Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
Libre
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Gestapo

Index Gestapo

Ang Geheime Staatspolizei (pinaikli bilang Gestapo, ang opisyal na pulisyang lihim ng Alemanyang Nazi at mga sinakop nito sa Europa. Binuo ang ahensiya ni Hermann Göring noong 1933 sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba't ibang ahensyang pulisya ng Prusya sa iisang organisasyon. Noong ika-20 ng Abril 1934, inilipat ang pamumuno sa Gestapo sa pinuno ng Kawal Schutzstaffel (SS) na si Heinrich Himmler, na siya ring tinalaga na hepe ng Pulisya ng Alemanya ni Adolf Hitler noong 1936. Mula 27 Setyembre 1939, pinangasiwaan ito ng Reich Security Main Office (RSHA) at tinuturing na kapatid na organisasyon ng Sicherheitsdienst (SD; Lingkod Seguridad). Malawakang mga atraso ang isinagawa ng Gestapo habang ito ay umiral. Ginamit ang Gestapo upang supilin ang mga kritiko ng rehimeng Nazi, sindikato, mga pangkat-etnikong Sinti at Roma, mga may kapansanan, mga bakla at tomboy, at higit sa lahat, mga Hudyo. Madalas na di na sumasailalim sa anumang angkop na prosesong ligal ang mga inaaresto ng Gestapo tulad ng mga bilanggong pulitikal at simula 1941 ay di na nililitaw. Gayunman, kaila sa umiiral na persepsyon, relatibong maliit lamang na organisasyon ang Gestapo na may limitadong kakayahang maniktik bagaman napakaepektibo nila bunga ng mulat na kagustuhan ng mga karaniwang Aleman na ipagkanulo ang kapwa nila mga mamamayan. Malaki ang naging pananagutan ng Gestapo sa Holocaust noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nang matapos ang digmaan, idineklarang organisasyong kriminal ang Gestapo ng Pandaigdigang Hukumang Militar sa isinagawang mga paglilitis sa Nuremberg at ilang lider ng Gestapo ang hinatulan ng bitay.

11 relasyon: Adolf Hitler, Alemanyang Nazi, Berlin, Holokausto, Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Kawal Schutzstaffel, Mga bakla, Mga Hudyo, Mga paglilitis sa Nuremberg, Nazismo, Sapilitang pagkawala.

Adolf Hitler

Si Adolf Hitler (20 Abril 1889 – 30 Abril 1945) ay isang pulitikong Aleman na nagsilbing dáting Kansilyer ng Alemanya mula 1933, at ang Führer ("Pinúnò") ng Alemanya mula 1934 hanggang sa kaniyang kamatayan.

Bago!!: Gestapo at Adolf Hitler · Tumingin ng iba pang »

Alemanyang Nazi

Ang Alemanyang Nazi (Aleman: Nazideutschland), kilala rin bilang Ikatlong Reich (Aleman: Drittes Reich) ngunit opisyal na tinawag na Alemang Reich (Aleman: Deutsches Reich), mula 1933 hanggang 1943 at Dakilang Alemang Reich (Aleman: Großdeutsches Reich), mula 26 Hunyo 1943, pasulong ang pangalawang karaniwang ginagamit upang tukuyin ang Alemanya mula 1933 hanggang 1945 nang ito ay isang totalitaryan na diktadurya na pinamunuan ni Adolf Hitler at ng kanyang Partidong Nazi.

Bago!!: Gestapo at Alemanyang Nazi · Tumingin ng iba pang »

Berlin

Ang Berlin ay ang kabesera ng Alemanya.

Bago!!: Gestapo at Berlin · Tumingin ng iba pang »

Holokausto

Ang Holokausto (mula sa Griyego: ὁλόκαυστον (holókauston): holos, "buong-buo" at kaustos, "nasunog", bilang salin sa Hebreong: עולה, ola, "handog na susunugin", sa Septuwahinta), at tinatawag ding Sho'a (Ebreo: שואה), Khurben (Yidish: חורבן) ay isang pangkalahatang tawag sa paglalarawan ng kaparaanang pagpaslang sa mahigit-kumulang anim na milyong Europeong Hudyo noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bilang bahagi ng paluntunan na binalak at tinupad ng pamumunong Nazi sa Alemanya, na pinamumunuan noon ni Adolf Hitler.

Bago!!: Gestapo at Holokausto · Tumingin ng iba pang »

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanán na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939.

Bago!!: Gestapo at Ikalawang Digmaang Pandaigdig · Tumingin ng iba pang »

Kawal Schutzstaffel

Ang Schutzstaffel (na isinaling Protection Squadron or defence corps, at dinaglat na SS—or na may istilong "Armanen" ''sig'' runes) ay isang pangunahing paramilitarng organisasyon sa ilalim ni Adolf Hitler at Partidong Nazi.

Bago!!: Gestapo at Kawal Schutzstaffel · Tumingin ng iba pang »

Mga bakla

Ang mga bakla ay mga lalaking homosexual.

Bago!!: Gestapo at Mga bakla · Tumingin ng iba pang »

Mga Hudyo

Ang mga Hudyo (Ebreo: יהודי, yehudi) ay tumutukoy sa pangkat etno-relihiyosong nagmula sa mga sinaunang Israelita at sa mga taong naniniwala sa paniniwalang Hudaismo, sa loob ng iba’t ibang punto ng kasaysayan at panahon.

Bago!!: Gestapo at Mga Hudyo · Tumingin ng iba pang »

Mga paglilitis sa Nuremberg

Ang Mga Paglilitis sa Nuremberg (The Nuremberg Trials) ay ang sunod-sunod na mga militar na tribunal na isinagawa ng mga nanalong Mga Alyansa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kilala sa prosekusyon ng mga prominenteng (kilalang) miyembro ng pampolitika, ekonomiko, at militar na pamumuno ng natalong Partidong Nazi.

Bago!!: Gestapo at Mga paglilitis sa Nuremberg · Tumingin ng iba pang »

Nazismo

Ang Pambansang sosyalismo (Nationalsozialismus), na higit na kilala bilang Nazismo (pagbigkas: nát•zis•mo), ay ang ideolohiya at gawaing kaugnay ng ika-20 siglong Partido Nazi sa Alemanya at estadong Nazi pati na rin ng iba pang mga sukdulang-kanang grupo.

Bago!!: Gestapo at Nazismo · Tumingin ng iba pang »

Sapilitang pagkawala

Ang sapilitang pagkawala ay ang ilegal at palihim na pag-aresto, ditene, pagdukot o iba pang pagkakait ng kalayaang pantao sa ilalim ng pangungunsinti ng gobyerno.

Bago!!: Gestapo at Sapilitang pagkawala · Tumingin ng iba pang »

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »