Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
Libre
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Ehersisyong ginagamitan ng bigat ng katawan

Index Ehersisyong ginagamitan ng bigat ng katawan

Ang ''chin-up'' o "angat-baba" (pag-aangat ng baba) ay isang pangkaraniwang uri ng ehersisyong ginagamitan ng timbang ng katawan. Ang mga ehersisyong ginagamitan ng bigat ng katawan (Ingles: mga bodyweight exercise) ay mga ehersisyo o pagsasanay na pangkatawan na nagpapalakas na hindi nangangailangan ng mga malalayang pabigat; ang mismong sariling timbang o bigat ng taong nagsasagawa ng ganitong mga ehersisyo ang nagbibigay ng puwersang pamigil para sa galaw o kilos na pangsanay o pampalakas.

5 relasyon: Ehersisyong pangkatawan, Pagbubuhat ng mga pabigat (ehersisyo), Pagdiin-angat, Paghilang-paangat, Paghuhubog ng katawan.

Ehersisyong pangkatawan

Isang uri ng ehersisyong pangkatawan ang paglundag-lundag na may ginagamit na lubid na pangtalon. Ang ehersisyo, kaugnay ng pagpapaunlad ng kalusugan, ay ang alinmang gawaing pangkatawan na planado, may kayarian, at inuulit-ulit upang makamit ang layunin ng pagkukundisyon ng anumang bahagi ng katawan.

Bago!!: Ehersisyong ginagamitan ng bigat ng katawan at Ehersisyong pangkatawan · Tumingin ng iba pang »

Pagbubuhat ng mga pabigat (ehersisyo)

Isang lalaking nagbubuhat ng pabigat. Hugis at hubog ng katawan na sanhi ng pagbubuhat ng mga pabigat. Ang pagbubuhat ng mga pabigat (Ingles: weight training, weight lifting, o bodybuilding) ay ang pagbibigay ng hubog at hugis sa katawan upang magkaroon at mapanatili ang lakas ang katawan sa pamamagitan ng mga aparatong pang-ehersisyong katulad ng mga pabigat.

Bago!!: Ehersisyong ginagamitan ng bigat ng katawan at Pagbubuhat ng mga pabigat (ehersisyo) · Tumingin ng iba pang »

Pagdiin-angat

Ang pagdiriin-angat. Ang pagdiin-pataas, pagdiin-angat, pagpiga-angat, o pagtukol-taas (Ingles: push-up o press-up, dating tinatawag na floor-dip) ay isang uri ng pangkaraniwang ehersisyong pagsasanay at pampagpapalakas na isinasagawa habang nakadapa, pahalang, at nakaharap sa sahig ang mukha, na iniaangat at ibinababa ang katawan sa pamamagitan ng mga bisig.

Bago!!: Ehersisyong ginagamitan ng bigat ng katawan at Pagdiin-angat · Tumingin ng iba pang »

Paghilang-paangat

Isang pangkaraniwang paghihilang-paangat. Ang hilang-angat, paghilang-paangat, o hilang-paitaas (Ingles: pull-up) ay isang uri ng ehersisyong paghila na para sa pang-itaas na bahagi ng katawan, kung saan nakabitin ang katawan sa pamamagitan ng nakabukas na mga bisig, habang nakahawak ang mga kamay o mga kamay sa isang nakatigil baras o nakapirming lambitinan o lambarasan, na nasusundan ng paghilang paangat o pataas hanggang sa mabaluktot ang mga siko at mas mataas ang ulo kaysa mga kamay.

Bago!!: Ehersisyong ginagamitan ng bigat ng katawan at Paghilang-paangat · Tumingin ng iba pang »

Paghuhubog ng katawan

Si František Huf, isang kalahok sa pangdalubhasang paghuhubog ng katawan. Mga kababaihang kasali sa patimpalak ng paghuhubog ng katawan. Ang body building o paghuhubog ng katawan ay isang uri ng modipikasyon o pagbabago ng katawan na kinasasangkutan ng lubos o matinding paglaki ng mga masel.

Bago!!: Ehersisyong ginagamitan ng bigat ng katawan at Paghuhubog ng katawan · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Bodyweight exercise, Ehersisyong ginagamitan ng bigat lamang ng katawan, Ehersisyong ginagamitan ng bigat lang ng katawan, Ehersisyong ginagamitan ng bigat ng katawan lamang, Ehersisyong ginagamitan ng bigat ng katawan lang, Ehersisyong ginagamitan ng timbang ng katawan.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »