Logo
Unyonpedia
Communication
Kunin ito sa Google Play
Bago! I-download ang Unyonpedia sa iyong Android ™!
Libre
Mas mabilis kaysa sa browser!
 

Alhebra

Index Alhebra

Ang Alhebra ay isang sangay ng matematika na pag-aaral ng mga batas ng mga operasyong matematika, ugnayan(relation), at paglikha ng mga konsepto na nagmumula sa mga ito gaya ng mga termino(term), polinomial, ekwasyon, at strakturang alhebraiko.

9 relasyon: Alhebraikong heometriya, Alhebrang abstrakto, Alhebrang linyar, Ekwasyon, Elementaryong alhebra, Kalkulo, Matematika, Polinomial, Trigonometriya.

Alhebraikong heometriya

Ang Alhebraikong heometriya (Ingles: Algebraic geometry) ang sangay ng matematika na nagsasama ng mga pamamaraan ng abstraktong alhebra lalo na ng komutatibong alhebra sa wika at mga problema ng heometriya.

Bago!!: Alhebra at Alhebraikong heometriya · Tumingin ng iba pang »

Alhebrang abstrakto

Ang abstraktong alhebra, na maisasalin din bilang alhebrang aliban o alhebrang baliwag, ay isang sangay ng matematika na nag-aaral ng mga alhebraikong istraktura gaya ng pangkat, singsing, hanay, modyul, espasyong bektor at alhebra.

Bago!!: Alhebra at Alhebrang abstrakto · Tumingin ng iba pang »

Alhebrang linyar

Ang Alhebrang linyar (Ingles: Linear algebra) ang sangay ng matematika na umuukol sa may hangganan o mabibilang na walang hangganang dimensiyonal na mga espasyong bektor gayundin ang mga pagma-mapang linyar sa pagitan ng mga gayong espasyo.

Bago!!: Alhebra at Alhebrang linyar · Tumingin ng iba pang »

Ekwasyon

Sa matematika, ang tumbasan o ekwasyon (Ingles: equation) ay ang pangungusap na pangmatematika na naghahayag ng ekwalidad (pagiging magkatumbas o magkapantay) ng dalawang ekspresyon.

Bago!!: Alhebra at Ekwasyon · Tumingin ng iba pang »

Elementaryong alhebra

Ang elementaryong panandaan o alhebra ay isang pundamental at mababang baitang na porma ng alhebra na itinuturo sa mga estudyanteng wala o may kaunting dunong na higit sa aritmetika.

Bago!!: Alhebra at Elementaryong alhebra · Tumingin ng iba pang »

Kalkulo

Ang tayahan o kalkulo (Latin, calculus, may literal na kahulugang "isang maliit na bato na ginagamit sa pagbilang") ay isang sangay ng matematika na pag-aaral ng mga hangganan (limits), deribatibo (derivatives), integral(integrals) at seryeng walang hangganan (infinite series).

Bago!!: Alhebra at Kalkulo · Tumingin ng iba pang »

Matematika

Isang putik na tableta ng Babilonya na tinatawag na YBC 7289 na may mga anotasyon. Ang diagonal ay nagpapakita ng aproksimasyon ng kwadradong ugat ng 2 sa apat na seksahesimal na mga pigura na mga anim na decimal na mga pigura.1 + 24/60 + 51/602 + 10/603.

Bago!!: Alhebra at Matematika · Tumingin ng iba pang »

Polinomial

Ang polinomial o damikay sa matematika, ay isang pahayag na binubuo ng mga baryable at ng mga konstante, gamit ang pagdaragdag, pagbabawas, pagpaparami, at mga bilang (negatibo) na buumbilang na paulit.

Bago!!: Alhebra at Polinomial · Tumingin ng iba pang »

Trigonometriya

Ang mga cosine at sine sa loob ng isang bilog na unit Ang trigonometriya o trigonometrya (mula sa Griyego trigōnon "tatsulok" + metron "sukat") o tatsihaan ay isang sangay ng matematika na isang pag-aaral ng mga tatsulok, partikular iyong mga tatsulok na plano (plane) na may sulok na 90 digri (right triangle o tamang tasulok) at ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga gilid at ang ang mga anggulo ng mga gilid na ito.

Bago!!: Alhebra at Trigonometriya · Tumingin ng iba pang »

Nagre-redirect dito:

Aldyebra, Aldyibra, Algebra, Alhebraiko, Aljebra, Panandaan, Pang-alhebra.

OutgoingPapasok
Hey! Kami ay sa Facebook ngayon! »