Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
Libre
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Psamtik III

Index Psamtik III

Si Psamtik III, Psammetichus, Psammeticus, orPsammenitus, mula sa Griyegong Ψαμμήτιχος o Ψαμμήνιτος) ang huling paraon ng Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto at naghari mula 526 BCE hanggang 525 BCE. Ang alam sa kanyang buhay ay mula kay Herodotus noong ika-5 siglo BCE. Ayon kay Herodotus, siya ay naghari lamang ng 6 na buwan bago sakupin at talunin ng hari ng Imperyong Persiyano na si Cambyses II of Persia.The New Encyclopædia Britannica: Micropædia, Vol.9 15th edition, 2003. p.756 Si Psamtik III ay natalo sa Labanan ng Pelusium noong 525 at tumakas sa Memphis, Ehipto kung saan siya nabihag. Siya ay pinatalsik sa puwesto at dinala at tinakilaan sa Susa at kalaunan ay nagpakamatay.

8 relasyon: Amasis II, Cambyses II, Herodotus, Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto, Imperyong Akemenida, Memphis, Ehipto, Paraon, Susa.

Amasis II

Si Amasis II (Ἄμασις) o Ahmose II ay isang paraon ng Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto na naghari mula 570 BCE hanggang 526 BCE at kahalili ni paraon Apries.

Bago!!: Psamtik III at Amasis II · Tumingin ng iba pang »

Cambyses II

Si Cambyses II (کمبوجيه دوم, 𐎣𐎲𐎢𐎪𐎡𐎹 Kɑmboujie) (522 BCE) na anak ni Dakilang Ciro at naghari noong 559 BCE hanggang 530 BCE ang isang hari ng mga hari ng Imperyong Akemenida.

Bago!!: Psamtik III at Cambyses II · Tumingin ng iba pang »

Herodotus

Si Herodotus ng Halicarnassus ay isang mananalaysay na Griyego na namuhay noong ika-5 dantaong BC at itinuring ni Cicero bilang "Ama ng Kasaysayan." Siya rin ang itinuturing bilang "Unang Mananalaysay ng Mundo." Kinikilala si Herodotus bilang manunulat ng The Histories, kung saan inilahad niya ang paglawak ng Imperyong Persa (Persian) sa ilalim nina Cyrus na Dakila, Cambyses, at Darius na Dakila, at maging ang pananalakay ni Xerxes noong 480 BC na nagtapos sa mga digmaan sa Salamis, Plataea, at Mycale.

Bago!!: Psamtik III at Herodotus · Tumingin ng iba pang »

Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto

Ang Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto o Dinastiyang XXVI ang huling katutubong dinastiya ng Sinaunang Ehipto na pumalit sa Ikadalawampu't limang dinastiya ng Ehipto.

Bago!!: Psamtik III at Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto · Tumingin ng iba pang »

Imperyong Akemenida

Ang Imperyong Akemenida o Achaemenida Empire (mula sa Lumang Persiyano na Haxāmanišiya), tinatawag ding Ang Unang Imperyong Persiyano, ay isang imperyo sa Kanlurang Asya, na itinatag ni Cirong Dakila. Sa pinakadakilang lawak nito na ang lawak ay mula sa Balkan hanggang sa Lambak ng Indus, ay naging isa ito sa mga pinakamalalaking imperyo sa kasaysayan, na sumasaklaw sa 5.5 milyon na kilometrong parisukat, at noon ay naging mas malaki kaysa sa alin mang nakaraang imperyo sa kasaysayan. Bantog ito sa matagumpay na modelo ng isang sentralisadong, pangangasiwang burukratiko (sa pamamagitan ng mga satrapa sa ilalim ng Hari ng mga Hari), sa mga pagtayo ng imprastruktura tulad ng mga sistema ng kalsada at isang sistema ng koreo at sa paggamit ng isang opisyal na wika sa kabuuan ng mga teritoryo nito at sa isang malaking propesyonal na hukbo at sa mga serbisyong sibil, na nagpasigla sa mga katulad na sistema sa mga sumunod na imperyo.Schmitt Achaemenid dynasty (i. The clan and dynasty) Kilala ito sa Kanluraning kasaysayan bilang ang katunggali ng mga Griyegong lungsod-estado sa panahon ng mga Digmaang Griyego-Persiyano at sa pagpapalaya ng mga Hudyong tapon sa Babilonya. Ang Mausoleo sa Halicarnassus, na isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig, ay itinayo sa isang Helenistikong estilo sa imperyo. Nang ika-7 siglo BCE, ang mga Persiyano ay namuhay sa timog-kanluraning bahagi ng Iranyang Talampas sa rehiyon ng Persis, na naging kanilang sentro. Mula sa rehiyong ito, sumulong si Cirong Dakila upang talunin ang mga Medo, ang Lydia, at ang Imperyong Neo-Babilonyo, itinatatag ang Imperyong Akemenida. Ang delegasyon ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan ay inaakala na kalaunan ay nagpahina sa kapamahalaan ng hari, na nagsanhi sa paggasta sa mga pag-aaring yaman sa mga pagtatangka upang supilin ang mga lokal na paghihimagsik, at humantong sa kawalan ng pagkakaisa ng mga rehiyon sa panahon ng pagsalakay ni Dakilang Alejandro noong 334 BCE. Ang palagay na ito, gayun pa man, ay hinahamon ng ilang mga modernong iskolar na nakikipagtaltalan na ang Imperyong Akemenida ay hindi humarap sa anumang naturang krisis sa panahon ni Alejandro, na mga panloob na paghalili na pakikibaka sa loob ng pamilyang Akemenida lamang ang kailan man lumapit sa pagpapahina ng imperyo. Si Alejandro, na malaking tagahanga ni Cirong Dakila, ay kalaunang sumakop sa imperyo sa kabuuan nito noong 330 BCE. Sa kanyang kamatayan, ang karamihan sa dating teritoryo noong imperyo ay sumailalim sa pamamahala ng Kahariang Ptolemaiko at Imperyong Seleucid, bilang karagdagan sa iba pang mga menor na mga teritoryo na nakakamit ng pagsasarili sa panahong iyon. Kalaunan ay makakabawi ng kapangyarihan yaong Persiyanong populasyon sa gitnang talampas sa ikalawang siglo BCE sa ilalim ng Imperyong Parto. Ang makasaysayang tanda ng Imperyong Akemenida ay hindi lamang humangga sa teritoryal at militar na impluwensya nito kundi pati din sa impluwensyang kultura, panlipunan, teknolohikal at relihiyon. Maraming mga Ateniense ang tumaglay ng mga kaugaliang Akemenida sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa isang pagpapalitan ng impluwensiya ng kultura, na ang ilan ay inimpleyado ng, o nakaalyado sa mga hari ng Persiya.

Bago!!: Psamtik III at Imperyong Akemenida · Tumingin ng iba pang »

Memphis, Ehipto

Ang Memphis (منف; Μέμφις) ay ang sinaunang kabisera ng Aneb-Hetch, ang unang nome ng Pang-ibabang Ehipto.

Bago!!: Psamtik III at Memphis, Ehipto · Tumingin ng iba pang »

Paraon

Ang Paraon (Ingles: Pharaoh) (Wikang Ehipsiyo: pr ꜥꜣ; ⲡⲣ̅ⲣⲟ|Pǝrro; Biblical Hebrew: Părʿō) ay pamagat na ginammit sa mga hari o monarko ng Sinaunang Ehipto mula sa Unang dinastiya ng Ehipto (c. 3150 BCE) hanggang sa pagsunggab sa teritoryo ng Sinaunang Ehipto ng Imperyong Romano.

Bago!!: Psamtik III at Paraon · Tumingin ng iba pang »

Susa

Ang Susa (شوش Šũš; שושן; Shushan; Griyego: Σοῦσα, transliterasyon: Sousa; Latin Susa) ay isang sinaunang lungsod sa sinaunang mga Imperyo ng Persiya, Elam (ng mga Elamita), at Parthia, na matatagpuan sa mga 250 km (150 mga milya) sa silangan ng Ilog ng Tigris.

Bago!!: Psamtik III at Susa · Tumingin ng iba pang »

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »