Nagtatrabaho kami upang maibalik ang application ng Unionpedia sa Google Play Store
OutgoingPapasok
🌟Pinadali namin ang aming disenyo para sa mas mahusay na nabigasyon!
Instagram Facebook X LinkedIn

Epistemolohiya

Index Epistemolohiya

Ang Epistemolohiya (mula sa kastila epistemología) ay isang sangay ng pilosopiya na tumatalakay sa kalikasan, pinagmumulan at saklaw ng kaalaman.

Talaan ng Nilalaman

  1. 22 relasyon: Agham, Baruch Spinoza, David Hume, Georg Wilhelm Friedrich Hegel, Gottfried Leibniz, Gottlob Frege, Immanuel Kant, Kaalaman, Karanasan, Katarungan, Katotohanan, Ludwig Wittgenstein, Metapisika, Mistisismo, Nihilismo, Pamamaraang makaagham, Pangangatwiran, Pilosopiya, Pilosopiya ng agham, Platon, Relihiyon, Wikang Kastila.

Agham

Ang agham (mula sa Sanskrito: आगम, āgama), kilala rin sa tawag na siyensiya (mula sa Kastila: ciencia), ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraan nito.

Tingnan Epistemolohiya at Agham

Baruch Spinoza

Si Baruch (de) Spinoza (24 November 1632 – 21 February 1677) ay isang Dutch na pilosopong may lahing Portuges na Hudyong Sephardiko.

Tingnan Epistemolohiya at Baruch Spinoza

David Hume

Si David Hume (25 Agosto 1776) ay isang Scottish na pilosopo, historyan, ekonomista, at manunulat ng sanaysay na kilala sa kanyang pilosopikal na empirisismo at skeptisismo.

Tingnan Epistemolohiya at David Hume

Georg Wilhelm Friedrich Hegel

Si Georg Wilhelm Friedrich Hegel ay isang pilosopong Aleman at isang natatanging palaisip ng idealismong Aleman.

Tingnan Epistemolohiya at Georg Wilhelm Friedrich Hegel

Gottfried Leibniz

Si Gottfried Leibniz. Si Gottfried Wilhelm Leibniz (Leibnitz, von Leibniz, o von Leibnitz din) (Hulyo 1 (Hunyo 21 Lumang Istilo) 1646, Leipzig – Nobyembre 14 1716, Hanover) ay isang Alemang polimata, tinuring bilang isang unibersal na henyo ng kanyang panahon.

Tingnan Epistemolohiya at Gottfried Leibniz

Gottlob Frege

Si Friedrich Ludwig Gottlob Frege (8 Nobyembre 1848 – 26 Hulyo 1925) ang isang Alemang matematiko, lohiko at pilosopo.

Tingnan Epistemolohiya at Gottlob Frege

Immanuel Kant

Immanuel Kant Si Immanuel Kant (22 Abril 1724 – 12 Pebrero 1804) ay isang ika-18-siglong Alemang pilosopo na nagmula sa Prusyang Lungsod ng Königsberg (ngayon Kaliningrad, Rusya).

Tingnan Epistemolohiya at Immanuel Kant

Kaalaman

Ang kaalaman ay ang pagkilala, kamalayan, at pag-unawa sa isang bagay, tulad ng katotohanan (kaalamang paglalarawan), kasanayan (kaalamang prosidyural), o bagay (kaalamang pagkilala).

Tingnan Epistemolohiya at Kaalaman

Karanasan

Ang karanasan ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay o gawain o pagpapanood ng ibang taong gumagawa ng isang bagay o ng isang gawain.

Tingnan Epistemolohiya at Karanasan

Katarungan

Ang katarungan o hustisya ay tumutukoy sa katuwiran (binabaybay ding katwiran), pagiging wasto o kawastuhan (binabaybay ding kawastuan), katumpakan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman.

Tingnan Epistemolohiya at Katarungan

Katotohanan

''Sinasagip ni Panahon si Katotohanan mula kina Kasinungalingan (Kamalian) at Inggit'', ginuhit ni François Lemoyne, 1737. Si Katotohanan na may hawak na salaminan at ahas (1896). Gawa ni Olin Levi Warner, Aklatan ng Kongreso, Gusaling Thomas Jefferson, sa Washington, D.C..

