ng isang dating paring Katoliko dahil sa mga pananaw nitong lumalapastangan sa Simbahan. Binigyang-diin niyang ang tungkulin ng mga Kristiyano na tulungan ang mga mahihirap at mga nangangailangan, at itinataguyod niya ang mapayapang usapin at mga usapang kabilang ang mga nasa iba't-ibang pananampalataya o interfaith dialogue. Ipinahayag din niyang walang puwang sa Simbahan ang pagpapahintulot sa pang-aabusong seksuwal (''sex abuse'') sa Simbahan, na nagsabing ang pang-aabusong seksuwal ay "kasingsamá ng pagsasagawa ng Itim na Misa (satanic mass).". Si Papa Leo IX (21 Hunyo 1002 – 19 Abril 1054) na ipinanganak na Bruno ng Egisheim-Dagsburg ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 12 Pebrero 1049 hanggang sa kanyang kamatayan.

Pagkakatulad sa pagitan Papa Francisco at Papa Leo IX

Papa Francisco at Papa Leo IX ay may 3 mga bagay sa karaniwan (sa Unyonpedia): Papa, Simbahang Katolikong Romano, Tala ng mga papa ng Simbahang Katoliko Romano.

Papa

Ang Papa o Pontipise ay ang Obispong Katoliko at patriyarka (lalaking pinuno) ng Roma, at ang namamahala ng Simbahang Katolika.

Papa at Papa Francisco · Papa at Papa Leo IX · Tumingin ng iba pang »

Simbahang Katolikong Romano

Ang Simbahang Katoliko Romano, na kilala rin bilang Iglesya Katolika Apostolika Romana, Simbahang Romano Katoliko ay ang pinakamalaking Kristiyanong simbahan na pinamumunuan ng Obispo ng Roma Ang pamamahala nito ay naka-sentro sa Lungsod ng Vaticano.

Papa Francisco at Simbahang Katolikong Romano · Papa Leo IX at Simbahang Katolikong Romano · Tumingin ng iba pang »

Tala ng mga papa ng Simbahang Katoliko Romano

Ito ang isang kronolohikong tala ng mga papa ng Simbahang Katoliko: Kategorya:Talaan ng mga patriarka, primado at papa *.

Papa Francisco at Tala ng mga papa ng Simbahang Katoliko Romano · Papa Leo IX at Tala ng mga papa ng Simbahang Katoliko Romano · Tumingin ng iba pang »

ang listahan sa itaas sasagutin ng sumusunod na mga tanong

Paghahambing sa pagitan ng Papa Francisco at Papa Leo IX

Papa Francisco ay 31 na relasyon, habang Papa Leo IX ay may 13. Bilang mayroon sila sa karaniwan 3, ang Jaccard index ay 6.82% = 3 / (31 + 13).

Mga sanggunian

Ang artikulong ito ay nagpapakita ng mga relasyon sa pagitan ng Papa Francisco at Papa Leo IX. Upang ma-access ang bawat artikulo mula sa kung saan ang impormasyon ay nahango, mangyaring bisitahin ang: