Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
I-install
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Artaxerxes II

Index Artaxerxes II

Si Artaxerxes II Mnemon (اردشير دوم) (𐎠𐎼𐎫𐎧𐏁𐏂𐎠 na nangangahulugang "na ang paghahari ay sa pamamagitan ng katotohanan"); ang hari ng Imperyogn Achaemenid mula 404 BCE hanggang sa kanyang kamatayan.

4 relasyon: Circa, Dario II, Imperyong Akemenida, Persepolis.

Circa

Ang circamadalas na dinadaglat bilang ca. o c. at di gaanong madalas sa circ., cca. o cc.ay ipinapahiwatig na "humigit-kumulang" sa ilang mga wikang Europeo at ginagamit na hiram na salita sa Ingles (maging sa Tagalog), na kadalasang tinutukoy ang isang petsa.

Bago!!: Artaxerxes II at Circa · Tumingin ng iba pang »

Dario II

Si Dario II o Darius II (داريوش دوم) (Dārayavahuš) ang hari ng Imperyong Pesiano mula 423 BCE hanggang 405 BCE.

Bago!!: Artaxerxes II at Dario II · Tumingin ng iba pang »

Imperyong Akemenida

Ang Imperyong Akemenida o Achaemenida Empire (mula sa Lumang Persiyano na Haxāmanišiya), tinatawag ding Ang Unang Imperyong Persiyano, ay isang imperyo sa Kanlurang Asya, na itinatag ni Cirong Dakila. Sa pinakadakilang lawak nito na ang lawak ay mula sa Balkan hanggang sa Lambak ng Indus, ay naging isa ito sa mga pinakamalalaking imperyo sa kasaysayan, na sumasaklaw sa 5.5 milyon na kilometrong parisukat, at noon ay naging mas malaki kaysa sa alin mang nakaraang imperyo sa kasaysayan. Bantog ito sa matagumpay na modelo ng isang sentralisadong, pangangasiwang burukratiko (sa pamamagitan ng mga satrapa sa ilalim ng Hari ng mga Hari), sa mga pagtayo ng imprastruktura tulad ng mga sistema ng kalsada at isang sistema ng koreo at sa paggamit ng isang opisyal na wika sa kabuuan ng mga teritoryo nito at sa isang malaking propesyonal na hukbo at sa mga serbisyong sibil, na nagpasigla sa mga katulad na sistema sa mga sumunod na imperyo.Schmitt Achaemenid dynasty (i. The clan and dynasty) Kilala ito sa Kanluraning kasaysayan bilang ang katunggali ng mga Griyegong lungsod-estado sa panahon ng mga Digmaang Griyego-Persiyano at sa pagpapalaya ng mga Hudyong tapon sa Babilonya. Ang Mausoleo sa Halicarnassus, na isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig, ay itinayo sa isang Helenistikong estilo sa imperyo. Nang ika-7 siglo BCE, ang mga Persiyano ay namuhay sa timog-kanluraning bahagi ng Iranyang Talampas sa rehiyon ng Persis, na naging kanilang sentro. Mula sa rehiyong ito, sumulong si Cirong Dakila upang talunin ang mga Medo, ang Lydia, at ang Imperyong Neo-Babilonyo, itinatatag ang Imperyong Akemenida. Ang delegasyon ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan ay inaakala na kalaunan ay nagpahina sa kapamahalaan ng hari, na nagsanhi sa paggasta sa mga pag-aaring yaman sa mga pagtatangka upang supilin ang mga lokal na paghihimagsik, at humantong sa kawalan ng pagkakaisa ng mga rehiyon sa panahon ng pagsalakay ni Dakilang Alejandro noong 334 BCE. Ang palagay na ito, gayun pa man, ay hinahamon ng ilang mga modernong iskolar na nakikipagtaltalan na ang Imperyong Akemenida ay hindi humarap sa anumang naturang krisis sa panahon ni Alejandro, na mga panloob na paghalili na pakikibaka sa loob ng pamilyang Akemenida lamang ang kailan man lumapit sa pagpapahina ng imperyo. Si Alejandro, na malaking tagahanga ni Cirong Dakila, ay kalaunang sumakop sa imperyo sa kabuuan nito noong 330 BCE. Sa kanyang kamatayan, ang karamihan sa dating teritoryo noong imperyo ay sumailalim sa pamamahala ng Kahariang Ptolemaiko at Imperyong Seleucid, bilang karagdagan sa iba pang mga menor na mga teritoryo na nakakamit ng pagsasarili sa panahong iyon. Kalaunan ay makakabawi ng kapangyarihan yaong Persiyanong populasyon sa gitnang talampas sa ikalawang siglo BCE sa ilalim ng Imperyong Parto. Ang makasaysayang tanda ng Imperyong Akemenida ay hindi lamang humangga sa teritoryal at militar na impluwensya nito kundi pati din sa impluwensyang kultura, panlipunan, teknolohikal at relihiyon. Maraming mga Ateniense ang tumaglay ng mga kaugaliang Akemenida sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa isang pagpapalitan ng impluwensiya ng kultura, na ang ilan ay inimpleyado ng, o nakaalyado sa mga hari ng Persiya.

Bago!!: Artaxerxes II at Imperyong Akemenida · Tumingin ng iba pang »

Persepolis

thumb Ang Persepolis (Persa ''(Persian)'': تخت جمشید, Takht-e Jamshid, "Trono ni Jamshid") ay isang lungsod sa lalawigan ng Fārs sa Iran at ang dating kabisera ng Imperyong Persa (Persian) sa panahong Akemenida.

Bago!!: Artaxerxes II at Persepolis · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Artaxerxes II of Persia.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »