Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
I-download ang
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Transplantasyon ng organo

Index Transplantasyon ng organo

Ang transplantasyon ng organo o siruhiya ng pagtransplanta (Ingles: organ transplantation, transplant surgery), literal na "pag-ani, paglipat at muling pagtatanim ng organo") ay ang paglilipat ng isang organo magmula sa isang katawan papunta sa isa pang katawan, o mula sa isang pook ng donasyon (inabuloy na organo) papunta sa isa pang lugar o lokasyon sa sariling katawan ng pasyente, para sa layunin ng pagpapalit ng nawawala o napinsalang organo ng tatanggap. Ang bumabangong larangan ng medisinang reheneratibo ay nagpapahintulot sa mga siyentipiko at mga inhinyero na makalikha ng mga organo upang muling mapalaki magmula sa sariling mga selula (selulang sanga o selulang tangkay) ng pasyente, o mga selulang hinango magmula sa mga organong nabibigo na sa kanilang tungkuling pangkatawan). Ang mga organo at/o mga tisyu ay inililipat sa loob ng mismo o sa loob din ng katawan ng iisang tao ay tinatawag na mga autograpto (autograft). Ang mga transplanta na kamakailang isinagawa sa pagitan ng dalawang mga pasyente ng iisang mga espesye ay tinatawag na mga alograpto (allograft), Ang mga alograpto ay maaaring maging nagmumula sa isang napagkunang nabubuhay o patay (bangkay) na. Ang mga organong maaaring ilipat at itanim na muli ay ang puso, bato, atay, mga baga, lapay (pankreas), bituka, at thymus. Ang mga tisyu ay kinabibilangan ng mga buto, mga tendon (litid) (na kapwa tinutukoy bilang mga graft o dugtong na supang o suloy na muskuloskeletal), kornea, balat, at mga balbula ng puso, at mga maliliit na ugat (bena). Sa buong mundo, ang mga bato ang pinaka pangkaraniwang inililipat na mga organo, na sinusundan ng atay at pagkaraan ay ang puso. Ang kornea at ang mga suloy na muskuloskeletal ay ang pinaka karaniwang itinatransplantang mga tisyu; nahihigitan ng dami nito ang mga pagtatransplanta ng organ nang mas mahigit kaysa sampung mga ulit. Ang mga tagapag-abuloy o donor ay maaaring mga nabubuhay o patay na ang utak. Ang tisyu ay maaaring kuhanin magmula sa mga mang-aambag na patay na ang puso - magpahanggang sa 24 na mga oras na ang nakakalipas mula sa pagtigil ng pintig ng puso. Hindi katulad ng mga organo, ang karamihan ng mga tisyu (maliban na lamang sa kornea) ay maaaring ipreserba o panatilihin at iimbak magpahanggang sa limang mga taon, na nangangahulugang maaari silang "ibangko" (ilagay sa isang "bangko" o deposituhan o impukan). Ang transplantasyon ay nagpapaangat ng isang bilang ng mga paksa o suliraning biyo-etikal (pambiyolohiya at pang-etika, kabilang na ang kahulugan ng kamatayan, kung kailan at kung paano nararapat ibigay para sa isang organo na ililipat at pagbabayad para sa mga organong ililipat. Ang iba pang mga suliraning pang-etika ay kinabibilangan ng turismo ng transplantasyon at ang mas malawak na diwang sosyo-ekonomiko kung saan ang pag-ani o transplantasyon ng organo ay maaaring lumitaw. Ang isang partikular na problema ay ang pagtatrapiko ng organo. Mayroong mga organo, na katulad ng utak, na hindi pa maaaring anihin at ilipat at muling itanim sa mga tao. Sa Estados Unidos ng Amerika, ang transplantasyon ng tisyu ay nireregula ng U.S. Food and Drug Administration (FDA, Administrasyon ng Pagkain at Gamot ng Estados Unidos) na nagtatakda ng mahigpit na mga patakaran o mga regualsyon hinggil sa pagiging ligtas ng mga transplanta, na pangunahing nakatuon sa pag-iwas ng paglaganap ng mga sakit na nakakahawa. Kabilang sa mga regulasyon ang mga saligan o kriterya ng pagsusuri at pagsubok sa mga nag-aabuloy ng organo o tisyu pati na mahihigpit na mga regulasyon hinggil sa pagpuproseso at distribusyon (pagpapamudmod) ng mga supang ng tisyu. Ang mga transplanta ng organo ay hindi niriregula ng FDA. Ang medisinang pangtransplantasyon ay isa sa pinaka mahamon at masalimuot na mga pook sa medisinang moderno. Ang ilan sa mga susing pook para sa pamamahalang pampanggagamot ay ang mga problema ng pagtanggi sa transplanta, kung kailan ang katawan ay mayroong pagtugong imyuno (pagtugon na hindi tumatalab o walang bisa) sa inilipat na organo, na maaaring humantong sa pagkabigo ng paglipat at pagtatanim at ang pangangailangan na kaagad na tanggalin ang organo mula sa nakatanggap nito. Kapag maaari, ang pagtanggi sa transplanta ay maaaring mabawasan sa pamamagitan ng pagseserotipo upang malaman ang pinaka naaangkop na pagkakatugma ng nagbibigay at tumatanggap at sa pamamagitan ng paggamit ng mga gamot na imunosupresante (pangsawata o pampigil na imyuno).

11 relasyon: Atay, Balat (paglilinaw), Bangko, Bato (anatomiya), Bena, Biyolohiya, Estados Unidos, Etika, Kamatayan, Organo (anatomiya), Puso (paglilinaw).

Atay

Atay ng tupa Ang atay (Ingles: liver) ay isang mahalagang organo na makikita sa mga vertebrate at iba pang mga hayop.

Bago!!: Transplantasyon ng organo at Atay · Tumingin ng iba pang »

Balat (paglilinaw)

Ang salitang balat ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod.

Bago!!: Transplantasyon ng organo at Balat (paglilinaw) · Tumingin ng iba pang »

Bangko

Ang bangko o banko ay isang institusyong pampananalapi na tumatanggap ng mga deposito at ginagamit ang mga ito sa mga pagpapautang; na maaaring tuwirang pagpapautang o hindi tuwirang pagpapautang gaya ng sa merkado ng mga kapital.

Bago!!: Transplantasyon ng organo at Bangko · Tumingin ng iba pang »

Bato (anatomiya)

ugat. Ang mga bato (Ingles: kidney) ay ang mga organong tumatanggap o kumukuha ng halos lahat ng mga dumi mula sa dugo.

Bago!!: Transplantasyon ng organo at Bato (anatomiya) · Tumingin ng iba pang »

Bena

Ang bena, gisok, o bitak ay ang ugat sa katawan na daluyan ng dugong pabalik sa puso.

Bago!!: Transplantasyon ng organo at Bena · Tumingin ng iba pang »

Biyolohiya

Ang haynayan o biyolohiya (Ingles: biology) ay ang makaagham na pag-aaral ng mga nabubuhay na tataghay at mga pamamaraang kasangkot nito.

Bago!!: Transplantasyon ng organo at Biyolohiya · Tumingin ng iba pang »

Estados Unidos

Ang Estados Unidos (United States), opisyal na Estados Unidos ng Amerika, dinadaglat na EU/EUA (Ingles: US/USA), at karaniwang tinatawag na Amerika (Ingles: America), ay bansang transkontinental na pangunahing matatagpuan sa Hilagang Amerika.

Bago!!: Transplantasyon ng organo at Estados Unidos · Tumingin ng iba pang »

Etika

Etika o palaasalan ang pangkalahatang termino na madalas inilalarawan na "agham ng moralidad".

Bago!!: Transplantasyon ng organo at Etika · Tumingin ng iba pang »

Kamatayan

Ang kamatayan ay ang katapusan ng buhay ng isang organismo.

Bago!!: Transplantasyon ng organo at Kamatayan · Tumingin ng iba pang »

Organo (anatomiya)

Sa biyolohiya, ang organo"Organo." Estrada, Horacio R. Ang Gawain ng Mga Organo ng Tao, pinapaliwanang nito ang mga tungkulin ng lahat ng mga organong matatagpuan sa katawan ng tao.

Bago!!: Transplantasyon ng organo at Organo (anatomiya) · Tumingin ng iba pang »

Puso (paglilinaw)

Ang salitang puso ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod.

Bago!!: Transplantasyon ng organo at Puso (paglilinaw) · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Organ transplantation, Pag-ani, paglipat at muling pagtanim ng organo, Paglilipat ng organo, Pagtatransplanta ng organo, Surgical transplant, Surgical transplantation, Transplant surgery, Transplantation of organ, Transplantation surgery.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »