Nagtatrabaho kami upang maibalik ang application ng Unionpedia sa Google Play Store
🌟Pinadali namin ang aming disenyo para sa mas mahusay na nabigasyon!
Instagram Facebook X LinkedIn

Glandulang pituitaryo at Tiroideo

Mga shortcut: Pagkakaiba, Pagkakatulad, Jaccard Magkatulad koepisyent, Mga sanggunian.

Pagkakaiba sa pagitan ng Glandulang pituitaryo at Tiroideo

Glandulang pituitaryo vs. Tiroideo

Sa anatomiya ng bertebrado, ang glandulang pituitaryo o hipopisis (Ingles: pituitary gland o hypophysis) ay isang glandulang endokrina na kasinglaki ng isang gisantes (pea) at tumitimbang na 0.5 gramo (0.02 oz.) sa mga tao. Ito ay isang protrusiyon sa ilalim ng hipotalamus sa ilalim(base) ng utak at nakahimlay sa isang maliit mabutong kabidad (cavity) na tinatawag na sella turcica at natatakpan ng tiklop na dural na diaphragma sellae. Ang glandulang pituitaryo ay nakadugtong sa tungkulin sa hipotalamus ng eminensiyang medyano sa pamamagitan ng maliit na tubong tinatawag na sangang inpundibular (pituitary stalk). Ang pituitaryong posa kung saan ang glandulang pituitaryo ay nakaupo ay matatagpuan sa butong spenoid sa gitnang kranial posa sa ilalim (base) ng utak. Ang glandulang pituitaryo ay naglalabas ng siyam na mga hormona na nagreregula ng homeostasis. Ang tiroideo o teroydeo (thyroid) ay isa sa pinakamalaking glandula sa sistemang endokrina na binubuo ng dalawang magkaugnay na lobo. Ang tiroideo ay matatagpuan sa ibaba ng thyroid cartilage na matatagpuan naman sa gitnang bahagi ng leeg. Ang thyroid cartilage ay ang bumubuo sa laryngeal prominence o “Adams apple." Ang tiroideo ang siyang responsable sa bilis ng metabolismo sa katawan o paggamit ng enerhiya. Kontrolado rin ng tiroideo ang paggawa ng protina at ang sensitibidad ng katawan sa ibang ibang hormones. Naglalabas ito ng ibat ibang hormones na tinatawag na T0, T1, T2, T3 (triiodothyronine) at T4 (thyroxine o tetraiodothyronine). Ang mga hormones na ito ang siyang gabay ng katawan sa pagpapanatili ng regular na paglaki o kawastuhan ng ibat ibang sistema sa katawan. Ang T3 at T4 ay na sini-synthesize mula sa iodine at tyrosine. Ang tiroideo din ang siyang nagpapanatili ng tamang calcium homeostatis sa katawan sa pamamagitan ng paglikha ng calcitonin. Ayon sa popular o konbensyonal na medisina ang Thyroid-Stimulating Hormone (TSH) ang syang pamantayan ng pagsukat ng tiroideo hormonal output. Gayumpaman, mayroon namang alternatibong manggamot naman ang naniniwalang ang TSH ay hindi sapat na batayan o sukat ng thyroid hormonal output. Ang thyrotropin-releasing hormone (TRH) na isang hormone na nilalabas ng hypothalamus ay ang syang re-regulate ng TSH. Ang tiroideo ay hugis paru-paro at binubuo ng dalawang tila apang pakpak o lobo. Ang mga lobong ito ay tinatawag na lobus dexter (kanang lobo) o lobus sinister (kaliwang lobo). Ang isthmus ang siyang nagdudugtong sa dalawang lobo. Ang bawa sa ay may tinatayang sukat na 5 sentimetrong haba, 3 sentimong lapad at 2 sentimetrong kapal. Matatagpuan ang tiroideo sa harapang bahagi ng leeg na nakapalibot sa larynx o trachea. Konektado pababa ng tiroideo ay ang esophagus at ang carotid sheat. Sa posisyong anatomikal ang tiroideo ay matatagpuang nakahilig sa ibabaw ng thyroid cartilage (sa ibaba ng laryngeal prominence o Adams Apple). Ang tila papayapos na pisikal na lokasyon ng tiroideo ay umaabot mula sa ika lima o anim na tracheal ring. Mayroong kahirapan markahan ang itaas at ang ibabang pisikal na hangganan ng tiroideo dahil maging ang paggalaw ng leeg o paglunok ay sapat na baguhin ang lokasyon ng tiroideo. Maypagkakataon na mayroong ikatlong lobo (pyramidal lobe). Kategorya:Ulo at leeg ng tao Kategorya:Mga glandula Kategorya:Sistemang endokrina.

Pagkakatulad sa pagitan Glandulang pituitaryo at Tiroideo

Glandulang pituitaryo at Tiroideo ay may 0 mga bagay sa karaniwan (sa Unyonpedia).

ang listahan sa itaas sasagutin ng sumusunod na mga tanong

Paghahambing sa pagitan ng Glandulang pituitaryo at Tiroideo

Glandulang pituitaryo ay 7 na relasyon, habang Tiroideo ay may 6. Bilang mayroon sila sa karaniwan 0, ang Jaccard index ay 0.00% = 0 / (7 + 6).

Mga sanggunian

Ang artikulong ito ay nagpapakita ng mga relasyon sa pagitan ng Glandulang pituitaryo at Tiroideo. Upang ma-access ang bawat artikulo mula sa kung saan ang impormasyon ay nahango, mangyaring bisitahin ang: