Ang Transgender Day of Remembrance (TDoR) (tuwirang salin Araw ng Paggunita sa mga Transgender), na nagaganap taon taon tuwing ika-20 ng Nobyembre, ay isang araw na paggunita sa mga napatay bunga ng transphobia (ang pagkamuhi o takot sa mga transgender) at upang bigyang pansin ang patuloy na karahasan na dinaranas ng mga transgender.
Ang transekswalismo ay isang medikal na diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay may pagkakakilanlang kasarian (gender identity o kasariang sikolohiyal) na kabaliktaran ng kanilang pisikal na kasarian.