Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
I-install
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Ikalawang Mundo

Index Ikalawang Mundo

Ang katagang Ikalawang Mundo ay isang parirala na ginagamit upang ipaliwanag ang mga bansang na kaanib o sinusuportahan ng mga bansang nasa Unang Mundo (ang pinakamakapangyarihang mga bansa).

11 relasyon: Bansang komunista, Colombia, Estados Unidos, Ikatlong Mundo, Israel, Komunismo, Mundo, Silangang Bloke, Silangang Europa, Unang Mundo, Unyong Sobyetiko.

Bansang komunista

Ang isang komunistang bansa ay isang bansang malaya na may pamahalaan na kinakikitaan ng nag-iisang partido o may nangingibabaw na partido ng isang partidong komunista at kakikitaan din ng pagsunod sa mga ideolohiya at alituntunin ng mga kaisipang pang-komunista bilang isang kaisipang gumagabay sa bansa.

Bago!!: Ikalawang Mundo at Bansang komunista · Tumingin ng iba pang »

Colombia

Ang Colombia, opisyal na Republika ng Colombia, ay isang bansa sa hilaga-kanluran ng Timog Amerika na may rehiyong insular sa Hilagang Amerika—malapit sa baybaying Karibe ng Nicaragua—pati na rin sa Karagatang Pasipiko.

Bago!!: Ikalawang Mundo at Colombia · Tumingin ng iba pang »

Estados Unidos

Ang Estados Unidos (United States), opisyal na Estados Unidos ng Amerika, dinadaglat na EU/EUA (Ingles: US/USA), at karaniwang tinatawag na Amerika (Ingles: America), ay bansang transkontinental na pangunahing matatagpuan sa Hilagang Amerika.

Bago!!: Ikalawang Mundo at Estados Unidos · Tumingin ng iba pang »

Ikatlong Mundo

Ang katagang Ikatlong Mundo (Ingles: Third World) ay lumitaw noong panahon ng Digmaang Malamig upang ilarawan ang mga bansang nanatiling hindi nakaanib sa kapitalismo at sa NATO (na sa piling ng mga kaanib ng NATO ay kumakatawan sa Unang Mundo), o komunismo at sa Unyong Sobyet (na sa piling ng kaanib ng Unyong Sobyet ay kumakatawan sa Ikalawang Mundo).

Bago!!: Ikalawang Mundo at Ikatlong Mundo · Tumingin ng iba pang »

Israel

Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל, Medīnat Yisrā'el; Arabiko: دَوْلَة إِسْرَائِيل, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan. Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga Israeli.

Bago!!: Ikalawang Mundo at Israel · Tumingin ng iba pang »

Komunismo

Pinagsamang maso at karit, ang karaniwang sagisag ng komunismo. Ang komunismo ay pampolitikang ideolohiya na nilalayon ang pagtatatag ng kaayusang sosyoekonomiko na nakabalangkas sa ideya ng pag-aaring komun ng moda ng produksyon at pagkawala ng salapi, estado, at uring panlipunan.

Bago!!: Ikalawang Mundo at Komunismo · Tumingin ng iba pang »

Mundo

right Sa pinakapangkahalatang kahulugan, tumutukoy ang "mundo" (sa Kastila at Portuges: mundo, sa Aleman: Welt, sa Ingles: world, sa Italyano: mondo) sa kabuuan ng mga entidad, sa buong realidad o sa lahat na mayroon.

Bago!!: Ikalawang Mundo at Mundo · Tumingin ng iba pang »

Silangang Bloke

Ang Silangang Harang(tinatawag ding Harang ng Sobyet, Komunismong Harang) ay ang mga sakop ng Unyong Sobyet sa kasagsagan ng Digmaang Malamig ng kung saan ang ideolohiya ay komunismo.

Bago!!: Ikalawang Mundo at Silangang Bloke · Tumingin ng iba pang »

Silangang Europa

Isang pag-render ng kompyuter ng Silangang Europa Ang Silangang Europa ay ang silangang bahagi ng kontinente ng Europa.

Bago!!: Ikalawang Mundo at Silangang Europa · Tumingin ng iba pang »

Unang Mundo

Ang diwa ng Unang Mundo (Ingles: First World) ay nagmula sa panahon ng Digmaang Malamig, kung saan ginamit ito upang ilarawan ang mga bansa na nakaanib sa Estados Unidos.

Bago!!: Ikalawang Mundo at Unang Mundo · Tumingin ng iba pang »

Unyong Sobyetiko

Ang Unyong Sobyetiko (Советский Союз, tr.), opisyal na Unyon ng mga Sobyetikong Sosyalistang Republika, at karaniwang dinadaglat na USSR, ay estadong komunista at bansang transkontinental na sumaklaw sa karamihan ng Eurasya sa panahon ng pag-iral nito mula 1922 hanggang 1991.

Bago!!: Ikalawang Mundo at Unyong Sobyetiko · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Daigdig na Ikalawa, Daigdig na Pangalawa, Ikalawang Daigdig, Mundong Ikalawa, Mundong Pangalawa, Pangalawang Daigdig, Pangalawang Mundo, Second World.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »