Nagtatrabaho kami upang maibalik ang application ng Unionpedia sa Google Play Store
🌟Pinadali namin ang aming disenyo para sa mas mahusay na nabigasyon!
Instagram Facebook X LinkedIn

Ika-8 dantaon BC at Israel

Mga shortcut: Pagkakaiba, Pagkakatulad, Jaccard Magkatulad koepisyent, Mga sanggunian.

Pagkakaiba sa pagitan ng Ika-8 dantaon BC at Israel

Ika-8 dantaon BC vs. Israel

Nagsimula ang ika-8 dantaon BC noong unang araw ng 800 BC at natapos noong huling araw ng 701 BC. Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל, Medīnat Yisrā'el; Arabiko: دَوْلَة إِسْرَائِيل, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan. Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga Israeli.

Pagkakatulad sa pagitan Ika-8 dantaon BC at Israel

Ika-8 dantaon BC at Israel ay may 7 mga bagay sa karaniwan (sa Unyonpedia): Dagat Mediteraneo, Ehipto, Ezekias, Imperyong Neo-Asirya, Kaharian ng Juda, Panahong Bakal, Paraon.

Dagat Mediteraneo

Isang imahe ng Dagat Mediterranean na galing sa isang satelayt. Ang Mediteraneo"Mediteraneo," mula sa, Mediteranyo, o Mediteranea ay isang dagat ng Karagatang Atlantiko na halos natatakpan ng mga anyong-lupa.

Dagat Mediteraneo at Ika-8 dantaon BC · Dagat Mediteraneo at Israel · Tumingin ng iba pang »

Ehipto

Ang Republikang Arabo ng Ehipto, (Arabo: جمهوريّة مصرالعربيّة, umhuriyat Misr al-Arabiyah; internasyunal: Arab Republic of Egypt) karaniwang kilala bilang Ehipto (Arabo: مصر, Misr o Masr sa dyalektong Ehipsiyo; internasyonal: Egypt), ay isang republika sa hilagang-silangang Aprika at maliit na bahagi ng timog-kanlurang Asya.

Ehipto at Ika-8 dantaon BC · Ehipto at Israel · Tumingin ng iba pang »

Ezekias

Si Hezekias (חִזְקִיָּהוּ), o Ezekias, (born ayon sa Tanakh ay isang hari sa Kaharian ng Juda. Siya ay anak ni Ahaz. Sa kapanganakan ni Hezekias, si Hezekias ay inilarawan ni Isaias na sumulat ng Aklat ni Isaias na haring magpapatuloy sa matuwid na pamumuno sa trono ni David sa Kaharian ng Juda (Kapitulo 9-39). Siya ay tinawag na "makapangyarihang diyos at prinsipe ng kapayapaan". Ayon sa 2 Hari 18, si Hezekias ay isang matuwid na hari na "walang katulad niya pagkatapos niya o bago niya" na dumalisay sa Templo ni Solomon, nagbalik ng pagsamba "lamang" kay Yahweh at wumasak sa mga Asherah(2 Hari 18; 2 Cronica 29). Sa panahon ni Hezekias, ang kapayapaan ay sinabi ring mananaig sa Juda(Kapitulo 9-39; 39:8). Ayon sa Bibliya, nasaksihan ni Hezekias ang pagkawasak ng Kaharian ng Israel (Samaria) ni Sargon II ng Asirya at hari ng Juda sa pagkubkob ng Asirya ni Sennacherib ca. 701 BCE. Siya ay inalalarawan sa Bibliya na pagtatag ng isang malawakang reporma sa relihiyon kabilang ang istriktong mandato ng tanging pagsamba lamang Yahweh at pagbabawal ng pagsamba ng ibang mga Diyos sa Templo ni Solomon. Ayon sa 2 Hari 18:4-5," Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga haligi ng Diyosang si Ashera at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises; sapagka't hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel. Ito ay tinawag na Nehushtan. Si Hezekias ay nagtiwala sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Walang katulad niya sa lahat ng mga hari ng Kaharian ng Juda bago niya o sumunod sa kanya." Ito ay salungat sa 2 Hari 23:25 tungkol sa hari ng Kaharian ng Juda na si Josias na " At walang naging hari na gaya niya na una sa kaniya o pagkatapos niya na bumalik sa Panginoon ng buong puso niya, at ng buong kaluluwa niya, at ng buong kapangyarihan niya, ayon sa buong kautusan ni Moises; ni may bumangon mang sumunod sa kaniya na gaya niya." Ayon kay Hölscher, kinopya ng kalaunang editor ng 2 Hari ang 18:5 at nilapat ito kay Josias a na inaayunan rin ng iskolar na si Weippert.

Ezekias at Ika-8 dantaon BC · Ezekias at Israel · Tumingin ng iba pang »

Imperyong Neo-Asirya

Ang Imperyong Neo-Asiryo ang huling imperyo sa kasaysayan ng Asirya sa Mesopotamiya na nagsimula noong 934 BCE at nagwakas noong 609 BCE.

Ika-8 dantaon BC at Imperyong Neo-Asirya · Imperyong Neo-Asirya at Israel · Tumingin ng iba pang »

Kaharian ng Juda

Ang Kaharian ng Juda o Kahariang Timog (Mamlekhet Yehuda) ay isang estado na itinatag sa Levant noong panahon ng bakal.

Ika-8 dantaon BC at Kaharian ng Juda · Israel at Kaharian ng Juda · Tumingin ng iba pang »

Panahong Bakal

Sa arkeolohiya, ang Panahon ng Bakal ay ang yugto ng kaunlaran ng sinumang tao na namamayani ang bakal sa pangunahing sangkap sa mga kagamitan at sandata.

Ika-8 dantaon BC at Panahong Bakal · Israel at Panahong Bakal · Tumingin ng iba pang »

Paraon

Ang Paraon (Ingles: Pharaoh) (Wikang Ehipsiyo: pr ꜥꜣ; ⲡⲣ̅ⲣⲟ|Pǝrro; Biblical Hebrew: Părʿō) ay pamagat na ginammit sa mga hari o monarko ng Sinaunang Ehipto mula sa Unang dinastiya ng Ehipto (c. 3150 BCE) hanggang sa pagsunggab sa teritoryo ng Sinaunang Ehipto ng Imperyong Romano.

Ika-8 dantaon BC at Paraon · Israel at Paraon · Tumingin ng iba pang »

ang listahan sa itaas sasagutin ng sumusunod na mga tanong

Paghahambing sa pagitan ng Ika-8 dantaon BC at Israel

Ika-8 dantaon BC ay 48 na relasyon, habang Israel ay may 141. Bilang mayroon sila sa karaniwan 7, ang Jaccard index ay 3.70% = 7 / (48 + 141).

Mga sanggunian

Ang artikulong ito ay nagpapakita ng mga relasyon sa pagitan ng Ika-8 dantaon BC at Israel. Upang ma-access ang bawat artikulo mula sa kung saan ang impormasyon ay nahango, mangyaring bisitahin ang: