Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
I-download ang
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Israel Finkelstein

Index Israel Finkelstein

Si Israel Finkelstein (kapanganakan: 1949) ay isang Israeling arkeologo at akademiko.

11 relasyon: Aklat ni Josue, Bibliya, David, Gitnang Silangan, Herusalem, Israel, Panahon ng Tanso, Panahong Bakal, Solomon, Talaan ng mga lungsod sa Israel, Tel Megiddo.

Aklat ni Josue

Ang Aklat ni Josue o Josue ay ang ikaanim na aklat ng Tanakh at ng Lumang Tipan ng Bibliya.

Bago!!: Israel Finkelstein at Aklat ni Josue · Tumingin ng iba pang »

Bibliya

Larawan ng binuklat na Bíbliyang Gutenberg, na nasa Aklatan ng Kongreso ng Estados Unidos. Ang Bibliya o Biblia (ang huli ay mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo.

Bago!!: Israel Finkelstein at Bibliya · Tumingin ng iba pang »

David

Si Haring David o David ben Yishay (Ebreo: דוד בן ישי) ay isa sa mga magigiting na hari ng Israel.

Bago!!: Israel Finkelstein at David · Tumingin ng iba pang »

Gitnang Silangan

Ang tradisyunal na Gitnang Silangan at Kalakhang Gitnang Silangan ng G8. Ang Gitnang Silangan ay isang rehiyong makasaysayan at pangkultura sa Aprika-Eurasya na tinuturing sa tradisyon bilang ang mga bansa o rehiyon ng Timog-kanlurang Asya kasama ang Ehipto.

Bago!!: Israel Finkelstein at Gitnang Silangan · Tumingin ng iba pang »

Herusalem

Ang Herusalem ay isang lungsod sa Gitnang Silangan, na matatagpuan sa talampas ng bulubundukin ng Hudea, sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Patay.

Bago!!: Israel Finkelstein at Herusalem · Tumingin ng iba pang »

Israel

Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל, Medīnat Yisrā'el; Arabiko: دَوْلَة إِسْرَائِيل, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan. Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga Israeli.

Bago!!: Israel Finkelstein at Israel · Tumingin ng iba pang »

Panahon ng Tanso

Muséum de Toulouse Ang Panahon ng Tanso, Panahong Kalkolitiko (mula sa Griyegong khalkos + lithos o "batong tanso"), kilala rin bilang Panahong Eneolitiko (Panahon ng bronse o tansong pula) o Panahon ng Kobre, ay isang yugto sa pag-unlad ng kalinangan ng tao, kung saan lumitaw ang paggamit ng sinaunang mga kasangkapang metal habang kasabayan ng mga kasangkapang gawa sa bato.

Bago!!: Israel Finkelstein at Panahon ng Tanso · Tumingin ng iba pang »

Panahong Bakal

Sa arkeolohiya, ang Panahon ng Bakal ay ang yugto ng kaunlaran ng sinumang tao na namamayani ang bakal sa pangunahing sangkap sa mga kagamitan at sandata.

Bago!!: Israel Finkelstein at Panahong Bakal · Tumingin ng iba pang »

Solomon

''Salomon'' ni Pedro Berruguete. Si Salomon o Solomon (Ebreo: Shlomo) ay, ayon sa Hebreong Bibliya ang hari ng Kaharian ng Israel (nagkakaisang monarkiya).Ayon sa Koran, isang propeta, anak ni Dawud (David) at kilala bilang Sulayman o Sulaiman.

Bago!!: Israel Finkelstein at Solomon · Tumingin ng iba pang »

Talaan ng mga lungsod sa Israel

Ang mga lungsod ng Israel sa talaang ito ay mga lungsod sa Israel, at mga pamayanang Israeli na may estadong lungsod (city status) sa okupadong West Bank; kasama sa Jerusalem ang okupadong Silangang Jerusalem.

Bago!!: Israel Finkelstein at Talaan ng mga lungsod sa Israel · Tumingin ng iba pang »

Tel Megiddo

Ang Tel Megiddo (תל מגידו; مجیدو, Tell el-Mutesellim, lit. "Mound of the Governor"; Μεγιδδώ, Megiddo) ang lugar ng sinaunang siyudad ng Megiddo na ang mga labi ay bumubuo sa isang tell (isang tambak na arkeolohikal).

Bago!!: Israel Finkelstein at Tel Megiddo · Tumingin ng iba pang »

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »