Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
I-install
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Eronautika

Index Eronautika

Ang eronautika (aeronautics, aeronáutica) ay ang agham na kasangkot sa pag-aaral, pagdisenyo at pagpapagawa ng mga makinang may kakayahang lumipad (air flight-capable machines), at ang mga pamamaraan ng pagpapatakbo ng mga sasakyang panghimpapawid at ng mga kuwitis sa loob ng atmospera.

4 relasyon: Abyasyon, Agham, Himpapawid, Sasakyang panghimpapawid.

Abyasyon

Ang abyasyon (sa wikang Ingles: aviation) ay ang praktikal na aspekto o sining ng eronautika, bilang disenyo, pag-unlad, produksyon, operasyon at paggamit ng mga sasakyang panghimpapawid, lalo na iyong mga mas mabigat pa sa hangin.

Bago!!: Eronautika at Abyasyon · Tumingin ng iba pang »

Agham

Ang agham (mula sa Sanskrito: आगम) o siyensiya (mula sa Kastila: Ciencia) ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraan nito.

Bago!!: Eronautika at Agham · Tumingin ng iba pang »

Himpapawid

Ang atmospero, atmospera, o panganorin ay ang "kapisanan ng mga hangin at ng sari-saring mga singaw ng panahon na nakaliligid sa sangdaigdig hanggang sa sanggayong lawak".

Bago!!: Eronautika at Himpapawid · Tumingin ng iba pang »

Sasakyang panghimpapawid

Sasakyang panghimpapawid Ang sasakyang lumilipad o sasakyang panghimpapawid, makikita sa (Ingles: aircraft ay isang sasakyan o behikulong may kakayahang lumipad o sumalipadpad sa pamamagitan ng tulong ng hangin, o dahil sa suporta ng atmospero ng isang planeta. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga sasakyang may lobo (napapaangat dahil sa mainit na hangin), mga eruplano, mga glayder (sasakyang walang makina ngunit sumasalimbay o sumasabay at nagpapatangay lamang sa hangin), at mga helikoptero. Hindi itinuturing na isang sasakyang panghimpapawid ang karamihan sa mga kuwitis (mga rocket o skyrocket) o misil sapagkat hindi sila inaalalayan ng hangin bagaman may kakayahang sumahimpapawid. Tinatawag na abyasyon o pagpapalipad ang gawain ng taong may kaugnayan sa mga sasakyang lumilipad. Mayroon na ring mga sasakyang may makinang lumilipad subalit hindi naman talaga naglululan ng tao.

Bago!!: Eronautika at Sasakyang panghimpapawid · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Aeronautics.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »