Nagtatrabaho kami upang maibalik ang application ng Unionpedia sa Google Play Store
OutgoingPapasok
🌟Pinadali namin ang aming disenyo para sa mas mahusay na nabigasyon!
Instagram Facebook X LinkedIn

Ukranya

Index Ukranya

Ang Ukranya (Ukranyo: Україна, tr. Ukraïna) ay bansa sa Silangang Europa.

Talaan ng Nilalaman

  1. 46 relasyon: Alemanyang Nazi, Awtonomong Republika ng Crimea, Bangkong Pandaigdig, Biyelorusya, Dagat Itim, Demokrasya, Denys Shmyhal, Derzhavnyi Himn Ukrainy, Digmaan sa Donbas, Ekonomiyang pampamilihan, Estadong unitaryo, Europa, Hiribniya ng Ukranya, Holokausto, Hungriya, Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Imperyo ng Austria, Imperyong Otomano, Imperyong Ruso, Kabuuang domestikong produkto, Kapantayan ng lakas ng pagbili, Kasarinlan, Konseho ng Europa, Kyiv, Moldabya, Nagkakaisang Bansa, Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko, Pandaigdigang Organisasyon ng Pangangalakal, Pandaigdigang Pondong Pananalapi, Pangulo ng Ukranya, Polonya, Punong Ministro ng Ukranya, Republika, Romania, Rusya, Silangang Europa, Simbahang Ortodokso ng Silangan, Sistemang semi-presidensyal, Slovakia, Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Ukranya, Tala ng mga Internet top-level domain, Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao, Unyong Europeo, Unyong Sobyetiko, Volodymyr Zelenskyy, Wikang Ukranyo.

Alemanyang Nazi

Ang Alemanyang Nazi (Aleman: Nazideutschland), kilala rin bilang Ikatlong Reich (Aleman: Drittes Reich) ngunit opisyal na tinawag na Alemang Reich (Aleman: Deutsches Reich), mula 1933 hanggang 1943 at Dakilang Alemang Reich (Aleman: Großdeutsches Reich), mula 26 Hunyo 1943, pasulong ang pangalawang karaniwang ginagamit upang tukuyin ang Alemanya mula 1933 hanggang 1945 nang ito ay isang totalitaryan na diktadurya na pinamunuan ni Adolf Hitler at ng kanyang Partidong Nazi.

Tingnan Ukranya at Alemanyang Nazi

Awtonomong Republika ng Crimea

right Ang Crimea o ang Awtonomong Republika ng Crimea (Ingles: Autonomous Republic of Crimea), ay isang awtonomong republika ng Ukraine na makikita sa hilagang bahagi ng Dagat Itim, at pinamumunuan ang isang tangway na kapareho ang pangalan.

Tingnan Ukranya at Awtonomong Republika ng Crimea

Bangkong Pandaigdig

Ang logo ng World Bank Ang World Bank ("Bangkong Pandaigdigan"), ay isang sabansaang bangko na nagbibigay ng tulong pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran (tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, atbp.) na may layunin ng pagbababa ng kahirapan.

Tingnan Ukranya at Bangkong Pandaigdig

Biyelorusya

Ang Biyelorusya (Biyeloruso: Беларусь, tr. Bielaruś), opisyal na Republika ng Belarus, ay bansang walang pampang sa Silangang Europa.

Tingnan Ukranya at Biyelorusya

Dagat Itim

Isang mapa ng Dagat Itim na gawa ng NASA Ang Dagat Itim (Black Sea) ay isang dagat na napalilibutan o nakapaloob sa lupa na napaliligiran ng Timog-silangang Europa, ang Caucasus ang Tangway ng Anatolia (Turkey) at nakarugtong sa Karagatang Atlantiko sa pamamagitan ng Dagat Mediteranyo,Dagat Egeo at iba't ibang kipot.

Tingnan Ukranya at Dagat Itim

Demokrasya

Ang demokrasya (δημοκρατία, dēmokratiā, mula sa dēmos 'mga tao' at kratos 'pamamahalaan') ay isang uri ng pamamahala kung saan may awtoridad ang mga tao upang piliin ang kanilang namamahalang lehislasyon.

Tingnan Ukranya at Demokrasya

Denys Shmyhal

Si Denys Anatoliyovych Shmyhal (ipinanganak noong Oktubre 15, 1975) ay isang Ukranyong politiko at negosyante na kasalukuyang nagsisilbi bilang Punong Ministro ng Ukranya mula noong 2020.

Tingnan Ukranya at Denys Shmyhal

Derzhavnyi Himn Ukrainy

Ang Derzhavnyi Himn Ukrainy ay ang pambansang awit ng Ukranya.

Tingnan Ukranya at Derzhavnyi Himn Ukrainy

Digmaan sa Donbas

Ang Digmaan sa Donbas ay isang digmaan na kasalukuyang nangyayari sa rehiyon ng Donbass sa Ukraine.

Tingnan Ukranya at Digmaan sa Donbas

Ekonomiyang pampamilihan

Ang pampamilihang ekonomiya ay isang ekonomiya na kung saan ang mga pasya ukol sa pamumuhunan, produksyon, at distribusyon ay batay sa panustos at kailangan (supply and demand), at ang presyo ng mga produkto at serbisyo ay nalalaman sa malayang sistema ng halaga.

Tingnan Ukranya at Ekonomiyang pampamilihan

Estadong unitaryo

Ang unitaryong estado ay isang estado na pinamamahalaan bilang isang entidad kung saan ang pamahalaang sentral ang pinakamataas.

Tingnan Ukranya at Estadong unitaryo

Europa

Ang Europa ay isa sa pitong kontinente ng daigdig.

Tingnan Ukranya at Europa

Hiribniya ng Ukranya

Ang Ukranyanong hiribniya o gribniya ng Ukranya (Ingles: hryvnia, hryvnya, hryvna o hrivna; гривня,; sagisag: ₴, kodigo: UAH), ay ang pambansang pananalapi o salapi ng Ukranya mula pa noong Setyembre 2, 1996.

Tingnan Ukranya at Hiribniya ng Ukranya

Holokausto

Ang Holokausto (mula sa Griyego: ὁλόκαυστον (holókauston): holos, "buong-buo" at kaustos, "nasunog", bilang salin sa Hebreong: עולה, ola, "handog na susunugin", sa Septuwahinta), at tinatawag ding Sho'a (Ebreo: שואה), Khurben (Yidish: חורבן) ay isang pangkalahatang tawag sa paglalarawan ng kaparaanang pagpaslang sa mahigit-kumulang anim na milyong Europeong Hudyo noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bilang bahagi ng paluntunan na binalak at tinupad ng pamumunong Nazi sa Alemanya, na pinamumunuan noon ni Adolf Hitler.

Tingnan Ukranya at Holokausto

Hungriya

Ang Hungriya (Magyarország) ay bansang walang pampang sa Gitnang Europa.

Tingnan Ukranya at Hungriya

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanán na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939.

Tingnan Ukranya at Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Imperyo ng Austria

Ang Imperyong Austriaco (modernong baybay) ay isang Gitna-Silangang Europeong multinasyonal na dakilang kapangyarihan mula 1804 hanggang 1867, na nilikha sa pamamagitan ng proklamasyon sa labas ng mga kaharian ng mga Habsburgo.

Tingnan Ukranya at Imperyo ng Austria

Imperyong Otomano

Ang Imperyong Otomano (Turkong Otomano: دولت عالیه عثمانیه Devlet-i Âliye-yi Osmâniyye) ay Muslim na estado sa Turkiya na nagtagal mula noong ika-13 siglo hanggang noong ika-20 siglo.

Tingnan Ukranya at Imperyong Otomano

Imperyong Ruso

Ang Imperyong Ruso (Lumang ortograpiyang Ruso: Россійская Имперія, Modernong Ruso: Российская империя, Rossiyskaya Imperiya) ay isang estadong umiral mula 1721 hanggang ito'y patalsikin ng isang panandaliang liberal na himagsikan noong Pebrero 1917.

Tingnan Ukranya at Imperyong Ruso

Kabuuang domestikong produkto

Ang kabuuang domestikong produkto (Ingles: gross domestic product o GDP) ang halagang pamilihan ng lahat ng pantungkuling kinikilalang huling mga kalakal at paglilingkod na nilikha sa loob ng isang bansa sa isang takdang panahon.

Tingnan Ukranya at Kabuuang domestikong produkto

Kapantayan ng lakas ng pagbili

PPP ng GDP ukol sa mga bansa sa daigdig (2003). Ang Estados Unidos ay ang batayang bansa, kaya ito'y nasa 100. Ang pinakamataas na halagang indeks, sa Bermuda, ay 154, kaya mas mahal ang mga bilihin nang 54% sa Bermuda kaysa sa Estados Unidos. Ang pagkakatulad ng lakas ng pagbili o pagkakatulad ng kapangyarihang bumili (Inggles: purchasing power parity o PPP) ay teoriya na gumagamit ng mahabang-terminong timbang ng halaga ng palitan (exchange rate) sa dalawang pananalapi upang ipantay ang kanilang lakas ng pagbili.

Tingnan Ukranya at Kapantayan ng lakas ng pagbili

Kasarinlan

Mga balangkas-kalatas ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas, sulat ni Ambrosio Rianzares Bautista na ipinapahayag ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya, at opisyal na pinagtibay ni Heneral Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898. Ang kasarinlan ay isang katayuan o kalagayan ng isang tao, bansa, bayan, o estado kung saan ang mga naninirahan at mamamayan, o ilang bahagi nito, ay nagpapamalas ng pamamahala sa sarili, at kapangyarihan sa nasasakupang teritoryo nito.

Tingnan Ukranya at Kasarinlan

Konseho ng Europa

Ang Konseho ng Europa (Ingles: Council of Europe (CoE); Pranses: Conseil de l'Europe) ay isang internasyonal na organisasyon na nakatutok sa pagtataguyod ng karapatang pantao, demokrasya at ang panuntunan ng batas sa Europa.

Tingnan Ukranya at Konseho ng Europa

Kyiv

Ang Kyiv o Kiev ay ang kabisera at panguanhing lungsod ng bansang Ukranya.

Tingnan Ukranya at Kyiv

Moldabya

Ang Moldabya (Rumano: Republica Moldova), opisyal na Republika ng Moldabya, ay bansang sin litoral sa Silangang Europa.

Tingnan Ukranya at Moldabya

Nagkakaisang Bansa

Ang Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa (Kastila: Organización de las Naciones Unidas), payak na kilala bilang mga Nagkakaisang Bansa (Ingles: United Nations), at dinadaglat bilang KNB (Kastila: ONU; Ingles: UN), ay ang pinakamalaking katatágang intergubernamental sa mundo.

Tingnan Ukranya at Nagkakaisang Bansa

Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko

Ang Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko, kilala sa Ingles bilang North Atlantic Treaty Organisation (NATO, binibigkas sa Ingles bilang /ney-tow/)), at kilala rin bilang Alyansang Atlantiko (o Atlantic Alliance sa Ingles), o Alyansang Kanluranin (Western Alliance sa Ingles), ay isang organisasyong internasyunal o samahang pandaigdigan (kapisanang pandaigdigan) para sa kapayapaan at pagtatanggol na nalunsad noong 1949, mula sa Tratado ng Hilagang Atlantiko (North Atlantic Treaty) na nilagdaan sa Washington, D.C., Estados Unidos noong 4 Abril 1949.

Tingnan Ukranya at Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko

Pandaigdigang Organisasyon ng Pangangalakal

Ang World Trade Organization o WTO (sa Filipino: Organisasyon ng Pandaigdigang Kalakalan, Organisation mondiale du commerce o OMC, Organización Mundial del Comercio o OMC), ay isang organisasyong pansabansaan na nilikha upang mapamanihalaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal.

Tingnan Ukranya at Pandaigdigang Organisasyon ng Pangangalakal

Pandaigdigang Pondong Pananalapi

Punong-tanggapan ng Pandaigdigang Pondong Pananalapi Ang Pandaigdigang Pondong Pananalapi (International Monetary Fund; IMF)ay isang pandaigdigang institusyong pampananalapi at ahensya ng mga Nagkakaisang Bansa na binubuo ng 190 bansa at nakabatay sa punong-tanggapan nito sa Washington, D.C., Estados Unidos.

Tingnan Ukranya at Pandaigdigang Pondong Pananalapi

Pangulo ng Ukranya

Ang pangulo ng Ukranya (Prezydent Ukrainy) ay ang pinuno ng estado ng Ukraine.

Tingnan Ukranya at Pangulo ng Ukranya

Polonya

Ang Polonya (Polako: Polska), opisyal na Republika ng Polonya, ay bansang matatagpuan sa Gitnang Europa.

Tingnan Ukranya at Polonya

Punong Ministro ng Ukranya

Ang Punong Ministro ng Ukranya (Прем'єр-міністр України, Prem'ier-ministr Ukrayiny) ang pinuno ng pamahalaan ng Ukraine na nangunguna sa Kapulungan ng mga Ministro ng Ukraine, na siyang pinakamataas na lupon ng sangay na ehekutibo ng Pamahalaan ng Ukraine.

Tingnan Ukranya at Punong Ministro ng Ukranya

Republika

Sa malawak na kahulugan, ang isang republika (mula sa Lating rēspūblica, mula sa mas maagang rēs pūblica) ay isang bansa na nakabatay ang samahang pampolitika sa mga tuntunin na ang mga mamamayan o taga-halal ang bumubuo ng pinakamataas na ugat ng pagiging marapat at nagsasarili.

Tingnan Ukranya at Republika

Romania

Ang Romania ay isang bansa sa Timog-silangang Europa at ang mga kalapit bansa nito ay ang Ukraine, Moldova, Hungary at mga bansang Serbia at Bulgaria, ang ilang bahagi rin ng bansang ito ay nasa paligid ng Dagat Itim at ang Kabundukang Carpatos.

Tingnan Ukranya at Romania

Rusya

Ang Rusya (Россия, tr.), opisyal na Pederasyong Ruso, ay bansang transkontinental na umaabot mula Silangang Europa hanggang Hilagang Asya.

Tingnan Ukranya at Rusya

Silangang Europa

Isang pag-render ng kompyuter ng Silangang Europa Ang Silangang Europa ay ang silangang bahagi ng kontinente ng Europa.

Tingnan Ukranya at Silangang Europa

Simbahang Ortodokso ng Silangan

Ang Simbahang Ortodokso ng Silangan (Ingles: Eastern Orthodox Church) na opisyal na tinatawag na Simbahang Katolikong Ortodokso (Ingles: Orthodox Catholic Church at karaniwang tinutukoy bilang Simbahang Ortodokso (Ingles: Orthodox Church), ang ikalawang pinakamalaking simbahan o Iglesiang Kristiyano sa buong mundo na may tinatayang 300 milyong mga deboto na ang pangunahing mga bansa ay ang Belarus, Bulgaria, Cyprus, Georgia, Greece, Macedonia, Moldova, Montenegro, Romania, Russia, Serbia, at Ukraine na ang lahat pangunahing Silangang Ortodokso.

Tingnan Ukranya at Simbahang Ortodokso ng Silangan

Sistemang semi-presidensyal

Ang pamahalaang pamamaraang semi-presidensyal, pamamaraang kalahati-pampanguluhan o sistemang kalahi-pampanguluhan ay isang pamahalaan kung saan ang isang pangulo kasama umiiral ang punong ministro at gabinete na kung saan nananagot sa lehislatura ng isang estado.Naiiba ito sa republika pamamaraang parlamentaryo o parliamentary republic system kung saan ang pinuno ng estado ay higit pa sa talinghaga seremonyal, at naiiba rin sa pamamaraang pampanguluhan o sistemang presidensyal,na kung saan ang kasapi ng gabinete bagaman pinangalanan ng pangulo,ay nananagot sa lehislatura,kung saan mapilitan ang kasapi ng gabinete upang magbitiw sa mosyon ng kawalang tiwala.

Tingnan Ukranya at Sistemang semi-presidensyal

Slovakia

Ang Eslobakya (Slovensko), opisyal na Republikang Eslobako, ay bansang walang pampang sa Gitnang Europa.

Tingnan Ukranya at Slovakia

Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Ukranya

Ang Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Ukranya, dinadaglat na SSR ng Ukranya, at payak na kinikilala bilang Sobyetikong Ukranya (Радянська Україна), ay estadong sosyalista at republikang kasapi ng Unyong Sobyetiko.

Tingnan Ukranya at Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Ukranya

Tala ng mga Internet top-level domain

Ito ang tala ng mga kasalukuyang mga Internet Top-level domain (TLD).

Tingnan Ukranya at Tala ng mga Internet top-level domain

Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao

Ang Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao (Human Development Index, daglat: HDI) sa Ingles ay isang talatuntunan o indeks na ginagamit upang sukatin o iranggo ang mga bansa ayon sa antas ng kaunlarang panlipunan at ekonomiya ng isang bansa at karaniwang nagpapahiwatig kung ang isang bansa ay maunlad, umuunlad, o kulang sa pag-unlad.

Tingnan Ukranya at Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao

Unyong Europeo

Ang Unyong Europeo (UE), na kilala rin bilang Samahang Europeo o Kaisahang Europeo (European Union o EU) ay isang supranasyonal at intergubernamental na unyon ng 28 malaya at demokratikong bansang-kasapi.

Tingnan Ukranya at Unyong Europeo

Unyong Sobyetiko

Ang Unyong Sobyetiko (Советский Союз, tr.), opisyal na Unyon ng mga Sobyetikong Sosyalistang Republika, at karaniwang dinadaglat na USSR, ay estadong komunista at bansang transkontinental na sumaklaw sa karamihan ng Eurasya sa panahon ng pag-iral nito mula 1922 hanggang 1991.

Tingnan Ukranya at Unyong Sobyetiko

Volodymyr Zelenskyy

Si Volodymyr Zelenskyy (ipinanganak 25 Enero 1976) ay isang Ukranyong politiko, aktor, komedyante, at direktor na naging pangulo ng Ukranya mula 2019.

Tingnan Ukranya at Volodymyr Zelenskyy

Wikang Ukranyo

Ang wikang Ukranyano ay ang wikang sinasalita ng mga tao sa bansang Ukranya na nanggaling sa wika ng Silangang Islabikong subgrupo o kabahaging pangkat ng lengguwaheng Islabiko.

Tingnan Ukranya at Wikang Ukranyo

Kilala bilang Moshchena, Odessa, Ukraina, Ukraine, Ukrainian, Ukrania, Ukraniya, Ukrano, Ukranyano, Ukrayina, Ukrayna, Yukrania, Yukraniya, Yukranya, Yukrayna, Yukreyn, Україна.