Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
Libre
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Kasangkapang pangkasarian

Index Kasangkapang pangkasarian

Ang kasangkapang pangkasarian o pangunahing katangiang pangkasarian o organong sekswal (Ingles: sex organ), sa isang makitid na katuturan, ay kahit na ano sa mga bahaging pang-anatomiya ng katawan na may kaugnayan sa reproduksiyong sekswal at kinabibilangan ng sistemang reproduktibo sa isang masalimuot na organismo, na siyang sumusunod sa ibaba.

58 relasyon: Areola, Babae, Babae (paglilinaw), Bahay-bata, Bahay-itlog, Bayag, Biyak na pudendal, Buhok, Bulba, Bulbol, DNA, Epididymis, G-Spot, Gameto, Glandulang mamarya, Glans, Gonad ng tao, Hene (biyolohiya), Hormona, Ingles (paglilinaw), Itlog ng bayag, Kaluban, Kasarian, Kromosomang Y, Kurdong ispermatiko, Labia, Labia majora, Labia minora, Lagusan ng itlog, Lalaki, Mons pubis, Mukha, Nabubuong sanggol, Ovum, Pagtatalik, Pamumuo ng supling bago iluwal, Pangalawang mga katangiang pangkasarian, Perineum, Prepusyo (paglilinaw), Prepusyo ng tinggil, Prepusyo ng titi, Prostata, Reproduksiyong seksuwal, Seksuwal, Semilya, Sinapupunan, Sipit-sipitan, Sistemang reproduktibo, Sonang nakaaantig, Supot ng bayag, ..., Suso, Tinggil, Titi, Ulo ng titi, Uretra, Utong, Vas deferens, Wikang Latin. Palawakin index (8 higit pa) »

Areola

Ang areola o areole (mula sa Ingles na areole at Kastilang areola; orihinal na nagmula sa Latin na reola na nangangahulugang "maliit na espasyong bukas"; kaugnay ng rea o "bukas na pook"; kaugnay din ng salitang area) ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod:, TheFreeDictionary.Com.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Areola · Tumingin ng iba pang »

Babae

''Katotohanan'', 1870, ni Jules Joseph Lefebvre. Venus ay ginagamit ding tanda para sa mga kababaihan, tao man o hayop. Mga bahagi (sa harapan) ng katawan ng isang babaeng tao: 1. buhok, 2. kilay, 3. mata, 4. ilong, 5. tainga, 6. bibig, 7. baba, 8. leeg, 9. balikat, 10. lugar ng dayapram, 11. dibdib, 12. suso, 13. utong, 14. braso, 15. balakang, 16. tiyan, 17. siko, 18. puson, 19. singit, 20. bulbol, 21. kasukasuan, 22. puke, 23. kamay, 24. hita, 25. mga daliri, 26. tuhod, 27. lulod, 28. bukung-bukong, at 29. paa at mga daliri Mga bahagi (sa likuran) ng katawan ng isang babaeng tao: 1. ulo, 2. buhok, 3. leeg, 4. balikat, 5. likod, 6. kili-kili, 7. braso, 8. gulugod, 9. balakang, 10. siko, 11. pigi, 12. puwit, 13. kamay, 14. mga daliri, 15. hita, 16. alak-alakan, 17. binti, 18. bukung-bukong, 19. paa, at 20. mga daliri at talampakan. Ang babae ay salitang pangkasariang ginagamit para sa tao (Ingles: woman o lady at women o ladies) at mga hayop (Ingles: female; sa Hebreo: ishah; sa ilang salin sa Bibliya: virago, varona, pahina 14.). Kabaligtaran ito ng salitang lalaki.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Babae · Tumingin ng iba pang »

Babae (paglilinaw)

Ang salitang babae ay tumutukoy sa mga sumusunod.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Babae (paglilinaw) · Tumingin ng iba pang »

Bahay-bata

Ang bahay-bata, sinapupunan, matris, o utero ay ang bahagi ng katawan ng babae kung saan lumalaki ang isang sanggol hangga't hindi pa isinisilang.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Bahay-bata · Tumingin ng iba pang »

