Nagtatrabaho kami upang maibalik ang application ng Unionpedia sa Google Play Store
OutgoingPapasok
🌟Pinadali namin ang aming disenyo para sa mas mahusay na nabigasyon!
Instagram Facebook X LinkedIn

Labanan ng Qarqar

Index Labanan ng Qarqar

Ang Labanan ng Qarqar (o Ḳarḳar) ay naganap noong 853 BCE nang ang hukbo ng Imperyong Neo-Asirya na pinamunuan ni Shalmaneser III ay naengkwentro ang alyansa ng hukbo ng 11 hari sa Qarqar na pinangunahan ni Hadadezer na tinawag sa wikang Asiryo na Adad-idir at posibleng matutukoy kay haring Benhadad II ng Aram-Damasco at Ahab na hari ng Kaharian ng Israel (Samaria).

Talaan ng Nilalaman

  1. 16 relasyon: Acab, Ammon, Aram, Aram-Damasco, Ashur, Asirya, Hama, Hukbong lakad, Imperyong Neo-Asirya, Kabaleriya, Kabalyero, Kaharian ng Israel (Samaria), Karong pandigma, Mga Aklat ng mga Hari, Mga monolitang Kurkh, Shalmaneser III.

Acab

Si Ahab (𒀀𒄩𒀊𒁍 Aḫâbbu; Ἀχαάβ Achaáb; Achab) ay hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) at anak ni Omri at asawa ni Jezebel.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Acab

Ammon

Ang Ammon (Ammonite: 𐤏𐤌𐤍 ʻAmān; עַמּוֹן ʻAmmōn; ʻAmmūn) ay isnag bansa sa Sinaunang Malapit na Silangan na matatagpuan sa Ilog Hordan sa pagitan ng mga lambak ng Arnon at Jabbok sa kasalukuyang Jordan.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Ammon

Aram

Ang Aram, Aramea o Mga Arameo(Orom; Arām) ay isang rehiiyon na kinabibilangan ilang ilangmga kahariang Arameo na ngayon ay sakop ng modernong Syria, Turkey, at mga bahagi ng Lebanon at Iraq.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Aram

Aram-Damasco

Ang Kaharian ng Aram-Damasco ay isang politiya ng Aram na umiral noong huling ika-12 siglo BCE hanggang 732 BCE.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Aram-Damasco

Ashur

Si Ashur, Assur, Aššur, A-šur, o Aš-šùr, ay ang pinuno o ulo ng panteon na Asiryo.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Ashur

Asirya

Ang Asirya (Ingles: Assyria) (Kuneipormang Neo-Asiryo:, romanisado: māt Aššur; ʾāthor) ay isang pangunahing sinaunang kabihasnan sa Mesopotamiya na umiral bilang isang lungsod-estado mula ika-21 siglo BCE hanggang ika-14 siglo BCE at isang estadong teritoryal na kalaunang naging isang imperyo mula ika-14 siglo BCE hanggang ika-7 siglo BCE.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Asirya

Hama

Hama Isa sa mga "''noria''" ng lungsod. Ang Hama (Arabo: حماة‎‎ Ḥamāh, "fortress"; Hebreong Biblikal: חֲמָת‎ Ḥamāth) ay isang lungsod sa mga pampang ng Ilog Orontes sa gitna-kanlurang Syria.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Hama

Hukbong lakad

Impanteriya ng ''Royal Irish Rifles'' o "Maharlikang Ripleng Irlandes," noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang hukbong lakad, Tagalog English Dictionary, Bansa.org, impantirya, impanteria, o impanteriya ay mga sundalong lumalaban sa kalupaan, at madalas na gumagamit ng mga baril at iba pang uri ng sandatang puwedeng hawakan ng kamay.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Hukbong lakad

Imperyong Neo-Asirya

Ang Imperyong Neo-Asiryo ang huling imperyo sa kasaysayan ng Asirya sa Mesopotamiya na nagsimula noong 934 BCE at nagwakas noong 609 BCE.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Imperyong Neo-Asirya

Kabaleriya

Sa kasaysayan, kabaleriya (mula sa salitang Pranses na cavalerie, na hinango mismo mula sa "cheval" na nangangahulugang "kabayo") ay mga sundalo o mandidirigma na lumalaban na nakakabayo.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Kabaleriya

Kabalyero

right Ang kabalyero (Ingles: knight) ay isang tao na binigyan ng isang karangalan ng pagiging kabalyero ng isang pinuno ng estado o kinatawan para sa paglilingkod sa hari, simbahan o bansa, lalo na sa isang kakayahan sa militar.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Kabalyero

Kaharian ng Israel (Samaria)

Ang Kaharian ng Israel o Hilagang Kaharian ng Israel o simpleng Kaharian ng Samaria() ay isang kaharian sa Sinaunang Israel noong panahong Bakal.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Kaharian ng Israel (Samaria)

Karong pandigma

Isang karong pandigma ng sinaunang Ehipto. Ang karong pandigma o karro ay isang uri ng karuwahe.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Karong pandigma

Mga Aklat ng mga Hari

Ang Mga Aklat ng mga Hari o Book (s) of Kings (Sepher M'lakhim, ספר מלכים - ang dalawang mga aklat na orihinal na isa) na nagtatanghal ng isang salaysay ng kasaysayan ng sinaunang Israel at Judah mula sa kamatayan ni David hanggang sa pagpapalaya ng kanyang kahaliling si Jehoiachin mula sa pagkakabilanggo sa Babilonia na isang yugto ng mga 400 taon (c.960-560 BCE).

Tingnan Labanan ng Qarqar at Mga Aklat ng mga Hari

Mga monolitang Kurkh

Ang Mga Monolitang Kurkh ay dalawang stele ng Asirya na naglalaman ng paghahari nina Ashurnasirpal II at kanyang anak na si Shalmaneser III.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Mga monolitang Kurkh

Shalmaneser III

Si Shalmaneser III (Šulmānu-ašarēdu, "Ang Diyos na si Shulmanu ay Higit sa Lahat") ay hari ng Imperyong Neo-Asirya mula sa kamatayan ng kanyang amang si Ashurnasirpal II noong 859 BCE hanggang sa kanyang kamatayan noong 824 BCE.

Tingnan Labanan ng Qarqar at Shalmaneser III

Kilala bilang Battle of Qarqar.