Tingnan Epistemolohiya at Katotohanan

Ludwig Wittgenstein

Si Ludwig Josef Johann Wittgenstein (26 Abril 1889 – 29 Abril 1951) ay isang pilosopong Austriano-British na pangunahing gumawa sa lohika, pilosopiya ng matematika, pilosopiya ng pag-iisip at pilosopoya ng wika.

Tingnan Epistemolohiya at Ludwig Wittgenstein

Metapisika

Isang sangay ng pilosopiya ang Metapisika (mula sa kastila metafísica), at may kaugnayan ito sa mga agham-pangkalikasan, tulad ng pisika, sikolohiya at ang biyolohiya ng utak; at sa mistisismo, relihiyon at mga paksang espirituwal.

Tingnan Epistemolohiya at Metapisika

Mistisismo

Maaaring ikahulugan ang Flammarion Woodcut upang isalarawan ang mistikal na paghahanap ng mga Gnostiko para sa espirituwal na mga mundo sa pamamagitan paglampas sa mga limitasyon ng materyalismo. Ang mistisismo, mula sa Griyego na μυω (muo, "nakalihim") ay ang pagpapatuloy ng pagtamo ng komunyon o pagkilanlan sa, o ang kamalayan sa, pangwakas na realidad, ang banal, espirituwal na katotohanan, o Diyos sa pamamagitan ng direktang karanasan, intwisyon, o pansariling pananaw; at ang paniniwala sa ganoong karanasan ay isang mahalagang pinagkukunan ng kaalaman o kaunawaan.

Tingnan Epistemolohiya at Mistisismo

Nihilismo

Ang nihilismo (mula sa Lating nihil, nangangahulugang "wala") ay ang paniniwala na walang kabuluhan ang lahat ng mga pag-iral.

Tingnan Epistemolohiya at Nihilismo

Pamamaraang makaagham

Ang pamamaraang makaagham o pamamaraang siyentipiko (Ingles: scientific method) ay kalaguman ng mga teknik sa pagsusuri ng mga balagha, ang paglikom ng bagong kaalaman, ang pagtutuwid at pagsasakatuparan ng mga nakalipas ng kaalaman.

Tingnan Epistemolohiya at Pamamaraang makaagham

Pangangatwiran

Ang pangangatwiran (Ingles: justification) ay kung ano ang ginagawa natin kapag kumukuha tayo ng impormasyon na ibinigay sa atin, ihambing ito sa kung ano ang alam na natin, at pagkatapos ay gumawa ng konklusyon.

Tingnan Epistemolohiya at Pangangatwiran

Pilosopiya

Pilosopíya o batnayan ang sistematikong pag-aaral sa mga pangkalahatan at mahahalagang katanungan ng sangkatauhan, lalo na yung mga may kinalaman sa pag-iral, dahilan, kaalaman, etika, kaisipan, at wika.

Tingnan Epistemolohiya at Pilosopiya

Pilosopiya ng agham

Ang pilosopiya ng agham ay ang bahagi ng pilosopiya na nagsasagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga agham.

Tingnan Epistemolohiya at Pilosopiya ng agham

Platon

Si Platon (Griyego: Πλάτων, Plátōn, "malawak", "malapad", "maluwang", "pangkalahatan"; 424/423 BCE – 348/347 BCE) ay isang klasikong Griyegong pilosopo, matematiko, mag-aaral ni Sokrates, manunulat ng mga pilosopikal na dialogo, at tagapagtatag ng Akademyang Platoniko sa Atenas na unang institusyon ng mas mataas na pagkatuto sa Kanluraning daigdig.

Tingnan Epistemolohiya at Platon

Relihiyon

Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.

Tingnan Epistemolohiya at Relihiyon

Wikang Kastila

Ang Kastila o Espanyol ay isang wikang Romanse na umunlad mula sa kolokyal na Latin na kasapi sa angkan ng mga wika na Indo-europeo.

Tingnan Epistemolohiya at Wikang Kastila

Kilala bilang Epistemology, Ipistemoloji.