Bahay-itlog

Obaryo ng isang babaeng tao. Obaryo ng isang halaman. Mula ito sa isang babaeng kalabasa. Ang obaryo o bahay-itlog ay isa sa mga organong pangreproduksiyon ng organismong babae.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Bahay-itlog · Tumingin ng iba pang »

Bayag

Ang bayag (mga Bayag Ingles: testicle) ay dalawang hugis itlog o bola na organong seksuwal ng mga lalaki.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Bayag · Tumingin ng iba pang »

Biyak na pudendal

Ang Gatlang pudendal, hating pudendal, biyak na pudendal, bitak na pangpudendum, o hiwang pangpudendum (Ingles: pudendal cleft, cleft of Venus, pudendal fissure, pudendal cleavage, pudendal slit, urogenital cleft, vulvar slit, rima vulvae, o rima pudendi) ay isang bahagi ng bulba (pudendum), ang tudling sa ibaba ng mons pubis kung saan nahahati ito upang buuin ang labia majora.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Biyak na pudendal · Tumingin ng iba pang »

Buhok

Si Mark Twain, isang manunulat mula sa Estados Unidos, ay isang taong may mahabang buhok sa ulo, may bigote, at may balahibo sa dibdib. Isang lalaking balbasarado. Ang buhok (Ingles: hair) ay mga mahahabang hibla ng balahibo na matatagpuan sa ibabaw ng ulo ng tao at maging sa balat ng mga ito.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Buhok · Tumingin ng iba pang »

Bulba

Ang bulba (Latin, Ingles: vulva, pudendum) ay ang panlabas na bahagi ng ari ng isang babae, partikular na ang sa may labi ng kiki.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Bulba · Tumingin ng iba pang »

Bulbol

Bulbol sa babaeng tao. thumb Ang bulbol o ay kulot na buhok o balahibo na tumutubo sa ibaba ng puson, sa may singit at sa paligid ng ari ng tao na nagsisimula ng panahon ng pagbibinata ng lalaki at sa edad ng pagdadalaga ng babae.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Bulbol · Tumingin ng iba pang »

DNA

Iskimatikong paglalarawan ng DNA na pinapakita ang kayarian niyang dobleng likaw (ang ''double helix''). Ang Deoxyribonucleic acid (DNA) (Tagalog: asidong deoksiribonukleiko) ay isang nukleikong asido na naglalaman ng mga henetikong instruksiyon na ginagamit sa pag-unlad at paggana ng lahat ng alam na mga buhay na organismo maliban sa mga RNA virus.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at DNA · Tumingin ng iba pang »

Epididymis

Ang epididaymis (Ingles: epididymis) ay nakakunekta sa bayag na siyang pinupuntahan ng tamod kapag lumalabas ito mula sa bayag.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Epididymis · Tumingin ng iba pang »

G-Spot

Ang Gräfenberg Spot o G-Spot, na maisasalin bilang dakong-G, pook na G o lugar na G, ay binigyang ng kahulugan bilang isang hugis balatong (sitaw o patani) na pook ng puke.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at G-Spot · Tumingin ng iba pang »

Gameto

Ang gameto (Ingles: gamete, mula sa Sinaunang Griyegong γαμετης; isinalinwikang gamete.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Gameto · Tumingin ng iba pang »

Glandulang mamarya

Ang glandulang mamarya ay isang organo ng mga mamalyang babae na gumagawa ng gatas upang mapakain ang bata pang anak.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Glandulang mamarya · Tumingin ng iba pang »

Glans

Ang glans (Latin para sa "ensina", "akorn", "belyota", "Ulo ni Tim") ay isang kayariang baskular na nasa dulo o ulo ng titi sa kalalakihan, na katumbas ng kayariang pangkasarian ng tinggil, na tinatawag na dulo ng tinggil o ulo ng tinggil, ng kababaihan.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Glans · Tumingin ng iba pang »

Gonad ng tao

Ang gonad ay ang organong gumagawa ng mga gameto.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Gonad ng tao · Tumingin ng iba pang »

Hene (biyolohiya)

