Israel at LGBT
Mga shortcut: Pagkakaiba, Pagkakatulad, Jaccard Magkatulad koepisyent, Mga sanggunian.
Pagkakaiba sa pagitan ng Israel at LGBT
Israel vs. LGBT
Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל, Medīnat Yisrā'el; Arabiko: دَوْلَة إِسْرَائِيل, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan. Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga Israeli. Ang LGBT ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong "lesbiyana, gay, biseksuwal, at mga transgender" (tomboy, bakla, dalawang kasarian, at mga nagpalit ng kasarian). Ginagamit na ito simula pa noong dekada '90, na hango sa inisyal na "LGB", at upang palitan ang pariralang "pamayanan ng mga bakla", na ginamit noong dekada '80, na kung saan marami sa napapaloob sa komunidad ang nadama na hindi ito ang tumpak na kumakatawan sa kanila o sa sinuman na tinutukoy nito. Ang initialismong ito ang naging pangunahing marka na ginagamit ng karamihan ng na nababase sa seksuwalidad at kasarian ang pagkakakilanlan sa mga himpilan ng komunidad at medya sa Estados Unidos at sa ilang pang bansang gumagamit ng wikang Ingles. Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang pagkakaiba-iba ng pagkakakilanlan base sa seksuwalidad at pangkasariang kultura na kung minsan ay ginagamit upang tingnan ang kahit sino na hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo sa mga tao na homoseksuwal, biseksuwal at transgender. Upang makilala ito, isang popular na titik ang idinagdagdag, ang titik Q para sa mga kilala bilang queer at questioning o tinatanong kanilang sekswalidad na pagkakakilanlan (halimbawa, "LGBTQ" o "GLBTQ", na naitala mula noong 1996). Hindi lahat ay sang-ayon sa inisyalismong ito. Sa isang banda, ang ilang mga intersex na nagnanais na sumama sa grupo ng LGBT ay iminumungkahi ang pagdadagdag ng isa pang titik I sa inisyal "LGBTI" (naitala mula noong 1999). Ang "LGBTI" ay ginagamit sa "The Activist's Guide" ng Yogyakarta Principles in Action. "LGBTIH" naman ang nakitang gamit sa India para sa hijra o ang ikatlong kasarian at kaugnay nitong kalinangan. Pinapanukala na rin ang paggamit ng "GSD" o gender and sexual diversity. ''Pride Parade'' sa Bologna, Italya noong 2008.
Pagkakatulad sa pagitan Israel at LGBT
Israel at LGBT ay may 0 mga bagay sa karaniwan (sa Unyonpedia).
ang listahan sa itaas sasagutin ng sumusunod na mga tanong
- Ano Israel at LGBT magkaroon sa mga karaniwang
- Ano ang mga pagkakatulad sa pagitan ng Israel at LGBT
Paghahambing sa pagitan ng Israel at LGBT
Israel ay 141 na relasyon, habang LGBT ay may 14. Bilang mayroon sila sa karaniwan 0, ang Jaccard index ay 0.00% = 0 / (141 + 14).
Mga sanggunian
Ang artikulong ito ay nagpapakita ng mga relasyon sa pagitan ng Israel at LGBT. Upang ma-access ang bawat artikulo mula sa kung saan ang impormasyon ay nahango, mangyaring bisitahin ang: