Hormona at Tiroideo
Mga shortcut: Pagkakaiba, Pagkakatulad, Jaccard Magkatulad koepisyent, Mga sanggunian.
Pagkakaiba sa pagitan ng Hormona at Tiroideo
Hormona vs. Tiroideo
Ang mga hormona o hormon (Ingles: hormone, bigkas: /hor-mown/; (mula sa Griyegong ὁρμή, "impetus" na ang ibig sabihin ay "isang pinagmumulan ng motibasyon") ay mga kemikal na ginagawa ng sari-saring mga glandula na nasa loob ng katawan na pumapasok sa daloy ng dugo at nangangasiwa o umaareglo sa pisyolohikal na pag-andar o mga tungkulin.Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 561. Ang mga kemikal na ito ay ginagamit para sa pagmemensahe sa mga organismong maraming mga selula (multiselular). Bawat organismong multiselular ay gumagawa ng mga hormona. Ang mga selula na tumutugon sa isang uri ng hormona ay mayroong mga natatanging reseptor para sa hormonang iyon. Kapag ang hormona ay dumikit sa protina ng reseptor, isang mekanismo para sa pagsignal ang nabubuhay o nagiging aktibo. Ang mga mensahe o pabatid ay maaaring ipadala sa malalapit na mga selula o sa malalayong mga selula. Kapag gustong magpadala ng isang mensahe ng isang selula papunta sa isang malapit na selula, inilalagay ng selulang nagpapadala ang hormona sa loob ng tisyung nasa paligid nito. Kung ang isang selula ng isang hayop ay nais na magpadala ng isang mensahe papunta sa isang selulang malayo, inilalagay ng nagpapadalang selula ang hormona sa dugo. Kapag ang isang hormona ay inilagay sa loob ng dugo, pumupunta ito sa lahat ng mga bahagi ng katawan ng hayop. Kung minsan, ang selulang nakatanggap ng mensahe ay maaaring ang selulang iyon din na gumawa ng hormona (at nagpadala ng mensahe). Ang selula o tisyu na nakakuha ng mensahe ay tinatawag na puntiryang selula o pinupukol na selula (target cell). Maraming iba't ibang mga selula ang maaaring magpadala ng isang mensahe. Mayroong ilang mga uri ng mga selula na ang pangunahing trabaho ay ang lumikha ng mga hormona. Kapag marami sa mga selulang ito ay magkakasama sa isang lugar, tinatawag itong glandula (gland). Ang mga glandula ay mga pangkat ng mga selula na gumagawa ng isang bagay at nagpapakawala ng nagawa nilang bagay (inilalagay ito sa labas ng selula). Ang ilang mga glandula ay gumagawa ng mga hormona. Ang endocrine o endokrina ay nangangahulugan na ang isang bagay ay ginawa ng mga selula at pinakawalan papaloob sa dugo o tisyu. Kaya't ang mga glandulang endokrina ay nagbubuo ng mga hormona at pinakakawalan ang mga ito papunta at papasok sa dugo o tisyu. Ang kabaligtarang salita ay exocrine o eksokrin na nangangahulugang pinakakawalan sa labas ng katawan. Ang isang halimbawa ng eksokrin ay ang mga glandula ng pawis o mga glandula ng laway. Kapag binabanggit ng mga tao ang endocrine, karaniwang nilang ibig sabihin ay "mga glandulang gumagawa ng mga hormona". Ang tiroideo o teroydeo (thyroid) ay isa sa pinakamalaking glandula sa sistemang endokrina na binubuo ng dalawang magkaugnay na lobo. Ang tiroideo ay matatagpuan sa ibaba ng thyroid cartilage na matatagpuan naman sa gitnang bahagi ng leeg. Ang thyroid cartilage ay ang bumubuo sa laryngeal prominence o “Adams apple." Ang tiroideo ang siyang responsable sa bilis ng metabolismo sa katawan o paggamit ng enerhiya. Kontrolado rin ng tiroideo ang paggawa ng protina at ang sensitibidad ng katawan sa ibang ibang hormones. Naglalabas ito ng ibat ibang hormones na tinatawag na T0, T1, T2, T3 (triiodothyronine) at T4 (thyroxine o tetraiodothyronine). Ang mga hormones na ito ang siyang gabay ng katawan sa pagpapanatili ng regular na paglaki o kawastuhan ng ibat ibang sistema sa katawan. Ang T3 at T4 ay na sini-synthesize mula sa iodine at tyrosine. Ang tiroideo din ang siyang nagpapanatili ng tamang calcium homeostatis sa katawan sa pamamagitan ng paglikha ng calcitonin. Ayon sa popular o konbensyonal na medisina ang Thyroid-Stimulating Hormone (TSH) ang syang pamantayan ng pagsukat ng tiroideo hormonal output. Gayumpaman, mayroon namang alternatibong manggamot naman ang naniniwalang ang TSH ay hindi sapat na batayan o sukat ng thyroid hormonal output. Ang thyrotropin-releasing hormone (TRH) na isang hormone na nilalabas ng hypothalamus ay ang syang re-regulate ng TSH. Ang tiroideo ay hugis paru-paro at binubuo ng dalawang tila apang pakpak o lobo. Ang mga lobong ito ay tinatawag na lobus dexter (kanang lobo) o lobus sinister (kaliwang lobo). Ang isthmus ang siyang nagdudugtong sa dalawang lobo. Ang bawa sa ay may tinatayang sukat na 5 sentimetrong haba, 3 sentimong lapad at 2 sentimetrong kapal. Matatagpuan ang tiroideo sa harapang bahagi ng leeg na nakapalibot sa larynx o trachea. Konektado pababa ng tiroideo ay ang esophagus at ang carotid sheat. Sa posisyong anatomikal ang tiroideo ay matatagpuang nakahilig sa ibabaw ng thyroid cartilage (sa ibaba ng laryngeal prominence o Adams Apple). Ang tila papayapos na pisikal na lokasyon ng tiroideo ay umaabot mula sa ika lima o anim na tracheal ring. Mayroong kahirapan markahan ang itaas at ang ibabang pisikal na hangganan ng tiroideo dahil maging ang paggalaw ng leeg o paglunok ay sapat na baguhin ang lokasyon ng tiroideo. Maypagkakataon na mayroong ikatlong lobo (pyramidal lobe). Kategorya:Ulo at leeg ng tao Kategorya:Mga glandula Kategorya:Sistemang endokrina.
Pagkakatulad sa pagitan Hormona at Tiroideo
Hormona at Tiroideo ay may 2 mga bagay sa karaniwan (sa Unyonpedia): Glandula, Protina.
ang listahan sa itaas sasagutin ng sumusunod na mga tanong
- Ano Hormona at Tiroideo magkaroon sa mga karaniwang
- Ano ang mga pagkakatulad sa pagitan ng Hormona at Tiroideo
Paghahambing sa pagitan ng Hormona at Tiroideo
Hormona ay 6 na relasyon, habang Tiroideo ay may 6. Bilang mayroon sila sa karaniwan 2, ang Jaccard index ay 16.67% = 2 / (6 + 6).
Mga sanggunian
Ang artikulong ito ay nagpapakita ng mga relasyon sa pagitan ng Hormona at Tiroideo. Upang ma-access ang bawat artikulo mula sa kung saan ang impormasyon ay nahango, mangyaring bisitahin ang: