Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
I-install
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Pinagkunang maka-Saserdote

Index Pinagkunang maka-Saserdote

Ang Pinagkunang Saserdote o Priestly Source (P) ang isa sa mga pinagkunan ng Torah ng Bibliya.

14 relasyon: Aaron, Bibliya, Dakilang Saserdote, Deuteronomista, El Shaddai, Elohist, Ika-5 dantaon BC, Imperyong Akemenida, Israel, Jahwist, Kaharian ng Juda, Moises, Pagpapatapon sa Babilonya, Torah.

Aaron

''The Adoration of the Golden Calf'' ni Nicolas Poussin na pinapakita ang pagsamba sa gintong baka na ginawa ni Aaron Ayon sa nasusulat sa Bibliya, si Aaron (namayagpag ng mga 1200 BCE) ay isa sa mga dalawang mga kapatid na gumanap ng isang kakaibang bahagi sa kasaysayan ng mga Hebreo.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Aaron · Tumingin ng iba pang »

Bibliya

Larawan ng binuklat na Bíbliyang Gutenberg, na nasa Aklatan ng Kongreso ng Estados Unidos. Ang Bibliya o Biblia (ang huli ay mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Bibliya · Tumingin ng iba pang »

Dakilang Saserdote

Ang Dakilang Saserdote o Punong Sasedote o Mataas na Saserdote o Punong Pari (Kastila: Sacerdote, Ingles: High Priest) at bihirang Dakilang Saserdotisa (Ingles: High Priestess) ay karaniwang tumutukoy sa isang indibidwal na humahawak ng opisina o posisyong pinuno-saserdote(pari) o ang pinuno ng isang kasteng relihiyoso.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Dakilang Saserdote · Tumingin ng iba pang »

Deuteronomista

Ang Deuteronomista o Deuteronomist, o simpleng D ang isa sa pinagkunan ng Torah ng Bibliya.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Deuteronomista · Tumingin ng iba pang »

El Shaddai

Ang El Shaddai(katagang hindi malinaw ang kahulugan at imininungkahi bilang "Diyos ng Bundok", "Diyos ng Pagkubkob o "Diyos ng Suso") ay maaaring tumukoy kay o sa.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at El Shaddai · Tumingin ng iba pang »

Elohist

Ang Elohist (E) ang isa sa apat na pinagkunan o sanggunian ng Torah ng Bibliya.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Elohist · Tumingin ng iba pang »

Ika-5 dantaon BC

Nagsimula ang ika-5 dantaon BC noong unang araw ng 500 BC at nagtapos noong huling araw ng 401 BC.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Ika-5 dantaon BC · Tumingin ng iba pang »

Imperyong Akemenida

Ang Imperyong Akemenida o Achaemenida Empire (mula sa Lumang Persiyano na Haxāmanišiya), tinatawag ding Ang Unang Imperyong Persiyano, ay isang imperyo sa Kanlurang Asya, na itinatag ni Cirong Dakila. Sa pinakadakilang lawak nito na ang lawak ay mula sa Balkan hanggang sa Lambak ng Indus, ay naging isa ito sa mga pinakamalalaking imperyo sa kasaysayan, na sumasaklaw sa 5.5 milyon na kilometrong parisukat, at noon ay naging mas malaki kaysa sa alin mang nakaraang imperyo sa kasaysayan. Bantog ito sa matagumpay na modelo ng isang sentralisadong, pangangasiwang burukratiko (sa pamamagitan ng mga satrapa sa ilalim ng Hari ng mga Hari), sa mga pagtayo ng imprastruktura tulad ng mga sistema ng kalsada at isang sistema ng koreo at sa paggamit ng isang opisyal na wika sa kabuuan ng mga teritoryo nito at sa isang malaking propesyonal na hukbo at sa mga serbisyong sibil, na nagpasigla sa mga katulad na sistema sa mga sumunod na imperyo.Schmitt Achaemenid dynasty (i. The clan and dynasty) Kilala ito sa Kanluraning kasaysayan bilang ang katunggali ng mga Griyegong lungsod-estado sa panahon ng mga Digmaang Griyego-Persiyano at sa pagpapalaya ng mga Hudyong tapon sa Babilonya. Ang Mausoleo sa Halicarnassus, na isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig, ay itinayo sa isang Helenistikong estilo sa imperyo. Nang ika-7 siglo BCE, ang mga Persiyano ay namuhay sa timog-kanluraning bahagi ng Iranyang Talampas sa rehiyon ng Persis, na naging kanilang sentro. Mula sa rehiyong ito, sumulong si Cirong Dakila upang talunin ang mga Medo, ang Lydia, at ang Imperyong Neo-Babilonyo, itinatatag ang Imperyong Akemenida. Ang delegasyon ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan ay inaakala na kalaunan ay nagpahina sa kapamahalaan ng hari, na nagsanhi sa paggasta sa mga pag-aaring yaman sa mga pagtatangka upang supilin ang mga lokal na paghihimagsik, at humantong sa kawalan ng pagkakaisa ng mga rehiyon sa panahon ng pagsalakay ni Dakilang Alejandro noong 334 BCE. Ang palagay na ito, gayun pa man, ay hinahamon ng ilang mga modernong iskolar na nakikipagtaltalan na ang Imperyong Akemenida ay hindi humarap sa anumang naturang krisis sa panahon ni Alejandro, na mga panloob na paghalili na pakikibaka sa loob ng pamilyang Akemenida lamang ang kailan man lumapit sa pagpapahina ng imperyo. Si Alejandro, na malaking tagahanga ni Cirong Dakila, ay kalaunang sumakop sa imperyo sa kabuuan nito noong 330 BCE. Sa kanyang kamatayan, ang karamihan sa dating teritoryo noong imperyo ay sumailalim sa pamamahala ng Kahariang Ptolemaiko at Imperyong Seleucid, bilang karagdagan sa iba pang mga menor na mga teritoryo na nakakamit ng pagsasarili sa panahong iyon. Kalaunan ay makakabawi ng kapangyarihan yaong Persiyanong populasyon sa gitnang talampas sa ikalawang siglo BCE sa ilalim ng Imperyong Parto. Ang makasaysayang tanda ng Imperyong Akemenida ay hindi lamang humangga sa teritoryal at militar na impluwensya nito kundi pati din sa impluwensyang kultura, panlipunan, teknolohikal at relihiyon. Maraming mga Ateniense ang tumaglay ng mga kaugaliang Akemenida sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa isang pagpapalitan ng impluwensiya ng kultura, na ang ilan ay inimpleyado ng, o nakaalyado sa mga hari ng Persiya.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Imperyong Akemenida · Tumingin ng iba pang »

Israel

Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל, Medīnat Yisrā'el; Arabiko: دَوْلَة إِسْرَائِيل, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan. Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga Israeli.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Israel · Tumingin ng iba pang »

Jahwist

Ang Jahwist na tinutukoy ring Jehovist, Yahwist, o simpleng J ang isa sa apat na pinagkunan o sanggunian ng Torah ng Bibliya.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Jahwist · Tumingin ng iba pang »

Kaharian ng Juda

Ang Kaharian ng Juda o Kahariang Timog (Mamlekhet Yehuda) ay isang estado na itinatag sa Levant noong panahon ng bakal.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Kaharian ng Juda · Tumingin ng iba pang »

Moises

Si MoisesMōše; kilala rin bilang Moshe o Moshe Rabbeinu (Mishnaic Hebrew): מֹשֶׁה רַבֵּינוּ); Mūše; Mūsā; Mōÿsēs ay itinuturing na pinakamahalagang propeta sa Hudaismo at isa sa pinakamahalagang mga propeta sa Kristiyanismo, Islam, ang pananampalataya ni Druze, ang Baháʼí Faith at iba pang relihiyong Abrahamiko. Ayon sa Bibliya at Quran, Si Moises ang pinuno ng mga Israelita at tagapagbigay ng batas kung kanino may-akda, o "pagkuha mula sa langit", ng Torah (ang unang limang aklat ng Bibliya) ay iniuugnay. Ayon sa Aklat ng Exodo, si Moises ay isinilang sa panahon na ang kanyang mga tao, ang mga Israelita, isang inaaliping minorya, ay dumarami ang populasyon at, bilang resulta, ang Egyptian Pharaoh nag-aalala na baka sila ay makipagkampi sa mga kaaway ng Ehipto. Hebreo na ina ni Moises, Jocebed, lihim siyang itinago nang utusan ni Paraon na patayin ang lahat ng bagong silang na batang lalaki na Hebreo upang mabawasan ang populasyon ng mga Israelita. Sa pamamagitan ng anak na babae ni Paraon (nakilala bilang Reyna Bithia sa Midrash), ang bata ay inampon bilang foundling mula sa Nile at lumaki kasama ng Egyptian maharlikang pamilya. Matapos patayin ang isang panginoong alipin na Ehipsiyo na bumubugbog sa isang Hebreo, si Moises ay tumakas sa Red Sea patungo sa Midian, kung saan nakatagpo niya ang Anghel ng Panginoon, na nagsasalita sa kanya mula sa loob ng nasusunog na palumpong sa Bundok Horeb, na itinuring niyang Bundok ng Diyos. Ipinadala ng Diyos si Moises pabalik sa Ehipto upang hilingin na palayain ang mga Israelita mula sa pagkaalipin. Sinabi ni Moises na hindi siya makapagsalita nang mahusay, kaya pinahintulutan ng Diyos si Aaron, ang kanyang nakatatandang kapatid, upang maging kanyang tagapagsalita. Pagkatapos ng Sampung Salot, pinangunahan ni Moises ang Paglabas ng mga Israelita palabas ng Ehipto at sa Pulang Dagat, pagkatapos nito ay ibinatay nila ang kanilang mga sarili sa Bundok Sinai, kung saan natanggap ni Moises ang Sampung Utos. Pagkatapos ng 40 taong pagala-gala sa disyerto, namatay si Moises sa Bundok Nebo sa edad na 120, na nakikita ng Ipinangakong Lupain.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Moises · Tumingin ng iba pang »

Pagpapatapon sa Babilonya

Ang Pagpapatapon sa Babilonya ay isang pangyayari sa Kasaysayang Hudyo kung saan ang maraming mga mamamayan ng Kaharian ng Juda ay ipinatapon ni Nabucodonosor II na humantong sa pagkakawasak ng Templo ni Solomon at Herusalem.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Pagpapatapon sa Babilonya · Tumingin ng iba pang »

Torah

Ang Tora (Ebreo: תורה, "Turo") ay ang katawagan sa unang limang mga aklat ng Tanakh.

Bago!!: Pinagkunang maka-Saserdote at Torah · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Priestly source, Saserdoteng teksto.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »