Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
I-install
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

CSS

Index CSS

Ang Cascading Style Sheets (CSS), literal na "Lumalagaslas na mga Pilas ng Estilo") ay isang wika ng pilas ng estilong ginagamit upang ilarawan ang semantikong presentasyon (ang anyo at pagpopormat) ng isang dokumentong nakasulat sa isang wikang markado. Ang pinaka pangkaraniwang aplikasyon ay estiluhin ang mga pahina ng web na nakasulat sa HTML at XHTML, ngunit ang wika ay maaari ring gamitin sa anumang uri ng dokumentong XML, kasama ang Payak na Lumang XML, SVG (Masusukat na Grapikong Bektor) at XUL. Pangunahing dinisenyo ang CSS upang maisagawa ang paghihiwalay ng nilalaman ng dokumento (na nakasulat sa HTML o kahalintulad na wikang markado) mula sa presentasyon ng dokumento, kasama ang mga elementong katulad ng pagkakalatag ng pahina (page layout), mga kulay, at mga tipo ng titik (font). Ang paghihiwalay na ito ay makapagpapainam ng aksesibilidad o pagkanapupuntahan ng nilalaman, makapagbibigay ng higit pang pleksibilidad at kontrol sa pagtutukoy (espesipikasyon) ng mga karakteristiko o katangian ng presentasyon, makapagsasagawa ng maramihang mga pahina na makikibakas sa pagpopormat (pagbabalangkas), at makapagbabawas ng kasalimuotan o kompleksidad at pag-uulit o repetisyon sa nilalamang pangkayarian o pang-istruktura (katulad ng pagpapahintulot para sa disenyo ng web na walang talahanayan). Nakapagpapahintulot din ang CSS sa mismong pahinang markadong iyon na maiprisinta sa iba't ibang mga estilo para sa iba't ibang metodo ng paghahayag o pagrerender, katulad ng mga aparatong nasa iskrin (on-screen), nakalimbag, sa pamamagitan ng tinig (kapag binabasa at sinasambit ng isang pantingin-tingin o browser na nakabatay sa pananalita o pambasa ng iskrin at mga aparatong taktilo o nahihipo na nakabatay sa Braille.

2 relasyon: HTML, Kulay.

HTML

Ang HTML (daglat ng Hypertext Markup Language) ay ang ginagamit sa paggawa ng web page.

Bago!!: CSS at HTML · Tumingin ng iba pang »

Kulay

gulong na nagpapakita ng iba't ibang mga kulay. Ang mga kulay (Ingles: colour (UK) o color (US); Kastila: color) ay mga katangiang bahid ng mga bagay na nakikita ng mga mata ng tao na maaaring matingkad o mapusyaw.

Bago!!: CSS at Kulay · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Cascading Style Sheets, Lumalagaslas na mga Pilas ng Estilo.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »