Nagtatrabaho kami upang maibalik ang application ng Unionpedia sa Google Play Store
🌟Pinadali namin ang aming disenyo para sa mas mahusay na nabigasyon!
Instagram Facebook X LinkedIn

Araling Ingles at Panitikan

Mga shortcut: Pagkakaiba, Pagkakatulad, Jaccard Magkatulad koepisyent, Mga sanggunian.

Pagkakaiba sa pagitan ng Araling Ingles at Panitikan

Araling Ingles vs. Panitikan

Ang araling Ingles (Ingles: English studies) ay isang disiplinang pang-akademiya na kinabibilangan ng pag-aaral sa mga panitikan na nasa wikang Ingles (kasama na ang mga panitikan magmula sa Nagkakaisang Kaharian, Mga Nagkakaisang Estado, Republika ng Irlanda, Canada, Australia, New Zealand, Hong Kong, Pilipinas, India, Timog Aprika, at Gitnang Silangan, sa piling ng iba pa), lingguwistikang Ingles (kasama na ang pang-Ingles na ponetika, ponolohiya, morpolohiya, semantika, pragmatika, lingguwistikang korpus, at estilistika), at sosyolingguwistikang Ingles (kasama na ang analisis ng diskurso ng mga tekstong nakasulat at sinasabi sa wikang Ingles, ang kasaysayan ng wikang Ingles, pagkatuto at pagtuturo ng wikang Ingles, at ang pag-aaral ng mga Ingles ng Mundo. Sa mas malawakan, ang araling Ingles ay gumagalugad sa produksiyon at pagsusuri ng mga tekstong nalikha sa wikang Ingles (o sa mga pook ng mundo na ang Ingles ay isang pangkaraniwang gawi sa pakikipagtalastasan). Pangkaraniwan sa mga kagawarang pang-akademiya ng "Ingles" o "araling Ingles" na ibilang ang mga iskolar ng wikang Ingles, panitikang Ingles (kasama na ang panunuring pampanitikan at teoriyang pampanitikan, lingguwistika, batas, pamamahayag, araling pangkumposisyon, pilosopiya ng wika, karunungang bumasa't sumulat, paglalathala o kasaysayan ng aklat, araling pangkomunikasyon, komunikasyong teknikal, kuwentong bayan, araling pangkultura, malikhaing pagsusulat, teoriyang kritikal, araling pangdisabilidad (araling pangkapansanan), araling makapook (natatangi na ang araling Amerikano), teatro, araling pangkasarian/araling etniko, midyang dihital/paglalathalang elektroniko, araling pampelikula/araling pangmidya, retoriko at pilosopiya/etimolohiya, at sari-saring mga kurso sa sining na liberal at araling pantao, sa piling ng iba pa. Sa karamihan ng mga bansang nagwiwika ng Ingles, ang mga dimensiyon na pampanitikan at pangkultura ng araling Ingles ay karaniwang isinasagawa sa mga kagawaran ng Ingles ng mga pamantasan, habang ang pag-aaral ng mga tekstong nalikha sa mga wikang hindi Ingles ay nagaganap sa ibang mga departamento, katulad ng mga kagawaran ng wikang dayuhan o panitikang pinaghahambing. Ang lingguwistikang Ingles ay kadalas pinag-aaralan sa nakahiwalay na mga kagawaran ng lingguwistika. Ang kahatiang ito na pang-interdisiplina sa pagitan ng isang nangingibabaw na oryentasyong lingguwistika o pampanitikan ay isang motibasyon para sa paghahati ng Modern Language Association (MLA) ng Hilagang Amerika upang maging dalawang subgrupo o kabahaging mga pangkat. Sa mga pamantasan na nasa mga bansang hindi nagsasalita ng Ingles, ang katulad na kagawaran ay madalas na sumasakop sa lahat ng mga aspekto ng araling Ingles na kabilang ang lingguwistika: ito ay isinasalamin, bilang halimbawa, sa kayarian at mga gawain ng European Society for the Study of English (ESSE). Larawan ng mga librong pampanitikan. Isang aklatang may mga aklat pampanitikan. Sa pinakapayak na paglalarawaang, ang isang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at pagtula na nag-uugnay sa isang tao.

Pagkakatulad sa pagitan Araling Ingles at Panitikan

Araling Ingles at Panitikan ay may 3 mga bagay sa karaniwan (sa Unyonpedia): Indiya, Kuwentong-bayan, Pagsusuring pampanitikan.

Indiya

Ang Indiya (भारत, tr. Bhārat; India), opisyal na Republika ng Indiya, ay bansang matatagpuan sa Timog Asya.

Araling Ingles at Indiya · Indiya at Panitikan · Tumingin ng iba pang »

Kuwentong-bayan

Ang kuwentong-bayan (folklore) ay bahagi ng isang kalinangan na binabahagi ng isang partikular na pangkat ng mga tao; sinasasaklaw nito ang mga tradisyon karaniwan sa kalinangan, subkultura, o pangkat na iyon.

Araling Ingles at Kuwentong-bayan · Kuwentong-bayan at Panitikan · Tumingin ng iba pang »

Pagsusuring pampanitikan

Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.

Araling Ingles at Pagsusuring pampanitikan · Pagsusuring pampanitikan at Panitikan · Tumingin ng iba pang »

ang listahan sa itaas sasagutin ng sumusunod na mga tanong

Paghahambing sa pagitan ng Araling Ingles at Panitikan

Araling Ingles ay 44 na relasyon, habang Panitikan ay may 42. Bilang mayroon sila sa karaniwan 3, ang Jaccard index ay 3.49% = 3 / (44 + 42).

Mga sanggunian

Ang artikulong ito ay nagpapakita ng mga relasyon sa pagitan ng Araling Ingles at Panitikan. Upang ma-access ang bawat artikulo mula sa kung saan ang impormasyon ay nahango, mangyaring bisitahin ang: