Nagtatrabaho kami upang maibalik ang application ng Unionpedia sa Google Play Store
🌟Pinadali namin ang aming disenyo para sa mas mahusay na nabigasyon!
Instagram Facebook X LinkedIn

Dhaka at Lungsod pandaigdig

Mga shortcut: Pagkakaiba, Pagkakatulad, Jaccard Magkatulad koepisyent, Mga sanggunian.

Pagkakaiba sa pagitan ng Dhaka at Lungsod pandaigdig

Dhaka vs. Lungsod pandaigdig

Ang Dhaka (Ḍhākā, o), dating Dacca) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansang Bangladesh., pahina 373. Ito ang ikasiyam na pinakamalaki at ikapito sa pinaka siksik na lungsod sa buong mundo. Ang Dhaka ay isang megalungsod, na may isang populasyon ng 10.2 milyong residente noong 2022, at isang populasyon ng mahigit 22.4 milyong residente nasa Malawakang Dhaka (বৃহত্তর ঢাকা). Ito ay malawak na itinuturing na ang pinaka siksik na binuo na pook na urbano sa mundo. Ang Dhaka ay ang pinakamahalagang kultural, pang ekonomiya, at pang agham na hub ng Silangang Timog Asya, pati na rin ang isang pangunahing lungsod na may mayoryang Muslim. Ang Dhaka ay nasa ikatlong puwesto sa Timog Asya at ika 39 sa buong mundo sa mga tuntunin ng KDP. Nasa Delta ng Ganges, ito ay nakatali sa pamamagitan ng mga ilog Buriganga, Turag, Dhaleshwari at Shitalakshya. Ang Dhaka ay din ang pinakamalaking lungsod na nagsasalita ng Bengali sa buong mundo. Ang lugar ng Dhaka ay naninirahan mula noong unang milenyo. Ang isang maagang modernong lungsod ay umunlad mula sa ika-17 na siglo bilang isang kabisera ng lalawigan at sentro ng komersyo ng Imperyong Mughal. Ang Dhaka ay ang kabisera ng isang proto-industriyalisadong Mughal na Bengal sa loob ng 75 taon (1608–39 at 1660–1704). Ito ay sentro ng kalakalan ng muslin sa Bengal at isa sa mga pinakamaunlad na lungsod sa mundo. Ang Mughal na lungsod ay tinawag Jahangirnagar (Ang Lungsod ng Jahangir) sa karangalan ng dating naghaharing emperador Jahangir. Ang kaluwalhatian ng pre-kolonyal na lungsod ay pinakamataas noong ika-17 at ika-18 na siglo nang ito ay tahanan ng mga mangangalakal mula sa buong Eurasya. Ang Pantalan ng Dhaka ay isang pangunahing sentro ng kalakalan, pareho sa ilog at sa dagat. Nagpalamuti ang mga Mughal ng lungsod ng maayos na inilatag na mga hardin, puntod, moske, palasyo, at kuta. Ang lungsod ay dating tinawag na Venecia ng Silangan. Sa ilalim ng Britanikong Raj, nakita ng lungsod ang pagpapakilala ng kuryente, mga riles, sinehan, unibersidad at kolehiyo na Kanluraning estilo, at isang modernong suplay ng tubig. Ito ay naging isang mahalagang sentro ng pangangasiwa at edukasyon sa Britanikong Raj, bilang kabisera ng lalawigan ng Silangang Bengal at Assam pagkatapos ng 1905. Noong 1947, pagkatapos ng wakas ng Britanikong paghahari, ang lungsod ay naging administratibong kabisera ng Silangang Pakistan. Idineklara itong lehislatibong kabisera ng Pakistan noong 1962. Noong 1971, pagkatapos ng Digmaang Pagpapalaya (মুক্তিযুদ্ধ), ito ay naging kabisera ng malayang Bangladesh. Noong 2008, ipinagdiwang ng Dhaka ang 400 taon bilang isang munisipal na lungsod. Isang beta-lungsod pandaigdig, ang Dhaka ay sentro ng pampulitika, pang-ekonomiya at pangkulturang buhay sa Bangladesh. Ito ang upuan ng Pamahalaan ng Bangladesh, maraming mga kumpanya ng Bangladesh, at nangungunang mga organisasyong pang-edukasyon, pang-agham, pampananaliksik, at pangkultura ng Bangladesh. Mula nang kaniyang itatag bilang isang modernong kabisera ng lungsod, ang populasyon, lugar at pagkakaiba-iba ng lipunan at ekonomiya ng Dhaka ay lumago nang husto. Ang lungsod ay ngayon isa sa pinakasiksik na industriyalisadong mga rehiyon sa bansa. Ibinibigay ng lungsod ang 35% ng ekonomiya ng Bangladesh. Ang Dhaka ay nagho-host ng higit sa 50 misyong diplomatiko pati na rin ng punong tanggapan ng BIMSTEC, CIRDAP, at International Jute Study Group. Ang Dhaka ay may napakasikat na pamanang panluto. Ang kultura ng lungsod ay kilala sa kaniyang mga rickshaw, biryani, pistang pansining, at pagkakaiba-iba ng relihiyon. Ang lumang lungsod ay tahanan sa mga 2000 gusali mula sa mga panahong Mughal at Britaniko. Mula noong 1947, nakita ng lungsod ang makabuluhang paglago sa industriya ng paglalathala nito, kabilang ang paglitaw ng isang maunlad na midyang pangmasa. Sa panitikang Bengali, ang pamana ni Dhaka ay nasalamin sa mga akda nina Humayun Ahmed, Salimullah Khan, Farhad Mazhar, Akhteruzzaman Elias at iba pang mga manunulat na Bangladeshi. Ang Lungsod pandaigdig (minsan ay tinatawag rin alpha city) ay isang termino para sa isang lungsod na may mahalagang parte sa pandaigdigang pang-ekonomiyang sistema.

Pagkakatulad sa pagitan Dhaka at Lungsod pandaigdig

Dhaka at Lungsod pandaigdig ay may 2 mga bagay sa karaniwan (sa Unyonpedia): Londres, Tokyo.

Londres

Ang Londres, Kalakhang Londres o London ay ang de facto na kabisera ng Inglatera at ng UK.

Dhaka at Londres · Londres at Lungsod pandaigdig · Tumingin ng iba pang »

Tokyo

Ang, opisyal na tinatawag na Prepektura ng Tokyo o, ay isa sa 47 prepektura ng Hapon, at nagsisilbi bilang kabisera ng buong bansa.

Dhaka at Tokyo · Lungsod pandaigdig at Tokyo · Tumingin ng iba pang »

ang listahan sa itaas sasagutin ng sumusunod na mga tanong

Paghahambing sa pagitan ng Dhaka at Lungsod pandaigdig

Dhaka ay 164 na relasyon, habang Lungsod pandaigdig ay may 3. Bilang mayroon sila sa karaniwan 2, ang Jaccard index ay 1.20% = 2 / (164 + 3).

Mga sanggunian

Ang artikulong ito ay nagpapakita ng mga relasyon sa pagitan ng Dhaka at Lungsod pandaigdig. Upang ma-access ang bawat artikulo mula sa kung saan ang impormasyon ay nahango, mangyaring bisitahin ang: