Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
I-install
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Unang Digmaang Hudyo-Romano

Index Unang Digmaang Hudyo-Romano

Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah. Ang Unang Digmaang Hudyo-Romano (66–73 CE) na minsang tinatawag na Ang Dakilang Paghihimagsik (המרד הגדול, ha-Mered Ha-Gadol, Primum Iudæorum Romani Bellum.), ang una sa tatlong mga digmaang Hudyo-Romano ng mga Hudyo sa Probinsiyang Judea laban sa Imperyo Romano.

14 relasyon: Aklasan ni Bar Kokhba, Digmaang Kitos, Flavio Josefo, Herusalem, Ikalawang Templo sa Herusalem, Imperyong Romano, Judea, Judea (lalawigang Romano), Menorah, Mga digmaang Hudyo-Romano, Mga Saduceo, Relihiyon, Tito (emperador), Vespasiano.

Aklasan ni Bar Kokhba

Ang Aklasan ni Bar Kokhba (132–136 CE), מרד בר כוכבא or mered bar kokhba ang ikatlong pangunahing paghihimagsik ng mga Hudyo sa Judea laban sa Imperyo Romano at ang huli sa mga digmaang Hudyo-Romano.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Aklasan ni Bar Kokhba · Tumingin ng iba pang »

Digmaang Kitos

Ang Digmaang Kitos (115–117 CE) (מרד הגלויות: mered ha'galuyot ormered ha'tfutzot (מרד התפוצות), paghihimagsik ng mga ipinatapon) ang ikalawa sa mga digmaang Hudyo-Romano.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Digmaang Kitos · Tumingin ng iba pang »

Flavio Josefo

Si Tito Flavio Josefo (37 CE – 100 CE), at tinatawag ring Joseph ben Matityahu (Hebreong biblikal: יוסף בן מתתיהו, Yosef ben Matityahu), ay isang Hudyong-Romano na historyan at hagiograpo noong unang siglo CE.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Flavio Josefo · Tumingin ng iba pang »

Herusalem

Ang Herusalem ay isang lungsod sa Gitnang Silangan, na matatagpuan sa talampas ng bulubundukin ng Hudea, sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Patay.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Herusalem · Tumingin ng iba pang »

Ikalawang Templo sa Herusalem

Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem o Templo ni Herodes noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah. Ikalawang Templo sa Herusalem() na kalaunang tinawag na Templo ni Herodes ay isang Templo sa Herusalem na isang muling pagtatatyo ng templo sa lugar na dating kinatayuan ng Templo ni Solomon na umiral mula - 70 CE. Ang Ikalawang Templo ay winasak ng mga Romano noong 70 CE sa Unang Digmaang Hudyo-Romano. Pagkatapos wasakin ng Imperyong Neo-Babilonya ang Templo ni Solomon noong 587 BCE, ito ay muling itinayo sa utos ni Dakilang Ciro ng Imperyong Akemenida nang pinayagan ang mga Hudyong ipinatapon ni Nabucodonosor II na makabalik sa Herusalem. Ito ay ang simula ng panahong Ikalawang Templo sa kasaysayan ng Hudaismo. Ang Ikalawang Templo sa Herusalem at ang lungsod ng Herusalem ay winasak ng Imperyong Romano noong 70 CE na tinawag na Dakilang Babilonya sa Aklat ng Pahayag bilang ang bagong Imperyong Neo-Babilonya na wumasak sa Templo ni Solomon at Herusalem noong 587/586 BCE. Ayon sa Ebanghelyo ni Marcos 13, Ebanghelyo ni Mateo 24, at Ebanghelyo ni Lucas 21:20-36 na mga hulang inilagay sa bibig ni Hesus ng mga kalaunang may-akda ng mga ebanghelyo ito, ang dahilan ng pagkakawasak ay dahil sa pagtakwil ng mga Hudyo kay Hesus bilang isang mesiyas ng Hudaismo. Ang mga propesiyang ito ay isang vaticinium ex eventu upang pangatwiranan na ang pagkawsak nto ay isang kaparusahan sa pagtakwil ng mga Hudyo kay Hesus bilang mesiyas. Ang pagkawasak nito ay tanda ng pagbabalik ni Hesus at pagwawakas ng mundo noong unang siglo CE.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Ikalawang Templo sa Herusalem · Tumingin ng iba pang »

Imperyong Romano

Ang Imperyo ng mga Romano (Ingles: Roman Empire) (Latin) ang tawag sa imperyalistang paghahari ng mga Romano sa malaking bahagi ng Europa, Asya at Hilagang Aprika, na may autokratikong porma ng pamahalaan.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Imperyong Romano · Tumingin ng iba pang »

Judea

Ang Judea o Judaea, at ang modernong bersiyon ng Judah (from יהודה, Wikang Hebreo Yəhuda, Tiberian Yəhûḏāh, Ἰουδαία,; Iūdaea) ay ang sinaunang Tanakh(Hebreong Bibliya), ang kakontemporaneong Latin, at ang modernong pangalan ng mabundok na timog na bahagi ng rehiyon ng Palestina.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Judea · Tumingin ng iba pang »

Judea (lalawigang Romano)

Ang Romanong lalawigan ng Judea (Pamantayang Tiberian), kung minsan ay binabaybay sa orihinal na mga anyong Latin na Iudæa o Judaea upang mapag-iba ito mula sa pangheograpiyang rehiyon ng Judea, isinasama ang mga rehiyon ng Judea, Samaria, at Idumea, at sumaklaw lalo sa mga bahagi ng mga dating rehiyon ng Asmoneo at mga kahariang Herodes ng Judea.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Judea (lalawigang Romano) · Tumingin ng iba pang »

Menorah

Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah. Ang Menorah (מְנוֹרָה) ay inalalarawang sa Bibliyang Hebreo o Tanakh bilang isang may pitong sangay na candelabrum na ginamit sa Tabernakulo sa Templo sa Herusalem (Templo ni Solomon at Templo ni Herodes).

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Menorah · Tumingin ng iba pang »

Mga digmaang Hudyo-Romano

Ang Mga digmaang Hudyo-Romano ang sunod sunod na malawakang mga paghihimagsik ng mga Hudyo ng probinsang Judea at Silangang Mediterraneo laban sa Imperyo Romano.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Mga digmaang Hudyo-Romano · Tumingin ng iba pang »

Mga Saduceo

Ang Mga Saduceo o mga Saduseo (Ebreo: צדוקים, Tsedokim, "mga istudyante ni Tsadok") ay isang maliit subalit makapangyarihang pangkat o partido ng mga Hudyong dugong-bughaw.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Mga Saduceo · Tumingin ng iba pang »

Relihiyon

Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Relihiyon · Tumingin ng iba pang »

Tito (emperador)

Si Tito Flavio Vespasiano, na kilala rin bilang Tito o Titus sa Ingles (Disyembre 30, 39 – Setyembre 13, 81), ay ang emperador ng Imperyo Romano na naghari ng maikling panahon mula 79 hanggang sa kanyang kamatayan noong 81.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Tito (emperador) · Tumingin ng iba pang »

Vespasiano

Si Imperator Caesar Vespasianus Augustus (Nobyembre 17, 9 - Hunyo 23, 79), mas kilala bilang si Titus Flavius Vespasianus, ay ang emperador ng Imperyong Romano mula 69 AD hanggang 79 AD.

Bago!!: Unang Digmaang Hudyo-Romano at Vespasiano · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Ang Dakilang Paghihimagsik, First Jewish–Roman War, The Great Revolt, Unang Digmaang Hudyong-Romano.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »