Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
I-install
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Estruktura ng datos

Index Estruktura ng datos

Sa agham pangkompyuter, ang data structure (estruktura ng datos ay isang lohikal na pagsasaayos ng datos sa isang kompyuter upang magamit ito ng mas epektibo. Ito ay ang implementasyon ng abstract data type (tipo ng abstraktong datos) sa isang wikang pamprograma kung saan ang mga kaukulang operasyon ay maaaring gawin sa datos na nakapaloob dito. Ang iba't ibang klase ng estruktura ng datos ay may kanya-kanyang gamit. Sa katunayan, ang iba sa mga ito ay spesipiko lamang para sa isang gawain. Halimbawa, mas magandang gumamit ng mga punong binaryo kung madami ang datos na kailangan isaayos (katulad ng mga database) at ang array kung simpleng pagmamanipula lamang ng limitadong datos ang kailangan. Napaka-importante ng mga estruktura ng datos sa pag gawa ng mga sopwer sa kompyuter. Ang ilan sa mga epektibong algoritmo ay nangangailangan ng implementasyon ng mga estruktura ng datos upang tumakbo ng maayos. Kinakailangan din ito upang mapadali ang pag disenyo ng mga database kung saan importante ang pagkakasaayos ng datos.

22 relasyon: Algoritmo, Array, Asosiyatibong array, Bit array, Bit field, Bitboard, Dalawang dulong queue, Database, Kompyuter, Listahang pinagdugtong, Mapang bidireksiyonal, Memorya, Multimap, Pangkat (tipo ng abstraktong datos), Puno (estruktura ng datos), Queue (istraktura ng data), Software, Stack (agham pangkompyuter), String (agham pangkompyuter), Tablang hash, Teorya ng grap, Wikang pamprograma.

Algoritmo

Sa matematika at sa agham pangkompyuter, ang isang algoritmo ay isang malinaw na pagdedetalye ng kung paano malulutasan ang isang uri ng problema.

Bago!!: Estruktura ng datos at Algoritmo · Tumingin ng iba pang »

Array

Sa agham pangkompyuter, ang array ay tumutukoy sa kalipunan o koleksiyon ng mga elemento na maaaring tumukoy sa mga halaga o baryable na ang bawat isa ay matutukoy gamit ang isang indeks.

Bago!!: Estruktura ng datos at Array · Tumingin ng iba pang »

Asosiyatibong array

Sa agham pangkompyuter, ang asosiyatibong array o ugnayang talahanayan (associative array o map o dictionary) ay isang abstraktong uri ng datos na binubuo ng isang koleksiyon ng mga pares na (key, value) upang ang bawat posibleng key (susi) ay lumalabas lamang nang isang beses sa koleksiyon.

Bago!!: Estruktura ng datos at Asosiyatibong array · Tumingin ng iba pang »

Bit array

Ang bit array o bitmap o bitset bitstring ay isang array (estruktura ng datos) na siksik na nag-iimbak(store) ng mga indibidwal na bit(halagang boolean).

Bago!!: Estruktura ng datos at Bit array · Tumingin ng iba pang »

Bit field

Ang isang bit field ay isang karaniwang idyoma na ginagamit sa pagpoprograma ng kompyuter upang siksik na iimbak ang mga maraming halagang lohikal bilang maikling serye ng mga bit kung saan ang bawat isang bit ay matutukoy ang address(tirahan ng memorya) ng hiiwalay.

Bago!!: Estruktura ng datos at Bit field · Tumingin ng iba pang »

Bitboard

Ang bitboard ay isang estruktura ng datos na karaniwang ginagamit sa mga sistema ng kompyuter na naglalaro ng mga larong pantabla(board games).

Bago!!: Estruktura ng datos at Bitboard · Tumingin ng iba pang »

Dalawang dulong queue

Sa agham pangkompyuter, ang isang dalawang dulong queue(double-ended queue, dequeue, na pinaikli sa deque) ay isang abstraktong tayp ng data na nag-iimplementa ng queue kung saan ang mga elemento ay maaari lamang idagdag o alisin mula sa harap(o ulo) o sa likod(o buntot).

Bago!!: Estruktura ng datos at Dalawang dulong queue · Tumingin ng iba pang »

Database

Ang database (literal na "base o 'kuta' ng mga dato") o talaan ay kalipunan ng mga dato o datos (data) na nakaayos upang madaling makuha, masuri at madagdagan.

Bago!!: Estruktura ng datos at Database · Tumingin ng iba pang »

Kompyuter

Ang kompyuter, ordenador o panuos (Ingles: computer) ay isang kagamitang elektronikon at digital (tambilangan) kung saan dinisenyo upang kusang magkompyut ng mga pangkat ng aritmetika at operasyong lohiko.

Bago!!: Estruktura ng datos at Kompyuter · Tumingin ng iba pang »

Listahang pinagdugtong

Sa agham pangkompyuter, ang listahang pinagdugtong (linked list) ay isang estruktura ng datos na binubuo ng isang pangkat ng mga nodo (node) na sama-samang kumakatawan sa isang sekwensiya (sequence o sunod sunod na bagay).

Bago!!: Estruktura ng datos at Listahang pinagdugtong · Tumingin ng iba pang »

Mapang bidireksiyonal

Sa agham pangkompyuter, ang mapang bidireksiyonal(bidirectional map) ay isang asosiyatibong array kung saan ang parehong mga tayp ay maaaring magamit na susi(key).

Bago!!: Estruktura ng datos at Mapang bidireksiyonal · Tumingin ng iba pang »

Memorya

Ang memorya (Ingles: memory) ay maaaring tumukoy sa.

Bago!!: Estruktura ng datos at Memorya · Tumingin ng iba pang »

Multimap

Ang multimap o multihash ay isang henerelisasyon ng isang mapa o asosiyatibong array na abstraktong tayp ng data kung saan ang higit sa isang halaga ay maaaring iugnay o ibalik para sa isang ibinigay na susi.

Bago!!: Estruktura ng datos at Multimap · Tumingin ng iba pang »

Pangkat (tipo ng abstraktong datos)

Sa agham pangkompyuter, ang isang pangkat(set) ay isang tipo ng abstraktong datos na maaaring mag-imbak(store) ng mga tiyak na halaga ng walang partikular na pagkakasunod(order) at walang umuulit na mga halaga.

Bago!!: Estruktura ng datos at Pangkat (tipo ng abstraktong datos) · Tumingin ng iba pang »

Puno (estruktura ng datos)

Sa agham pangkompyuter, ang isang puno(tree) ay isang malawak na ginagamit na estruktura ng datos na gumagaya sa isang hierarkikal na estruktura ng puno na may isang hanay na pinagdugtong na mga nodo.

Bago!!: Estruktura ng datos at Puno (estruktura ng datos) · Tumingin ng iba pang »

Queue (istraktura ng data)

Sa agham pangkompyuter, ang queue ay isang istraktura ng data kung saan ang mga elemento ay nakaayos ng sunod sunod at sumusunod sa konsepto ng First in, First out (FIFO).

Bago!!: Estruktura ng datos at Queue (istraktura ng data) · Tumingin ng iba pang »

Software

Kompyuter software, o kahit software lamang ay pangkat ng mga utos na nababasa ng makinang nangangasiwa sa processor ng kompyuter para gumawa ng mga tiyak na operasyon.

Bago!!: Estruktura ng datos at Software · Tumingin ng iba pang »

Stack (agham pangkompyuter)

Sa agham pangkompyuter, ang stack (patong) ay isang abstract data type na ginagamit sa maraming problema tulad ng paggawa ng listahan, pag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng trabaho na gagawin ng isang kompyuter, at iba pa.

Bago!!: Estruktura ng datos at Stack (agham pangkompyuter) · Tumingin ng iba pang »

String (agham pangkompyuter)

Sa mga pormal na wika na ginagamit sa matematikal na lohika at teoretikal na agham pangkompyuter, ang isang string(tali) ay tumutukoy sa isang may hangganang sekwensiya ng mga simbol na pinipili mula sa isang pangkat o alpabeto.

Bago!!: Estruktura ng datos at String (agham pangkompyuter) · Tumingin ng iba pang »

Tablang hash

Sa '''''agham pangkompyuter''''', ang tablang hash(hash table o hash map) ay isang estruktura ng datos na gumagamit ng punsiyong hash upang imapa ang tumutukoy na mga halaga na tinatawag na susi(key) sa mga kaugnay nitong mga halaga.

Bago!!: Estruktura ng datos at Tablang hash · Tumingin ng iba pang »

Teorya ng grap

Guhit ng isang grap Sa matematika at agham pangkompyuter, ang teoriya ng grap (Ingles: graph theory) ay ang pag-aaral ng grap (graph): mga istruktura na ginagamit sa paggawa ng modelo ng mga relasyong pangmagkapares sa pagitan ng mga bagay na nasa isang koleksiyon.

Bago!!: Estruktura ng datos at Teorya ng grap · Tumingin ng iba pang »

Wikang pamprograma

C. na may mga komento sa wikang Ingles. Kapag ito ay kinompayl at pinatakbo, lalabas sa iskrin ang "''Hello, world!''" Ang wikang pamprograma (Ingles: programming language) ay isang pormal na wikang naglalaman ng mga tagubilin (instructions) na kayang magpalabas ng samu't saring output.

Bago!!: Estruktura ng datos at Wikang pamprograma · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Data structure, Istraktura ng data.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »