Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
I-download ang
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Ikalawang Templo sa Herusalem

Index Ikalawang Templo sa Herusalem

Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem o Templo ni Herodes noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah. Ikalawang Templo sa Herusalem() na kalaunang tinawag na Templo ni Herodes ay isang Templo sa Herusalem na isang muling pagtatatyo ng templo sa lugar na dating kinatayuan ng Templo ni Solomon na umiral mula - 70 CE. Ang Ikalawang Templo ay winasak ng mga Romano noong 70 CE sa Unang Digmaang Hudyo-Romano. Pagkatapos wasakin ng Imperyong Neo-Babilonya ang Templo ni Solomon noong 587 BCE, ito ay muling itinayo sa utos ni Dakilang Ciro ng Imperyong Akemenida nang pinayagan ang mga Hudyong ipinatapon ni Nabucodonosor II na makabalik sa Herusalem. Ito ay ang simula ng panahong Ikalawang Templo sa kasaysayan ng Hudaismo. Ang Ikalawang Templo sa Herusalem at ang lungsod ng Herusalem ay winasak ng Imperyong Romano noong 70 CE na tinawag na Dakilang Babilonya sa Aklat ng Pahayag bilang ang bagong Imperyong Neo-Babilonya na wumasak sa Templo ni Solomon at Herusalem noong 587/586 BCE. Ayon sa Ebanghelyo ni Marcos 13, Ebanghelyo ni Mateo 24, at Ebanghelyo ni Lucas 21:20-36 na mga hulang inilagay sa bibig ni Hesus ng mga kalaunang may-akda ng mga ebanghelyo ito, ang dahilan ng pagkakawasak ay dahil sa pagtakwil ng mga Hudyo kay Hesus bilang isang mesiyas ng Hudaismo. Ang mga propesiyang ito ay isang vaticinium ex eventu upang pangatwiranan na ang pagkawsak nto ay isang kaparusahan sa pagtakwil ng mga Hudyo kay Hesus bilang mesiyas. Ang pagkawasak nito ay tanda ng pagbabalik ni Hesus at pagwawakas ng mundo noong unang siglo CE.

30 relasyon: Aklat ng Pahayag, Arko ni Tito, Bibliya, Dakilang Ciro, Ebanghelyo ni Lucas, Ebanghelyo ni Marcos, Ebanghelyo ni Mateo, Flavio Josefo, Herodes ang Dakila, Herusalem, Hesus, Hudaismo, Imperyong Akemenida, Imperyong Neo-Babilonya, Imperyong Romano, Kanluraning Pader, Lebante, Menorah, Mesiyas, Mga Hudyo, Nabucodonosor II, Pagpapatapon sa Babilonya, Propesiya, Simboryo ng Bato, Sinaunang Malapit na Silangan, Templo, Templo ni Solomon, Templo sa Herusalem, Unang Digmaang Hudyo-Romano, Vaticinium ex eventu.

Aklat ng Pahayag

Ang Aklat ng Pahayag kay Juan o Pahayag kay Juan,, Ang Biblia, AngBiblia.net na kilala rin bilang Aklat ng Pahayag o Pahayag lamang, ay ang pinakahuling aklat sa Bagong Tipan sa Bibliya ng mga Kristiyano.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Aklat ng Pahayag · Tumingin ng iba pang »

Arko ni Tito

Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah. Ang Arko ni Tito (Arco di Tito; Arcus Titi) ay isang arko na nagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo sa Unang Digmaang Hudyo-Romano na humantong sa pagwasak ng Herusalem at Templo sa Herusalem (Ikalawang Templo sa Herusalem) o Templo ni Herodes noong 70 CE.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Arko ni Tito · Tumingin ng iba pang »

Bibliya

Larawan ng binuklat na Bíbliyang Gutenberg, na nasa Aklatan ng Kongreso ng Estados Unidos. Ang Bibliya o Biblia (ang huli ay mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Bibliya · Tumingin ng iba pang »

Dakilang Ciro

Si Dakilang Ciro o Cirong Dakila (Wikang Persiyano: کوروش بزرگ, Kurosh-e Bozorg) (c. 590 BCE o 576 — Agosto 529 BCE o 530 BCE), kilala din bilang Ciro II ng Persiya at Cirong Nakatatanda (Ingles: Cyrus the Elder), ay isang pinunong Persiya.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Dakilang Ciro · Tumingin ng iba pang »

Ebanghelyo ni Lucas

Ang Ebanghelyo ni Lucas, Ebanghelyo ayon kay Lucas,, o ang Mabuting Balita ayon kay Lucas ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya at kabilang sa mga ebanghelyo.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Ebanghelyo ni Lucas · Tumingin ng iba pang »

Ebanghelyo ni Marcos

Ang Ebanghelyo ni Marcos o Ang Ebanghelyo ayon kay Marcos, kasama ang talababa 35 na nasa pahina 1486.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Ebanghelyo ni Marcos · Tumingin ng iba pang »

Ebanghelyo ni Mateo

Ang Ebanghelyo ayon kay Mateo o Ebanghelyo ni Mateo ay ang ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya na sinulat ni Mateo.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Ebanghelyo ni Mateo · Tumingin ng iba pang »

Flavio Josefo

Si Tito Flavio Josefo (37 CE – 100 CE), at tinatawag ring Joseph ben Matityahu (Hebreong biblikal: יוסף בן מתתיהו, Yosef ben Matityahu), ay isang Hudyong-Romano na historyan at hagiograpo noong unang siglo CE.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Flavio Josefo · Tumingin ng iba pang »

Herodes ang Dakila

Si Dakilang Herodes (הוֹרְדוֹס, Horodos, Griyego:, Hērōdēs), kilala rin bilang Herodes I, Herodes, ang Dakila, o Herodes na Dakila (ipinanganak noong 74 BCE – namatay noong 4 BCE sa Jerico), ay isang Romanong kliyenteng hari ng Hudea.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Herodes ang Dakila · Tumingin ng iba pang »

Herusalem

Ang Herusalem ay isang lungsod sa Gitnang Silangan, na matatagpuan sa talampas ng bulubundukin ng Hudea, sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Patay.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Herusalem · Tumingin ng iba pang »

Hesus

Si Hesus (Griyego: Ἰησοῦς Iesous; 7–2 BCE hanggang 30–36 CE) ang itinuturing ng maraming Kristiyano na sentrong katauhan ng relihiyong Kristiyanismo at ang tagapagtatag ng Kristiyanismo.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Hesus · Tumingin ng iba pang »

Hudaismo

HudaykaMula sa ''ju·dai·ca'': http://buscon.rae.es/draeI/SrvltObtenerHtml?origen.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Hudaismo · Tumingin ng iba pang »

Imperyong Akemenida

Ang Imperyong Akemenida o Achaemenida Empire (mula sa Lumang Persiyano na Haxāmanišiya), tinatawag ding Ang Unang Imperyong Persiyano, ay isang imperyo sa Kanlurang Asya, na itinatag ni Cirong Dakila. Sa pinakadakilang lawak nito na ang lawak ay mula sa Balkan hanggang sa Lambak ng Indus, ay naging isa ito sa mga pinakamalalaking imperyo sa kasaysayan, na sumasaklaw sa 5.5 milyon na kilometrong parisukat, at noon ay naging mas malaki kaysa sa alin mang nakaraang imperyo sa kasaysayan. Bantog ito sa matagumpay na modelo ng isang sentralisadong, pangangasiwang burukratiko (sa pamamagitan ng mga satrapa sa ilalim ng Hari ng mga Hari), sa mga pagtayo ng imprastruktura tulad ng mga sistema ng kalsada at isang sistema ng koreo at sa paggamit ng isang opisyal na wika sa kabuuan ng mga teritoryo nito at sa isang malaking propesyonal na hukbo at sa mga serbisyong sibil, na nagpasigla sa mga katulad na sistema sa mga sumunod na imperyo.Schmitt Achaemenid dynasty (i. The clan and dynasty) Kilala ito sa Kanluraning kasaysayan bilang ang katunggali ng mga Griyegong lungsod-estado sa panahon ng mga Digmaang Griyego-Persiyano at sa pagpapalaya ng mga Hudyong tapon sa Babilonya. Ang Mausoleo sa Halicarnassus, na isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig, ay itinayo sa isang Helenistikong estilo sa imperyo. Nang ika-7 siglo BCE, ang mga Persiyano ay namuhay sa timog-kanluraning bahagi ng Iranyang Talampas sa rehiyon ng Persis, na naging kanilang sentro. Mula sa rehiyong ito, sumulong si Cirong Dakila upang talunin ang mga Medo, ang Lydia, at ang Imperyong Neo-Babilonyo, itinatatag ang Imperyong Akemenida. Ang delegasyon ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan ay inaakala na kalaunan ay nagpahina sa kapamahalaan ng hari, na nagsanhi sa paggasta sa mga pag-aaring yaman sa mga pagtatangka upang supilin ang mga lokal na paghihimagsik, at humantong sa kawalan ng pagkakaisa ng mga rehiyon sa panahon ng pagsalakay ni Dakilang Alejandro noong 334 BCE. Ang palagay na ito, gayun pa man, ay hinahamon ng ilang mga modernong iskolar na nakikipagtaltalan na ang Imperyong Akemenida ay hindi humarap sa anumang naturang krisis sa panahon ni Alejandro, na mga panloob na paghalili na pakikibaka sa loob ng pamilyang Akemenida lamang ang kailan man lumapit sa pagpapahina ng imperyo. Si Alejandro, na malaking tagahanga ni Cirong Dakila, ay kalaunang sumakop sa imperyo sa kabuuan nito noong 330 BCE. Sa kanyang kamatayan, ang karamihan sa dating teritoryo noong imperyo ay sumailalim sa pamamahala ng Kahariang Ptolemaiko at Imperyong Seleucid, bilang karagdagan sa iba pang mga menor na mga teritoryo na nakakamit ng pagsasarili sa panahong iyon. Kalaunan ay makakabawi ng kapangyarihan yaong Persiyanong populasyon sa gitnang talampas sa ikalawang siglo BCE sa ilalim ng Imperyong Parto. Ang makasaysayang tanda ng Imperyong Akemenida ay hindi lamang humangga sa teritoryal at militar na impluwensya nito kundi pati din sa impluwensyang kultura, panlipunan, teknolohikal at relihiyon. Maraming mga Ateniense ang tumaglay ng mga kaugaliang Akemenida sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa isang pagpapalitan ng impluwensiya ng kultura, na ang ilan ay inimpleyado ng, o nakaalyado sa mga hari ng Persiya.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Imperyong Akemenida · Tumingin ng iba pang »

Imperyong Neo-Babilonya

Ang Imperyong Neo-Babilonya o Imperyong Kaldeo ay isang panahon sa kasaysayan ng Mesopotamia na nagsimula noong 626 BCE at nagwakas noong 539 BCE.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Imperyong Neo-Babilonya · Tumingin ng iba pang »

Imperyong Romano

Ang Imperyo ng mga Romano (Ingles: Roman Empire) (Latin) ang tawag sa imperyalistang paghahari ng mga Romano sa malaking bahagi ng Europa, Asya at Hilagang Aprika, na may autokratikong porma ng pamahalaan.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Imperyong Romano · Tumingin ng iba pang »

Kanluraning Pader

Ang Dingding o Pader ng Paghagulgol o Kanluraning Dingding o Wailing Wall (hango sa ang kanluraning dingding, at pinaikling ang Kotel o Kosel) at kilala sa Islam bilang Dingding na Buraq (Arabic: Ḥā'iṭ al-Burāq حَائِط ٱلْبُرَاق), ay isang dingding o pader na batong apog na matatagpuan sa Lumang Lungsod ng Herusalem.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Kanluraning Pader · Tumingin ng iba pang »

Lebante

Ang Lebante (بلاد الشامor المشرق العربي; Hebreo: כְּנָעַן) na kilala rin bilang rehiyon ng Syria o Silanganing Mediterraneo ay isang rehiyong heograpiko at kultural na binubuo ng "silanganing littoral na Mediterraneo sa pagitan ng Anatolia at Ehipto".

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Lebante · Tumingin ng iba pang »

Menorah

Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah. Ang Menorah (מְנוֹרָה) ay inalalarawang sa Bibliyang Hebreo o Tanakh bilang isang may pitong sangay na candelabrum na ginamit sa Tabernakulo sa Templo sa Herusalem (Templo ni Solomon at Templo ni Herodes).

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Menorah · Tumingin ng iba pang »

Mesiyas

Ang mesiyas (Ebreo: משיח, mashiaḥ; Kastila: mesías) ay isang salitang Hebreo na may literal na ibig sabihing "ang pinagpahiran" (ng langis) o ang "isang napili".

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Mesiyas · Tumingin ng iba pang »

Mga Hudyo

Ang mga Hudyo (Ebreo: יהודי, yehudi) ay tumutukoy sa pangkat etno-relihiyosong nagmula sa mga sinaunang Israelita at sa mga taong naniniwala sa paniniwalang Hudaismo, sa loob ng iba’t ibang punto ng kasaysayan at panahon.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Mga Hudyo · Tumingin ng iba pang »

Nabucodonosor II

Si Nabucodonosor II (Ingles: Nebuchadnezzar II; ܢܵܒܘܼ ܟܘܼܕܘܼܪܝܼ ܐܘܼܨܘܼܪ; נְבוּכַדְנֶצַּר; Ancient Greek: Ναβουχοδονόσωρ; Arabic: نِبُوخَذنِصَّر; c 642 BK – 562 BK) ang hari ng Imperyong Neo-Babilonyano na naghari noong c. 605 BK – 562 BK.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Nabucodonosor II · Tumingin ng iba pang »

Pagpapatapon sa Babilonya

Ang Pagpapatapon sa Babilonya ay isang pangyayari sa Kasaysayang Hudyo kung saan ang maraming mga mamamayan ng Kaharian ng Juda ay ipinatapon ni Nabucodonosor II na humantong sa pagkakawasak ng Templo ni Solomon at Herusalem.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Pagpapatapon sa Babilonya · Tumingin ng iba pang »

Propesiya

Ang propesiya ay ang pagsasalaysay ng mga pangyayaring mangyayari sa hinaharap.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Propesiya · Tumingin ng iba pang »

Simboryo ng Bato

Ang Simboryo ng Bato ay isang Islamikong dambana na matatagpuan sa Bundok ng Templo sa Sinaunang Lungsod ng Herusalem.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Simboryo ng Bato · Tumingin ng iba pang »

Sinaunang Malapit na Silangan

Ang sinaunang Malapit na Silangan (Ingles: ancient Near East) ay ang tahanan ng mga sinaunang kabihasnan sa loob ng rehiyon na tumutugon sa modernong Gitnang Silangan (Middle East).

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Sinaunang Malapit na Silangan · Tumingin ng iba pang »

Templo

Itinatag ang Göbekli Tepe noong mga 11,500 taong nakalipas. Marahil ito ang pinakalumang kilalang templo ng mundo. Ang templo o bahay-dalanginan ay isang uri ng gusali na nakalaan para sa mga seremonyang relihiyoso or ispirituwal at mga aktibidad tulad ng panalangin at paghahandog.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Templo · Tumingin ng iba pang »

Templo ni Solomon

Ang Templo ni Solomon o Unang Templo sa Herusalen(ayon sa Bibliya ay ang unang Templo sa Herusalem na itinayo ni Solomon sa Nagkakaisang Kaharaian ng Israel noong mga. Ito ay winasak ng Imperyong Neo-Babilonio noong 587 0 586 BCE ni Nabucodonosor II sa Pagkukubkob sa Herusalem noong 587 BCE at kalaunang humantong sa pagpapaton sa mga mamamayang taga-Judea sa Babilonia pagkatapos ng pagbagsak ng Kaharian ng Judah. Ayon sa Bibliya, ang pagkawasak ng templo at pagpapaton sa mga taga-Judea ay katuparan ng mga propesiya sa Bibliya na ito ay dahil sa pagsamba ng mga Sinaunang Israelita sa politeismo at ayon sa mga iskolar ay ang dahilan kung bakit nabuo ang paniniwalang monoteismo na si Yahweh lamang ang dapat sambahin ng mga Israelita. Isinalaysay sa Bibliya na ang ama na pinag-isa ng ama ni Solomon na si David ang labindalawang lipi ng Israel, sumakop sa Herusalem at dinala ang pangunahing artipako ng mga Israelita na Kaban ng Tipan sa lungsod. Kalaunan ay pinili ni David ang Bundok Moriah bilang lugar ng hinaharap na templo upang pagbahayan ng kaban ng tipan. Gayunpaman, ayon sa Bibliya, pinagbawal ng Diyos na itayo ito ni David dahul sa pagdanak niya ng maraming dugo. Ang templo ay itinayo ng kanyang anak na si Solomon at inalagay ang Kaban ng Tipan sa Banal ng mga Banal na lugar dapat lamang para sa mga Dakilang Saserdote ng Israel na pumapasok rito tuwing Yom Kippur kada taon na nagdadala ng dugo ng inihandog na batang tupa at nagsusunog ng insenso.. Ayon sa Bibliya, ang templo ay hindi lamang ang gusali ng pagsamba para sa mga Israelita kundi isang lugar rin ng pagtitipon. Ang mga Hudyong ipinatapon sa Babilonya ay pinayagang makabalik sa Herusalem ni Dakilang Ciro ng Imperyong Akemenida at pinayagan ang mga Hudyo na muling itayo ang nawasak ng templo ni Solomon. Ang bagong templo ay wala ng Kaban ng Tipan dahil ito ay naglaho. Ang Mga Aklat ng mga Hari sa Bibliya ay naglalarawan sa pinakadetalyadong paglalarawan sa pagtatayo ng templo ni Solomon. Mula 1980, ang karamihan ng mga iskolar ng Bibliya ay nagduda at nagsaad na walang templo sa Herusalem noong ika-10 siglo BCE. Ayon sa arkeologong Israeli na si Israel Finkelstein, walang ebidensiya na ang Templo ni Solomon ay umiral sa arkeolohiya. Sa karagdagan, Wala ring mga ebidensiya sa labas ng Bibliya o sa arkeolohiya ang sumusuporta sa isang makapangyarihang kapangyarihang Kaharian ng Judea na umiral noong panahon ni David o Solomon. Ayon rin sa arkeologong Israeli na si Israel Finkelstein, walang ebidensiya na ang Templo ni Solomon ay umiral.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Templo ni Solomon · Tumingin ng iba pang »

Templo sa Herusalem

Ang Templo sa Herusalem o Banal na Templo (pangalang Hebreo: בית המקדש, Bet haMikdash, "Ang Banal na Bahay"), ay tumutukoy sa sunud-sunod o serye ng mga kayariang nasa ibabaw ng Bundok ng Templo (Har haBayit) sa loob ng Lumang Lungsod ng Herusalem.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Templo sa Herusalem · Tumingin ng iba pang »

Unang Digmaang Hudyo-Romano

Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah. Ang Unang Digmaang Hudyo-Romano (66–73 CE) na minsang tinatawag na Ang Dakilang Paghihimagsik (המרד הגדול, ha-Mered Ha-Gadol, Primum Iudæorum Romani Bellum.), ang una sa tatlong mga digmaang Hudyo-Romano ng mga Hudyo sa Probinsiyang Judea laban sa Imperyo Romano.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Unang Digmaang Hudyo-Romano · Tumingin ng iba pang »

Vaticinium ex eventu

Ang vāticinium ex ēventū(Klasikong Latin:, "hula o propesiya mula sa pangyayari") o post eventum ("pagkatapos ng pangyayari") ay isang katagang teknikal na pang-teolohiya at historiyagrapiya na tumtukoy sa propesiya o hula na isinulat pagkatapos na ang may akda nito ay may kaalaman na sa mga pangyayaring kanyang sinasabing mangyayari.

Bago!!: Ikalawang Templo sa Herusalem at Vaticinium ex eventu · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Herod's Temple, Ikalawang Templo, Ikalawang Templo ng Herusalem, Pangalawang Templo, Second Temple, Second Temple in Jerusalem, Templo ni Herodes.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »