Nagtatrabaho kami upang maibalik ang application ng Unionpedia sa Google Play Store
OutgoingPapasok
🌟Pinadali namin ang aming disenyo para sa mas mahusay na nabigasyon!
Instagram Facebook X LinkedIn

Idrohino

Index Idrohino

Ang hidroheno (Ingles: hydrogen; Espanyol: hidrógeno) ay isang elementong kimikal sa talahanayang peryodiko na sinasagisag ng simbolong H at nagtataglay ng atomikong bilang 1.

Talaan ng Nilalaman

  1. 17 relasyon: Amonya, Atomikong bilang, Balensiya, Bituin, Elemento (kimika), Gasolina, Henry Cavendish, Kwitis, Metal, Plasma (pisika), Presyon, Talahanayang peryodiko, Tubig, Wikang Griyego, Wikang Ingles, Wikang Kastila, Wikang Latin.

  2. Hidroheno

Amonya

Ang amonya (pormula: NH3, na isinusulat din bilang NH3), na binabaybay sa Ingles bilang ammonia, ay isang mahalagang kemikal na ginagawa sa buong mundo upang magamit sa agrikultura at industriya.

Tingnan Idrohino at Amonya

Atomikong bilang

Sa larangan ng kimika at ng pisika, ang bilang na atomiko o bilang ng proton (Aleman: Ordnungszahl, Kastila: número atómico, Ingles: atomic number o proton number, Pranses: numéro atomique) ng isang atomo ay ang bilang ng mga proton na nasa loob ng isang atomo.

Tingnan Idrohino at Atomikong bilang

Balensiya

Ang balensiya (valence, valencia, may sagisag na V) ay ang katawagan para sa kakayanan ng atomo o pangkat ng mga atomong tumanggap o magpatalsik o magbigay ng ilang bilang ng mga elektron kapag bumubuo ng mga kompuwesto o mga molekula.

Tingnan Idrohino at Balensiya

Bituin

Alpha Andromedae, isang bituin. Ang bituin, bituwin, tala, estrelya (Kastila: estrella), o lusero (Kastila: lucero) ay isang katawan ng iba ibang plasma sa dakong labas na kalawakan na binibigkis ng sarili niyang grabidad at may sapat na bigat upang masustentuhan ang kanyang pagsasalikop nukleyar sa kanyang siksik na ubod.

Tingnan Idrohino at Bituin

Elemento (kimika)

talaang peryodiko ng mga elementong kimikal. Sa agham, ang elemento (mula sa espanyol elemento) ay isang kalipunan ng mga atom na may natatanging bilang ng proton sa nucleus.

Tingnan Idrohino at Elemento (kimika)

Gasolina

''mason jar'' Ang gasolina, o petrolyo, ay ang pinakamahalagang gatong na pangmakina ng mga motor, na ginagamit para sa pagpapaandar at pagpapatakbo ng mga sasakyan tulad ng kotse, trak, bus, bangka, eroplano, traktora, at motorsiklo.

Tingnan Idrohino at Gasolina

Henry Cavendish

Si Henry Cavendish FRS (10 October 1731 – 24 February 1810) ay isang Briton na siyentipiko na kilala sa kanyang pagkakatuklas sa hidroheno na kanyang tinawag na "inflammable air" (madaling magsiklab na hangin).

Tingnan Idrohino at Henry Cavendish

Kwitis

Isang Soyuz TMA-9 Ang kwitis, kuwitis, pampasibad o kohete (Ingles: rocket, Kastila: cohete) ay isang sasakyan, misil, o salimpapaw tinatauhan (nasasakyan ng tao) katulad ng Saturn V; o hindi tinatauhan (hindi kailangang lulanan ng tao) katulad ng Hangin-sa-hanging misil na ''Phoenix''.

Tingnan Idrohino at Kwitis

Metal

Isang mainit na metal ginawa ng isang panday. Sa kimika, isang metal (Griyego: Metallon) ang isang elemento na madaliang bumuo ng mga iono (mga cation) at mayroong mga kawing metaliko.

Tingnan Idrohino at Metal

Plasma (pisika)

Ang plasma (mula sa Griyegong πλάσμα, "anumang nabuo"), ayon sa agham na likas, ay isa sa mga apat na mga katayuan ng materya (ang iba pa ay ang pagiging solido, likido, at gas).

Tingnan Idrohino at Plasma (pisika)

Presyon

Ang presyon (simbolo: p o P) ay ang puwersa na nilapat patayo sa ibabaw ng isang bagay bawat yunit na sukat kung saan pinamahagi ang puwersa.

Tingnan Idrohino at Presyon

Talahanayang peryodiko

Ang talahanayang peryodiko. Ang talahanayang peryodiko (Español: tabla periódica, Ingles: periodic table), kilala rin bilang talahanayang peryodiko ng mga elemento(ng kemikal), ay isang talahanayang pagkakaayos sa mga elementong kemikal.

Tingnan Idrohino at Talahanayang peryodiko

Tubig

Isang basong may tubig. Mga pambasong bloke ng yelo. Lupanlunti. Ang tubig ay isang walang lasa, walang amoy, at walang kulay na sustansiya sa kanyang dalisay na anyo, at mahalaga para sa lahat ng mga kilalang anyo ng buhay.

Tingnan Idrohino at Tubig

Wikang Griyego

Ang Griyego (Griyego: Ελληνικά, bigkas /e·li·ni·ká/, “Eleniko”) ay bumubuo ng kanyang sariling sangay sa pamilya ng mga wikang Indo-European.

Tingnan Idrohino at Wikang Griyego

Wikang Ingles

Ang Ingles ay isang Kanlurang Hermanikong wika na unang sinasalita sa maagang edad medyang Inglatera at kalaunang naging pandaigdigang lingua franca.

Tingnan Idrohino at Wikang Ingles

Wikang Kastila

Ang Kastila o Espanyol ay isang wikang Romanse na umunlad mula sa kolokyal na Latin na kasapi sa angkan ng mga wika na Indo-europeo.

Tingnan Idrohino at Wikang Kastila

Wikang Latin

Ang Latin (lingua Latīna o Latīnum) ay isang wikang Indo-Europeo na unang sinalita sa Latium na katawagan sa lupain sa palibot ng Roma.

Tingnan Idrohino at Wikang Latin

Tingnan din

Hidroheno

Kilala bilang Haydrodyen, Hidrógeno, Hidroheno, Hydrogen, Hydrogenium, Hydrogeno, Hydroheno, Idroheno.