Ang hene o gene (na tinatawag ding kamani ayon sa kontrobersyal na Maugnaying Talasalitaang Pang-Agham Ingles-Pilipino) ay isang molekular na yunit ng pagmamana ng katangian sa isang organismo.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Hene (biyolohiya) · Tumingin ng iba pang »

Hormona

Ang mga hormona o hormon (Ingles: hormone, bigkas: /hor-mown/; (mula sa Griyegong ὁρμή, "impetus" na ang ibig sabihin ay "isang pinagmumulan ng motibasyon") ay mga kemikal na ginagawa ng sari-saring mga glandula na nasa loob ng katawan na pumapasok sa daloy ng dugo at nangangasiwa o umaareglo sa pisyolohikal na pag-andar o mga tungkulin.Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 561. Ang mga kemikal na ito ay ginagamit para sa pagmemensahe sa mga organismong maraming mga selula (multiselular). Bawat organismong multiselular ay gumagawa ng mga hormona. Ang mga selula na tumutugon sa isang uri ng hormona ay mayroong mga natatanging reseptor para sa hormonang iyon. Kapag ang hormona ay dumikit sa protina ng reseptor, isang mekanismo para sa pagsignal ang nabubuhay o nagiging aktibo. Ang mga mensahe o pabatid ay maaaring ipadala sa malalapit na mga selula o sa malalayong mga selula. Kapag gustong magpadala ng isang mensahe ng isang selula papunta sa isang malapit na selula, inilalagay ng selulang nagpapadala ang hormona sa loob ng tisyung nasa paligid nito. Kung ang isang selula ng isang hayop ay nais na magpadala ng isang mensahe papunta sa isang selulang malayo, inilalagay ng nagpapadalang selula ang hormona sa dugo. Kapag ang isang hormona ay inilagay sa loob ng dugo, pumupunta ito sa lahat ng mga bahagi ng katawan ng hayop. Kung minsan, ang selulang nakatanggap ng mensahe ay maaaring ang selulang iyon din na gumawa ng hormona (at nagpadala ng mensahe). Ang selula o tisyu na nakakuha ng mensahe ay tinatawag na puntiryang selula o pinupukol na selula (target cell). Maraming iba't ibang mga selula ang maaaring magpadala ng isang mensahe. Mayroong ilang mga uri ng mga selula na ang pangunahing trabaho ay ang lumikha ng mga hormona. Kapag marami sa mga selulang ito ay magkakasama sa isang lugar, tinatawag itong glandula (gland). Ang mga glandula ay mga pangkat ng mga selula na gumagawa ng isang bagay at nagpapakawala ng nagawa nilang bagay (inilalagay ito sa labas ng selula). Ang ilang mga glandula ay gumagawa ng mga hormona. Ang endocrine o endokrina ay nangangahulugan na ang isang bagay ay ginawa ng mga selula at pinakawalan papaloob sa dugo o tisyu. Kaya't ang mga glandulang endokrina ay nagbubuo ng mga hormona at pinakakawalan ang mga ito papunta at papasok sa dugo o tisyu. Ang kabaligtarang salita ay exocrine o eksokrin na nangangahulugang pinakakawalan sa labas ng katawan. Ang isang halimbawa ng eksokrin ay ang mga glandula ng pawis o mga glandula ng laway. Kapag binabanggit ng mga tao ang endocrine, karaniwang nilang ibig sabihin ay "mga glandulang gumagawa ng mga hormona".

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Hormona · Tumingin ng iba pang »

Ingles (paglilinaw)

Ang Ingles ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Ingles (paglilinaw) · Tumingin ng iba pang »

Itlog ng bayag

Ang mga itlog ng bayag (Ingles: testicle; mula sa Latin na testiculus, diminutibo ng testis, na nangangahulugang "saksi" ng birilidad,; ang testis ay pang-isahan, na nagiging testes kung maramihan) ay ang panlalaking gonad sa mga hayop.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Itlog ng bayag · Tumingin ng iba pang »

Kaluban

Ang kaluban, puki o kiki ay ang pisikal na pantukoy sa kasarian ng mga kababaihan sa ilang mga hayop kabilang ang mga tao.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Kaluban · Tumingin ng iba pang »

Kasarian

Mga panandang pangkasarian: pambabae (''kaliwa''), panlalaki (''kanan''), nagmula sa mga simbulo nina Venus at Marte. Ang kasarian, tauhin, o seks (Ingles: gender), sa karaniwang gamit, ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at ng mga babae.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Kasarian · Tumingin ng iba pang »

Kromosomang Y

Ang Kromosomang Y (Ingles: Y chromosome) ang isa sa dalawang sistemang tagatukoy ng kasarian sa karamihan ng mga mamalya kabilang ang mga tao.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Kromosomang Y · Tumingin ng iba pang »

Kurdong ispermatiko

Ang kurdong ispermatiko o kurdong pampunlay ay ang pangalan ng kayariang parang kurdon na nasa mga lalaki, na binuo ng vas deferens at nakapaligid na mga lamuymoy na tumatakbo magmula sa puson pababa sa bawat isang testikulo.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Kurdong ispermatiko · Tumingin ng iba pang »

Labia

Ang labia ay ang mga kayariang pang-anatomiya na mga bahagi ng henitalya ng babae; sila ang mga pangunahing mga bahagi ng bulba na nakikita sa labas ng katawan ng babaeng tao; sa mga tao, mayroong dalawang paris ng labia: ang panlabas na labia, o labia majora na mas malalaki at matataba, habang ang panloob na labia o labia minora ay mga tupi o tiklop ng balat na kadalasang nakakubli sa loob ng panlabas na mga labia.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Labia · Tumingin ng iba pang »

Labia majora

Mga kayarian ng bulba na may mga pangalan. Ang labia majora (isahan: labium majus, literal na "malaking labi") ay ang dalawang kitang-kitang longhitudinal na mga luping kutanyo (lupi ng balat o lupi ng kutis) na umaabot pababa at palikod magmula sa mons pubis papunta sa perineum at bumubuo ng panggilid na mga hangganan ng hating pampudendum, na naglalaman ng labia minora, ukang interlabial (ukang papasok sa labi), pindong na pantinggil, dulo ng tinggil (clitoral glans), frenulum clitoridis, ang guhit ni Hart, at ang bestibulong bulbal, na naglalaman ng panlabas na mga awang ng uretra at ng bahina.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Labia majora · Tumingin ng iba pang »

Labia minora

Ang labia minora, na labium minus sa isahang pagbibilang (literal na "maliit na labi"), at nakikilala rin bilang panloob na labia, panloob na mga labi, mas nakapaloob na mga labi, o kaya nymphae sa Ingles (literal na mga nimpa, nympha kung isahan), ay dalawang mga pagaypay ng balat na nasa magkabilang mga gilid ng bukana ng puki ng tao, na nasa pagitan ng labia majora (panlabas na labia, mas panlabas na mga labi, nakalabas na mga labi, o panlabas na mga labi).

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Labia minora · Tumingin ng iba pang »

Lagusan ng itlog

Ang mga lagusan ng itlog o lagusang-itlog (Ingles: fallopian tube, oviduct) ay ang dalawang makitid na tukil o tubo na nagmumula sa bahay-itlog ng isang mamalyang babae patungo sa bahay-bata (sinapupunan).

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Lagusan ng itlog · Tumingin ng iba pang »

Lalaki

David'' ni Michelangelo. Mars ang siyang tandang ginagamit din para sa mga kalalakihan, tao man o hayop. Guhit-larawan ng mga bahaging pangkasarian ng isang lalaking tao. Ang lalaki o lalake ay salitang pangkasariang ginagamit para sa tao (Ingles: man at men) at mga hayop (Ingles: male; sa Hebreo: ish; sa ilang salin sa Bibliya: vir, varon, pahina 14.). Kabaligtaran ito ng salitang babae.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Lalaki · Tumingin ng iba pang »

Mons pubis

Sa anatomiya ng tao o sa mga mamalya sa pangkalahatan, ang mons pubis (Latin para sa "ulbok na pubiko" o "puklong pubiko", ulbok o puklo na nasa ibaba ng puson at pagitan ng mga singit), na kilala rin bilang mons veneris (Latin, ulbok ni Benus) o payak na mons (ulbok o puklo) lang, ay ang tisyung adiposa (tisyung may taglay na taba o tabang-hayop) na nakahimlay sa itaas ng butong pubiko ng adultong mga kababaihan, sa harap ng pubic symphysis.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Mons pubis · Tumingin ng iba pang »

Mukha

Mukha ng isang babaeng tao. Mukha ng isang batang babaeng tao. Ang mukha (mula sa Sanskrito: मुख) ay isang pangharap na bahagi ng ulo.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Mukha · Tumingin ng iba pang »

Nabubuong sanggol

Ang nabubuong sanggol na may gulang na 14 na mga linggo (edad sa loob ng sinapupunan ng isang nagdadalantaong-ina) na may sukat na 3 pulgada o 76 milimetro. Ang nabubuong sanggol o namumuong sanggol (Ingles: fetus o foetus, Pagdadalang-tao (pagbubuntis), Tagalog na pahina sa web mula sa Noruwega, IntroTagalog.cappelendamm.no, nakuha noong Agosto 3, 2009.) ay ang tawag sa isisilang na anak ng tao o hayop habang nasa loob pa ng tiyan ng ina.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Nabubuong sanggol · Tumingin ng iba pang »

Ovum

Ang itlog ng babae, obum, o oba (Ingles: ovum kung isahan, na nagiging ova kapag maramihan) ay ang haploid na selula o gameto ng sistemang reproduktibo ng babae.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Ovum · Tumingin ng iba pang »

Pagtatalik

Pagtatalik ng lalaki at babaeng tao. Ang pagtatalik, pagsisiping, o pag-uulayaw, ayon sa biyolohikal na kahulugan, ay isang pamamaraan ng isang babae at ng isang lalaki upang makabuo ng kanilang magiging supling sa pamamagitan ng kanilang mga ari.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Pagtatalik · Tumingin ng iba pang »

Pamumuo ng supling bago iluwal

Larawan ng bilig na may 6 na linggong gulang, o 4 na linggo matapos ang pertilisasyon. Ang pamumuo ng supling bago iluwal (Ingles: prenatal development, pamumuo ng supling bago ito isilang bilang ganap na sanggol) ay ang progreso ng pamumuo ng bilig (embryo) o ng fetus (supling) sa kapanahunan ng pagdadalangtao, mula pertilisasyon hanggang sa pagluluwal ng sanggol.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Pamumuo ng supling bago iluwal · Tumingin ng iba pang »

Pangalawang mga katangiang pangkasarian

Mga katangiang pangkasarian ng isang lalaki. Mga katangiang pangkasarian ng isang babae. Ang Pangalawang mga katangiang pangkasarian (Ingles: secondary sex characteristics) ay mga tampok na nakapagpapakilala ng pagkakaiba ng dalawang mga kasarian ng isang uri o espesye, subalit hindi tuwirang bahagi ng sistemang reproduktibo.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Pangalawang mga katangiang pangkasarian · Tumingin ng iba pang »

Perineum

Sa anatomiyang pangtao, ang perineum o perinium (Bandang Huling Latin, mula sa Griyegong περίνεος - perineos) ay isang rehiyon sa katawan na kasama ang katawang perineal at nakapaligid na mga estruktura.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Perineum · Tumingin ng iba pang »

Prepusyo (paglilinaw)

Ang salitang prepusyo ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Prepusyo (paglilinaw) · Tumingin ng iba pang »

Prepusyo ng tinggil

Nasisinsingang prepusyo ng tinggil. Sa anatomiya ng babaeng tao, ang prepusyo ng ulo ng tinggil, prepusyo ng tinggil, o suklob ng kuntil (Ingles: clitoral hood) ay ang tiklop ng balat na nakapalibot at pumuprutekta sa tinggil.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Prepusyo ng tinggil · Tumingin ng iba pang »

Prepusyo ng titi

Prepusyo ng titi Ang prepusyo o suklob sa ulo ng titi ay isang nababawing dalawahang-patong na tiklop ng balat at mukosang lamad (membranong mukosa) na tumatakip sa ulo ng titi o burat, (sa Ingles: glans penis) at nagsasanggalang sa yurinaryong meyatus (panlabas butas ng yuretra) kung hindi nakatayo ang titi.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Prepusyo ng titi · Tumingin ng iba pang »

Prostata

Ang prostata o prosteyt (Ingles: prostate, mula sa Griyegong p??st?t?? - prostates, literal na "isang tao na nakatindig sa harapan", "tagapagtanggol", "tagapagsanggalang", "tagapag-alaga", "katiwala") ay isang langkapan o tambalan na tubulo-albeolar na glandulang eksokrin ng panlalaking sistemang reproduktibo sa karamihan ng mga mamalya.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Prostata · Tumingin ng iba pang »

Reproduksiyong seksuwal

Sa unang yugto ng reproduksiyong seksuwal, ang tinatawag na ''meiosis'', ang bilang ng mga kromosom ay nababawasan magmula sa bilang na diploid (2n) hanggang sa maging isang bilang na haploid (n). Habang nagaganap ang ''pertilisasyon'', nagsasama-sama ang mga gametong haploid upang makabuo ng isang diploid na sigota (''zygot'') at muling napanunumbalik ang pinagsimulan o orihinal na bilang ng mga kromosom (2n). Ang reproduksiyong seksuwal o seksuwal na pagpaparami ay ang uri ng reproduksiyon na nangangailangan ng dalawang selulang kasarian.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Reproduksiyong seksuwal · Tumingin ng iba pang »

Seksuwal

Ang seksuwal o seksuwalidad ay maaaring tumukoy sa.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Seksuwal · Tumingin ng iba pang »

Semilya

Mga gumagalaw na mga esperma habang pinagmamasdan sa tulong ng mga lente ng isang mikroskopyo.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Semilya · Tumingin ng iba pang »

Sinapupunan

Ang sinapupunan ay nagmula sa mga salitang sapo at sapopo, na maaaring tumukoy sa mga sumusunod.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Sinapupunan · Tumingin ng iba pang »

Sipit-sipitan

Ang sipit-sipitan ay maaaring tumukoy sa.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Sipit-sipitan · Tumingin ng iba pang »

Sistemang reproduktibo

Sistemang reproduktibo ng lalaking tao. Sistemang reproduktibo ng babaeng tao. Ang anatomiya ng mga suso ng babaeng tao: 1. dinding ng dibdib, 2. masel na pektoralis, 3. mga lobyul, 4. utong, 5. aryola, 6. daanang laktipero (daanan ng gatas), 7. tisyu ng taba, at 8. balat. Ang sistemang reproduktibo, sistemang pampag-anak, sistemang panuplingan, o sistemang pasuplingan ay isang katipunan at ugnayan ng mga organo at/o sustansiya sa loob ng isang organismo na tumutukoy sa reproduksiyon o pagpaparami ng isang espesye.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Sistemang reproduktibo · Tumingin ng iba pang »

Sonang nakaaantig

Ang sonang nakaaantig, sonang nakakaantig, sonang nakapagpapaantig, sonang nakapupukaw, sonang nakabubuyo, sonang nakapag-uudyok, sonang nakauudyok, sonang nakadadarang, sonang nakahihikayat, sonang nakapagpapalibog, sonang nakapagpapahalay o sonang seksuwal (Ingles: erogenous zone) ay anumang mga bahagi sa katawan na kung hihipuin ay nakapagdudulot ng pagkadama ng pagkalibog.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Sonang nakaaantig · Tumingin ng iba pang »

Supot ng bayag

Kategorya:Sistemang reproduktibo ng lalaki Ang Supot ng Bayag ay ang ipormal na kahulugan sa pormal na tawag mula sa opisial na tagalo na Scroto.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Supot ng bayag · Tumingin ng iba pang »

Suso

Suso ng isang buntis na babaeng tao. Ang salitang suso o dede o totoy o pasupsupanDiksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, 1583 mga dahon, ISBN 971-91055-0-X ay tumutukoy sa pangharap na rehiyon ng pang-itaas na bahagi ng katawan ng isang hayop, partikular na ang sa mga mamalya, kabilang ang mga sangkatauhan.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Suso · Tumingin ng iba pang »

Tinggil

Ginuhit na panlabas na anatomiya ng tinggil. Ang tinggil, na natatawag na tungkil o kuntil sa kung minsan, ay isang kasangkapang pangkasarian ng isang babaeng mamalya.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Tinggil · Tumingin ng iba pang »

Titi

Ang titi (Ingles: penis) ay isang biyolohikal na bahagi ng mga lalaking hayop kabilang ang parehong mga bertebrado at inbertebrado.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Titi · Tumingin ng iba pang »

Ulo ng titi

Ang ulo ng titi o dulo ng titi (Ingles: glans penis, o glans lamang) ay ang maselan o sensitibong dulo ng titi na kahugis ng bumbilya.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Ulo ng titi · Tumingin ng iba pang »

Uretra

Ang panlalaking uretra. Ang uretra ay isang tubong umuugnay o kumukunekta sa pantog patungo sa labas ng katawan.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Uretra · Tumingin ng iba pang »

Utong

Ang utong na napapaligiran ng areola sa isang babaeng tao. Mga utong sa katawan ng isang lalaking tao. Sa isang malawakang kahulugan, ang isang utong ay ang maliit na bukol o umbok sa katawan ng tao o hayop kung saan nagmumula ang anumang tumutulong bagay (pluido), ang gatas sa kasong ito, upang mapakain o mapainom ang isang sanggol.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Utong · Tumingin ng iba pang »

Vas deferens

Ang vas deferens (maramihan: vasa deferentia), na tinatawag ding ductus deferens (Latin: "lalagyan na nagdadala papalayo"; maramihan: ductus deferentes), ay bahagi ng anatomiya ng lalaki ng maraming mga may gulugod na hayop; ang mga vasa o sisidlang ito ay nagdadala ng isperma mula sa epididymis papunta sa mga duktong ehakulatoryo bilang pangunguna sa ehakulasyon.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Vas deferens · Tumingin ng iba pang »

Wikang Latin

Ang Latin ay isang wikang Indo-Europeo na unang sinalita sa rehiyong pumapalibot sa Lungsod ng Roma na tinatawag na Latium.

Bago!!: Kasangkapang pangkasarian at Wikang Latin · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Anatomiyang henital, Anatomiyang pangpagtatalik, Anatomiyang pangseks, Anatomiyang seksuwal, Ari, Aring pampagtatalik, Aring pangkasarian, Aring pangreproduksiyon, Aring pangreproduksyon, Aring reproduktibo, Genital, Genital anatomy, Genitalia, Genitals, Henital, Henital na anatomiya, Henitalia, Henitaliya, Henitalya, Kagamitang pangtalik, Kagamitang pantalik, Kasangkapan sa pagtatalik, Kasangkapang pampagtatalik, Kasangkapang pangpagtatalik, Kasangkapang pangtalik, Kasangkapang pantalik, Kasangkapang seksuwal, Kasangkapang sekswal, Organo ng kasarian, Organo ng seks, Organong pampagtatalik, Organong pampakikipagtalik, Organong pangkasarian, Organong pangpagtatalik, Organong pangpakikipagtalik, Organong pangreproduksyon, Organong pangseks, Organong pangtalik, Organong pantalik, Organong reproduktibo, Organong seksuwal, Organong sekswal, Pangkasariang anatomiya, Pangkasariang kasangkapan, Pangkasariang organo, Pangpagtatalik na anatomiya, Pangseks na anatomiya, Pangseks na organo, Pangunahing katangiang pangkasarian, Pangunahing mga katangiang pangkasarian, Reproductive organ, Reproductive organs, Reproduktibong ari, Reproduktibong organo, Seksuwal na anatomiya, Seksuwal na organo, Sekswal na organo, Sex organ, Sex organs, Sexual anatomy, Sexual organ.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »