Nagtatrabaho kami upang maibalik ang application ng Unionpedia sa Google Play Store
OutgoingPapasok
🌟Pinadali namin ang aming disenyo para sa mas mahusay na nabigasyon!
Instagram Facebook X LinkedIn

Marso

Index Marso

Ang Marso ang ikatlong buwan ng taon sa kalendaryong Gregoryano at Juliyano.

Talaan ng Nilalaman

  1. 40 relasyon: Ares, Aries, Buwan (panahon), Canada, Dalubtalaan, Daylight saving time, Estados Unidos, Hapon, Hilagang Emisperyo, Ireland, Jose ng Nazareth, Kalendaryong Gregoryano, Kalendaryong Huliyano, Kristiyanismong Kanluranin, Lungsod ng Vaticano, Marso 13, Marso 17, Marso 2, Marso 20, Marso 25, Marso 8, Meteorolohiya, Mitolohiyang Romano, Nagkakaisang Bansa, Narsiso, Oras ng Daigdig, Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan, Papa Francisco, Patricio ng Irlanda, Pilipinas, Pisces, Prepektura ng Fukui, Romulo at Remo, Sodyak, Taglagas, Tagsibol, Taon, Timog Emisperyo, Wikang Ingles, Wikang Kastila.

  2. Buwan (panahon)

Ares

Si Ares. Sa mitolohiyang Griyego, si Ares (sa Griyego, Άρης: "labanan") ay ang diyos ng digmaan at anak ni Zeus (hari ng mga diyos) at Hera.

Tingnan Marso at Ares

Aries

Aries at the Wisconsin State Capitol. Ang Aries ang pangunahing Signo ng sodyak, at ang planetang namumuno sa kanya ay ang planetang Mars, ang planeta ng aksiyon.

Tingnan Marso at Aries

Buwan (panahon)

Buwan (Ingles: month) ang tawag sa isa sa 12 bahagi ng taon.

Tingnan Marso at Buwan (panahon)

Canada

Ang Canada ay bansa sa Hilagang Amerika, ang pinakahilaga sa buong mundo, at ang pangalawang pinakamalaki sa sukat, kasunod ng Rusya at mga 58.4% nang kalawakan ng Rusya o mga 26.4 beses nang kalakihan ng Hapon.

Tingnan Marso at Canada

Dalubtalaan

Ang dalubtalaan o astronomiya ay isang agham na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng Daigdig at ng himpapawid nito.

Tingnan Marso at Dalubtalaan

Daylight saving time

Ang pariralang Ingles na daylight saving time (DST; tinatawag din na summer time sa Ingles ng Britanya; literal na salin sa Tagalog: oras na nakapagtitipid ng liwanag ng araw) ay ang kasanayan ng panandaliang pagpapasulong ng mga orasan para ang mga hapon ay maging mas mahaba ang pagkakaroon ng liwanag kaysa sa mga umaga na may mas maiikling liwanag.

Tingnan Marso at Daylight saving time

Estados Unidos

Ang Estados Unidos (United States), opisyal na Estados Unidos ng Amerika, dinadaglat na EU/EUA (Ingles: US/USA), at karaniwang tinatawag na Amerika (Ingles: America), ay bansang transkontinental na pangunahing matatagpuan sa Hilagang Amerika.

Tingnan Marso at Estados Unidos

Hapon

Ang Hapon (Hapones: 日本; Nippon o Nihon) ay bansang pulo na matatagpuan sa Silangang Asya.

Tingnan Marso at Hapon

Hilagang Emisperyo

Ang Hilagang Emisperyo (Hilagang Hating-Daigdig; Ingles: Northern Hemisphere) ay ang bahagi ng Daigdig (Mundo) na nasa hilaga ng ekwador.

Tingnan Marso at Hilagang Emisperyo

Ireland

Ang Irlanda ay maaaring tumukoy sa.

Tingnan Marso at Ireland

Jose ng Nazareth

Si Jose na mula sa angkan ni David(ayon sa Ebanghelyo ni Lucas 1:27; 2:4; 3:23 at Ebanghelyo ni Mateo 1:16) (Hebreo: יוֹסֵף, kilala rin bilang San Jose, Jose ang Nangakong Magpakasal (Joseph the Betrothed), Jose ng Nazaret, Jose ang Manggagawa at iba pang mga pamagat) ay nakilala mula sa Bagong Tipan ng Bibliya bilang ang asawang lalaki ni Mariang Ina ni Hesus at bagaman ayon sa tradisyong Kristiyano na hindi siya ang biyolohikal o tunay na ama ni Hesus, siya ang gumanap na pangalawang ama o ama-amahan nito.

Tingnan Marso at Jose ng Nazareth

Kalendaryong Gregoryano

Ang Kalendaryong Gregoriano o Talaarawang Gregoryano ay ang pinakasikat na kalendaryo sa kanluranin.

Tingnan Marso at Kalendaryong Gregoryano

Kalendaryong Huliyano

Ang Kalendaryong Huliyano o Talarawang Huliyano ay isang kalendaryo na ipinakilala ng Roma na may 365 na araw ngunit may 366 na araw kada apat na taon.

Tingnan Marso at Kalendaryong Huliyano

Kristiyanismong Kanluranin

Ang Kristiyanismong Kanluranin ay bumubuo ng Simbahang Latin ng Simbahang Katoliko at mga denominasyong hinango mula dito kabilang ang Komunyong Anglikano, Lutheranismo, Presbyterianismo, Methodismo at iba pang mga tradisyong Protestante.

Tingnan Marso at Kristiyanismong Kanluranin

Lungsod ng Vaticano

Ang Lungsod ng Vaticano (Latin: Civitas Vaticana; Italyano: Città del Vaticano), opisyal na Estado ng Lungsod ng Vaticano (Latin: Status Civitatis Vaticanae; Italyano: Stato della Città del Vaticano), o kilala sa simpleng tawag na Vaticano (Latin: Vaticanus), ay isang enklabe at lungsod-estadong may kasarinlan na napapaligiran ng Roma, ang kabisera ng Italya.

Tingnan Marso at Lungsod ng Vaticano

Marso 13

Ang Marso 13 ay ang ika-72 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-73 kung leap year) na may natitira pang 293 na araw.

Tingnan Marso at Marso 13

Marso 17

Ang Marso 17 ay ang ika-76 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-77 kung leap year) na may natitira pang 289 na araw.

Tingnan Marso at Marso 17

Marso 2

Ang Marso 2 ay ang ika-61 na araw ng taon sa Kalendaryong Gregorian (ika-62 kung leap year), at mayroon pang 304 na araw ang natitira.

Tingnan Marso at Marso 2

Marso 20

Ang Marso 20 ay ang ika-79 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-80 kung leap year) na may natitira pang 286 na araw.

Tingnan Marso at Marso 20

Marso 25

Ang Marso 25 ang ika-84 na araw ng taon sa Gregorian calendar (ika-85 na mga leap year).

Tingnan Marso at Marso 25

Marso 8

Ang Marso 8 ay ang ika-67 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-68 kung leap year) na may natitira pang 298 na araw.

Tingnan Marso at Marso 8

Meteorolohiya

Ang meteorolohiya (mula sa Griyego μετέωρος, metéōros, "mataas sa langit"; at -λογία, -logia) ay ang pag aaral ng mga kaganapan sa mababang himpapawid sa Daigdig.

Tingnan Marso at Meteorolohiya

Mitolohiyang Romano

Ang Mitolohiyang Romano ang katawan ng mga kuwentong tradisyonal na nauukol sa mga maalamat na pinagmulan ng Sinaunang Roma at paniniwalang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano.

Tingnan Marso at Mitolohiyang Romano

Nagkakaisang Bansa

Ang Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa (Kastila: Organización de las Naciones Unidas), payak na kilala bilang mga Nagkakaisang Bansa (Ingles: United Nations), at dinadaglat bilang KNB (Kastila: ONU; Ingles: UN), ay ang pinakamalaking katatágang intergubernamental sa mundo.

Tingnan Marso at Nagkakaisang Bansa

Narsiso

Ang narsiso o Narcissus ay isang pang-botanikang pangalan para sa isang sari ng pangunahin na mga balisaksak o matitibay na mga halaman, at karamihan sa mga bulbo, ulo, o bumbilya (halamang parang sibuyas) ng mga ito ang namumulaklak (karaniwan ang kulay dilaw at puti, pahina 373.) tuwing tagsibol.

Tingnan Marso at Narsiso

Oras ng Daigdig

Ang logo ng ''Earth Hour'' Ang Earth Hour o Panahon ng Daigdig ay isang kaganapang internasyonal kung kailan inaasahan ang mga kabahayan at mga tanggapan na isara muna ang kanilang mga ilaw at ilang kasangkapang pambahay na hindi ginagamit nang isang oras sa gabi ng 29 Marso 2008 sa ganap na alas-otso ng gabi (sa kanilang sariling oras) hanggang alas-nuwebe upang palaganapin ang pagtipid sa elektrisidad at ng paglabas ng karbon, at sa 2008, nakasabay ang pagsimula ng National Dark Sky Week sa Estados Unidos.

Tingnan Marso at Oras ng Daigdig

Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan

Ang Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan ay isang pandaigdigang pista na ipinagdiriwang bawat taon sa Marso 8 bilang isang puntong pantuon sa kilusan ng karapatang pangkababaihan, na dinadala ang atensyon sa mga isyu tulad ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian, karapatang reproduktibo, at karahasan at abuso laban sa mga kababaihan.

Tingnan Marso at Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan

Papa Francisco

Si Papa Francisco (Franciscus, Francesco; Francisco) ipinanganak; Jorge Mario Bergoglio noong 17 Disyembre 1936) ay ang ika-266 at kasalukuyang Papa ng Simbahang Katolika. Taál ng Buenos Aires, Arhentina, itinalaga siya bilang paring Katoliko noong 1969. Noong 1998 siya ay iniluklok bilang Arsobispo ng Buenos Aires, at noong 2001 siya ay ginawáng kardinal ni Papa Juan Pablo II.

Tingnan Marso at Papa Francisco

Patricio ng Irlanda

Si San Patricio (Ingles: Saint Patrick, Patricius, Irlandes: Naomh Pádraig) ay isang Kristiyanong Romano Britanikong misyonero at pintakasing santo ng Irlanda na kahanay nina Brigid ng Kildare at Columba.

Tingnan Marso at Patricio ng Irlanda

Pilipinas

Ang Pilipinas (The Philippines), opisyal na Republika ng Pilipinas, ay isang malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-Silangang Asya na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko.

Tingnan Marso at Pilipinas

Pisces

Pisces at the Wisconsin State Capitol Ang Pisces ay ang ikahuli sa labing-dalawang sodyak signps, Pinamumunuan ito ng buntalang Neptune, Sila ay likas na kalmado at mahinahon sa harapan ng maraming tao, ang Pisces ay ang dalawang isda sa labing-dalawang signos ng sodyak.

Tingnan Marso at Pisces

Prepektura ng Fukui

Ang Prepektura ng Fukui ay isang prepektura sa bansang Hapon.

Tingnan Marso at Prepektura ng Fukui

Romulo at Remo

Romulo at Remo. Ang pagpapasuso ng isang babaeng lobo kina Romulo at Remo. Sina Romulo at Remo ay ang maalamat na mga tagapagtatag ng Roma.

Tingnan Marso at Romulo at Remo

Sodyak

Mga sagisag ng Kanluraning sodyak. Mga sagisag na hayop ng Sodyak na Intsik. Sa larangan ng astrolohiya, ang sodyakGarapal at Anak ni Filemon.

Tingnan Marso at Sodyak

Taglagas

Taglagas Ang taglagas (Ingles: autumn, fall) ay ang panahon pagkaraan ng tag-araw at bago dumating ang taglamig.Kung saan Ang mga dahon ng mga halaman at puno ay nalalagas.Sa Hilagang Hemispero, nagsisimula ang taglagas sa pangtaglagas o pang-autumnong ekwinoks (hulihan ng Setyembre) at nagwawakas sa pangtaglamig na soltisyo (hulihan ng Disyembre).

Tingnan Marso at Taglagas

Tagsibol

Tagsibol sa Israel. Ang tagsibol ay isang panahon pagkalipas ng taglamig at bago sumapit ang taginit o tag-araw.

Tingnan Marso at Tagsibol

Taon

Ang isang taon ay ang oras sa pagitan ng dalawang umuulit ng pangyayari na may kaugnay sa orbit ng Daigdig sa palibot ng Araw.

Tingnan Marso at Taon

Timog Emisperyo

Ang Timog Emisperyo (Timog Hating-Daigdig; Ingles: Southern Hemisphere) ay ang bahagi ng Daigdig (Mundo) na nasa timog ng ekwador.

Tingnan Marso at Timog Emisperyo

Wikang Ingles

Ang Ingles ay isang Kanlurang Hermanikong wika na unang sinasalita sa maagang edad medyang Inglatera at kalaunang naging pandaigdigang lingua franca.

Tingnan Marso at Wikang Ingles

Wikang Kastila

Ang Kastila o Espanyol ay isang wikang Romanse na umunlad mula sa kolokyal na Latin na kasapi sa angkan ng mga wika na Indo-europeo.

Tingnan Marso at Wikang Kastila

Tingnan din

Buwan (panahon)

Kilala bilang March, Marts.