Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
I-install
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Artaxerxes I ng Persia

Index Artaxerxes I ng Persia

Si Artaxerxes I (اردشیر یکم., 𐎠𐎼𐎫𐎧𐏁𐏂𐎠, "whose rule (xšaça < *xšaϑram) is through arta (truth)") ang ikalimang Hari ng mga Hari ng Persia mula 465 BCE hanggang 424 BCE.

12 relasyon: Argos, Atenas, Babilonya, Delos, Gresya, Herodotus, Imperyong Akemenida, Paraon, Persiya, Themistocles, Xerxes I ng Persia, Xerxes II ng Persia.

Argos

Ang Argos (Wikang Griyego: Ἄργος, Árgos) ay isang siyudad at dating munisipalidad sa Argolis sa Peloponnese, Gresya.

Bago!!: Artaxerxes I ng Persia at Argos · Tumingin ng iba pang »

Atenas

Ang Atenas (Griyego: Αθήνα, Athína; Ingles: Athens) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Gresya.

Bago!!: Artaxerxes I ng Persia at Atenas · Tumingin ng iba pang »

Babilonya

Ang Babilonya (Ingles: Babylonia) (Bābili or Babilim; Arameo: בבל, Babel, בָּבֶל, Bavel, بابل, Bābil) ay isang makasaysayang estadong lungsod na naging imperyo sa Gitnang Silangan.

Bago!!: Artaxerxes I ng Persia at Babilonya · Tumingin ng iba pang »

Delos

Ang isla ng Delos (Δήλος,; Attic Δῆλος, Doric Δᾶλος), malapit sa Mykonos na malapit sa sentro ng kapuluang Cyclades ang isa sa pinakamahalagang mga lugar na mitolohikal, historikal at arkeolohikal ng Gresya.

Bago!!: Artaxerxes I ng Persia at Delos · Tumingin ng iba pang »

Gresya

Ang Gresya (Ελλάδα, tr.), opisyal na Republikang Heleniko, ay nagbabahagi ng mga hangganan ng lupa sa Albania sa hilagang-kanluran, North Macedonia at Bulgaria sa hilaga, at Turkey sa silangan.

Bago!!: Artaxerxes I ng Persia at Gresya · Tumingin ng iba pang »

Herodotus

Si Herodotus ng Halicarnassus ay isang mananalaysay na Griyego na namuhay noong ika-5 dantaong BC at itinuring ni Cicero bilang "Ama ng Kasaysayan." Siya rin ang itinuturing bilang "Unang Mananalaysay ng Mundo." Kinikilala si Herodotus bilang manunulat ng The Histories, kung saan inilahad niya ang paglawak ng Imperyong Persa (Persian) sa ilalim nina Cyrus na Dakila, Cambyses, at Darius na Dakila, at maging ang pananalakay ni Xerxes noong 480 BC na nagtapos sa mga digmaan sa Salamis, Plataea, at Mycale.

Bago!!: Artaxerxes I ng Persia at Herodotus · Tumingin ng iba pang »

Imperyong Akemenida

Ang Imperyong Akemenida o Achaemenida Empire (mula sa Lumang Persiyano na Haxāmanišiya), tinatawag ding Ang Unang Imperyong Persiyano, ay isang imperyo sa Kanlurang Asya, na itinatag ni Cirong Dakila. Sa pinakadakilang lawak nito na ang lawak ay mula sa Balkan hanggang sa Lambak ng Indus, ay naging isa ito sa mga pinakamalalaking imperyo sa kasaysayan, na sumasaklaw sa 5.5 milyon na kilometrong parisukat, at noon ay naging mas malaki kaysa sa alin mang nakaraang imperyo sa kasaysayan. Bantog ito sa matagumpay na modelo ng isang sentralisadong, pangangasiwang burukratiko (sa pamamagitan ng mga satrapa sa ilalim ng Hari ng mga Hari), sa mga pagtayo ng imprastruktura tulad ng mga sistema ng kalsada at isang sistema ng koreo at sa paggamit ng isang opisyal na wika sa kabuuan ng mga teritoryo nito at sa isang malaking propesyonal na hukbo at sa mga serbisyong sibil, na nagpasigla sa mga katulad na sistema sa mga sumunod na imperyo.Schmitt Achaemenid dynasty (i. The clan and dynasty) Kilala ito sa Kanluraning kasaysayan bilang ang katunggali ng mga Griyegong lungsod-estado sa panahon ng mga Digmaang Griyego-Persiyano at sa pagpapalaya ng mga Hudyong tapon sa Babilonya. Ang Mausoleo sa Halicarnassus, na isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig, ay itinayo sa isang Helenistikong estilo sa imperyo. Nang ika-7 siglo BCE, ang mga Persiyano ay namuhay sa timog-kanluraning bahagi ng Iranyang Talampas sa rehiyon ng Persis, na naging kanilang sentro. Mula sa rehiyong ito, sumulong si Cirong Dakila upang talunin ang mga Medo, ang Lydia, at ang Imperyong Neo-Babilonyo, itinatatag ang Imperyong Akemenida. Ang delegasyon ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan ay inaakala na kalaunan ay nagpahina sa kapamahalaan ng hari, na nagsanhi sa paggasta sa mga pag-aaring yaman sa mga pagtatangka upang supilin ang mga lokal na paghihimagsik, at humantong sa kawalan ng pagkakaisa ng mga rehiyon sa panahon ng pagsalakay ni Dakilang Alejandro noong 334 BCE. Ang palagay na ito, gayun pa man, ay hinahamon ng ilang mga modernong iskolar na nakikipagtaltalan na ang Imperyong Akemenida ay hindi humarap sa anumang naturang krisis sa panahon ni Alejandro, na mga panloob na paghalili na pakikibaka sa loob ng pamilyang Akemenida lamang ang kailan man lumapit sa pagpapahina ng imperyo. Si Alejandro, na malaking tagahanga ni Cirong Dakila, ay kalaunang sumakop sa imperyo sa kabuuan nito noong 330 BCE. Sa kanyang kamatayan, ang karamihan sa dating teritoryo noong imperyo ay sumailalim sa pamamahala ng Kahariang Ptolemaiko at Imperyong Seleucid, bilang karagdagan sa iba pang mga menor na mga teritoryo na nakakamit ng pagsasarili sa panahong iyon. Kalaunan ay makakabawi ng kapangyarihan yaong Persiyanong populasyon sa gitnang talampas sa ikalawang siglo BCE sa ilalim ng Imperyong Parto. Ang makasaysayang tanda ng Imperyong Akemenida ay hindi lamang humangga sa teritoryal at militar na impluwensya nito kundi pati din sa impluwensyang kultura, panlipunan, teknolohikal at relihiyon. Maraming mga Ateniense ang tumaglay ng mga kaugaliang Akemenida sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa isang pagpapalitan ng impluwensiya ng kultura, na ang ilan ay inimpleyado ng, o nakaalyado sa mga hari ng Persiya.

Bago!!: Artaxerxes I ng Persia at Imperyong Akemenida · Tumingin ng iba pang »

Paraon

Ang Paraon (Ingles: Pharaoh) (Wikang Ehipsiyo: pr ꜥꜣ; ⲡⲣ̅ⲣⲟ|Pǝrro; Biblical Hebrew: Părʿō) ay pamagat na ginammit sa mga hari o monarko ng Sinaunang Ehipto mula sa Unang dinastiya ng Ehipto (c. 3150 BCE) hanggang sa pagsunggab sa teritoryo ng Sinaunang Ehipto ng Imperyong Romano.

Bago!!: Artaxerxes I ng Persia at Paraon · Tumingin ng iba pang »

Persiya

Ang pangalang Persiya ay maaaring tumukoy.

Bago!!: Artaxerxes I ng Persia at Persiya · Tumingin ng iba pang »

Themistocles

Si Themistoklís (sulat Griyego: Θεμιστοκλής; Latin: Themistocles) (ca. 525 BCE–460 BCE) ay isang pinuno ng demokratikong Athína noong Digmaang Persian.

Bago!!: Artaxerxes I ng Persia at Themistocles · Tumingin ng iba pang »

Xerxes I ng Persia

Si Xerxes o Asuero (Persa (Persian): Khshayarsha; Ebreo: אֲחַשְׁוֵרוֹשׁ, Ahashwerosh) (c. 519 - 465 BC), kilala din bilang Jerjes I ng Persiya (Asuero I ng Persiya) at Asuero ang Dakila o (Ingles: Xerxes the Great), ay isang pinunong Persa (Persian).

Bago!!: Artaxerxes I ng Persia at Xerxes I ng Persia · Tumingin ng iba pang »

Xerxes II ng Persia

Si Xerxes II (Persian: خشايارشا دوم‎,IPA:/ˈzəːksiːz/ - Xšayāršā) ang haring Persa (Persian) at anak at kahalili sa trono ni Artaxerxes I. Pagkatapos ng isang paghahari ng 45 draw, siya ay pinaslang noong 424 BCE ng kanyang kapatid na lalakeng si Sogdianus na pinaslang naman ni Dario II.

Bago!!: Artaxerxes I ng Persia at Xerxes II ng Persia · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Artaxerxes I of Persia.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »