Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
Libre
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Kasulatang panrelihiyon

Index Kasulatang panrelihiyon

Ang kasulatan ay ang pangungusap o pahayag na may bisa o epekto.

4 relasyon: Dhaka, Mundhum, Panitikan ng Pilipinas sa Espanyol, Wikang Tsino.

Dhaka

Ang Dhaka (Ḍhākā, o), dating Dacca) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansang Bangladesh., pahina 373. Ito ang ikasiyam na pinakamalaki at ikapito sa pinaka siksik na lungsod sa buong mundo. Ang Dhaka ay isang megalungsod, na may isang populasyon ng 10.2 milyong residente noong 2022, at isang populasyon ng mahigit 22.4 milyong residente nasa Malawakang Dhaka (বৃহত্তর ঢাকা). Ito ay malawak na itinuturing na ang pinaka siksik na binuo na pook na urbano sa mundo. Ang Dhaka ay ang pinakamahalagang kultural, pang ekonomiya, at pang agham na hub ng Silangang Timog Asya, pati na rin ang isang pangunahing lungsod na may mayoryang Muslim. Ang Dhaka ay nasa ikatlong puwesto sa Timog Asya at ika 39 sa buong mundo sa mga tuntunin ng KDP. Nasa Delta ng Ganges, ito ay nakatali sa pamamagitan ng mga ilog Buriganga, Turag, Dhaleshwari at Shitalakshya. Ang Dhaka ay din ang pinakamalaking lungsod na nagsasalita ng Bengali sa buong mundo. Ang lugar ng Dhaka ay naninirahan mula noong unang milenyo. Ang isang maagang modernong lungsod ay umunlad mula sa ika-17 na siglo bilang isang kabisera ng lalawigan at sentro ng komersyo ng Imperyong Mughal. Ang Dhaka ay ang kabisera ng isang proto-industriyalisadong Mughal na Bengal sa loob ng 75 taon (1608–39 at 1660–1704). Ito ay sentro ng kalakalan ng muslin sa Bengal at isa sa mga pinakamaunlad na lungsod sa mundo. Ang Mughal na lungsod ay tinawag Jahangirnagar (Ang Lungsod ng Jahangir) sa karangalan ng dating naghaharing emperador Jahangir. Ang kaluwalhatian ng pre-kolonyal na lungsod ay pinakamataas noong ika-17 at ika-18 na siglo nang ito ay tahanan ng mga mangangalakal mula sa buong Eurasya. Ang Pantalan ng Dhaka ay isang pangunahing sentro ng kalakalan, pareho sa ilog at sa dagat. Nagpalamuti ang mga Mughal ng lungsod ng maayos na inilatag na mga hardin, puntod, moske, palasyo, at kuta. Ang lungsod ay dating tinawag na Venecia ng Silangan. Sa ilalim ng Britanikong Raj, nakita ng lungsod ang pagpapakilala ng kuryente, mga riles, sinehan, unibersidad at kolehiyo na Kanluraning estilo, at isang modernong suplay ng tubig. Ito ay naging isang mahalagang sentro ng pangangasiwa at edukasyon sa Britanikong Raj, bilang kabisera ng lalawigan ng Silangang Bengal at Assam pagkatapos ng 1905. Noong 1947, pagkatapos ng wakas ng Britanikong paghahari, ang lungsod ay naging administratibong kabisera ng Silangang Pakistan. Idineklara itong lehislatibong kabisera ng Pakistan noong 1962. Noong 1971, pagkatapos ng Digmaang Pagpapalaya (মুক্তিযুদ্ধ), ito ay naging kabisera ng malayang Bangladesh. Noong 2008, ipinagdiwang ng Dhaka ang 400 taon bilang isang munisipal na lungsod. Isang beta-lungsod pandaigdig, ang Dhaka ay sentro ng pampulitika, pang-ekonomiya at pangkulturang buhay sa Bangladesh. Ito ang upuan ng Pamahalaan ng Bangladesh, maraming mga kumpanya ng Bangladesh, at nangungunang mga organisasyong pang-edukasyon, pang-agham, pampananaliksik, at pangkultura ng Bangladesh. Mula nang kaniyang itatag bilang isang modernong kabisera ng lungsod, ang populasyon, lugar at pagkakaiba-iba ng lipunan at ekonomiya ng Dhaka ay lumago nang husto. Ang lungsod ay ngayon isa sa pinakasiksik na industriyalisadong mga rehiyon sa bansa. Ibinibigay ng lungsod ang 35% ng ekonomiya ng Bangladesh. Ang Dhaka ay nagho-host ng higit sa 50 misyong diplomatiko pati na rin ng punong tanggapan ng BIMSTEC, CIRDAP, at International Jute Study Group. Ang Dhaka ay may napakasikat na pamanang panluto. Ang kultura ng lungsod ay kilala sa kaniyang mga rickshaw, biryani, pistang pansining, at pagkakaiba-iba ng relihiyon. Ang lumang lungsod ay tahanan sa mga 2000 gusali mula sa mga panahong Mughal at Britaniko. Mula noong 1947, nakita ng lungsod ang makabuluhang paglago sa industriya ng paglalathala nito, kabilang ang paglitaw ng isang maunlad na midyang pangmasa. Sa panitikang Bengali, ang pamana ni Dhaka ay nasalamin sa mga akda nina Humayun Ahmed, Salimullah Khan, Farhad Mazhar, Akhteruzzaman Elias at iba pang mga manunulat na Bangladeshi.

Bago!!: Kasulatang panrelihiyon at Dhaka · Tumingin ng iba pang »

Mundhum

Limbu Ang Munndhum (kilala rin bilang Peylan) ay ang sinaunang relihiyosong kasulatan at panitikang-pambayan ng Limbu.

Bago!!: Kasulatang panrelihiyon at Mundhum · Tumingin ng iba pang »

Panitikan ng Pilipinas sa Espanyol

Panitikan ng Pilipinas sa Espanyol ay isang kalipunan ng panitikan na ginawa ng mga Pilipinong manunulat sa wikang Kastila.

Bago!!: Kasulatang panrelihiyon at Panitikan ng Pilipinas sa Espanyol · Tumingin ng iba pang »

Wikang Tsino

Ang wikang Tsino o Intsik (汉语/漢語, pinyin: Hànyǔ; 中文, pinyin: Zhōngwén) ay maaaring ituring bilang isang wika o pamilya ng wika at orihinal na katutubong wika ng mga Han sa Tsina.

Bago!!: Kasulatang panrelihiyon at Wikang Tsino · Tumingin ng iba pang »

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »